42. Reason

2002 Words
"Where did you get your answers?" Iyan ang una kong tinanong when we were left alone in my room. Tamad akong sinugod ang kama ko. Mukhang malinis na lalaki naman si Javier kahit papaano dahil ganon pa rin ang kama ko! "Won't your mother feel worried?" Tanong niya sakin sa halip. Nilingon ko ito. "Bakit?" "Kasi may lalaki kang kasama sa kwarto?" Natawa ako sa sinabi niya. "Come on! My mother had an affair! Siguro nga, she still have a contact—" "Celestial!" Suway nito sakin. "What? Totoo naman!" Inis na sabi ko dito. "Just... let's not talk about her, Javier. Hindi ko talaga gusto na pinag-uusapan ang babeng 'yon." Tumango-tango ang lalaki. Napailing ako at muling dumapa sa kama. My god, tila inantok ako sa sariling amoy ng kama. "So, how's my answer?" "You did well, Javier..." I complimented him. "You did well.." Tumawa siya. "Hah... I know you better than yourself." Napalingon ako sa sinabi nito. "Hey! How can you say you know me better?" Hindi ko mapigilang sigawan ito. "Why? It's true!" Aniya. "You always tell me that you strive to do good in school para makaalis sa puder ng Mama mo... But I think, I know the reason..." Tinaasan ko siya ng kilay. "And how did you know? Bakit? Binasa mo ba ang utak ko? Or diary—" Diary. Natigilan ako. Samantalang siya naman ay napangiwi sakin. "No way!" I hissed on him. "Hindi mo naman binasa—You read it!" Sigaw ko dito at tumayo na. Lalo siyang napalayo at hinawakan ang door knob ng pinto. Aba! Tatakbo siya ngayon ha?! This is so embarassing! Wala na bang matitira sakin na hindi pa alam ni Javier? "Bakit mo tinignan huh!? Kupal ka talaga, Javier!" Sigaw ko dito. Mabilis siyang lumabas sa kuwarto. Nagtatakang nakatingin sa'min si Mama. Samantalang si Javier ay dumiretso ng labas. "Anong... nangyayari?" Tanong ni Mama. Ngumiti lang ako sakanya. Iyong pilit na ngiti. "Aalis po muna kami," aniya at dumiretso ako palabas. Hinanap ko si Javier at nakita ko itong nagtatago sa gilid. Seriously? Anong tingin niya sa bahay namin? Mansyon para pagtaguan? He is holding his breath and trying hard not to make any noises. Ang aga-aga at liit ng bahay namin para hindi siya makita! Hinila ko ang kamay nito. "Jusko!" Gulat na aniya. What did I expect? Na Javier do know me? That he see through me? Umasa pa ako sa lalaking 'to... Sakit lang naman siya sa ulo. "Sumama ka sakin," iyon ang sinabi ko sakanya bago siya tuluyang hilahin. Itinulak ko siya papasok ng sasakyan. "Manong, sa mall po." "Mall? Ano gagawin natin sa mall?" Hinihingal na tanong niya. "What do you want?" "Anong what so you want? Pitikin kaya kita?!" Sigaw ko dito. "Ikaw! Ang hayop mo!" "Hindi ko naman sinasadyang basahin!" "Anong hindi? Binasa mo!" "Sir! Wag niyo naman po sigawan ng ganyan ang babae..." Suway ni Manong driver. I gritted my teeth in anger. "Sino ba kasing may sabi sayo na basahin mo?" "Hindi ko naman namalayan na binabasa ko na pala," nakangiti na aniya. "But I must say, nagbago ang tingin ko sayo." Nagsalubong ang kilay ko. Kinabahan. "Anong nagbago?!" "Hmm... Let's just say... Mas gumanda ka?" Napaamang ang labi ko sa sinabi nito. Mas gumanda, huh? Nakangisi ito sakin at tinititigan ang reaksyon ko. Iniwasan ko ito ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. What a fvcking liar. Noong makarating kami sa mall ay doon niya lang tinanong kung saan kami pupunta. But it bothers me how much did he knew about my diary. Noong nakalabas kami sa sasakyan ay tinitigan ko siya ng masama. "Hanggang saan ang nabasa mo?" "Just the first page! Ang laki-laki ng sulat mo doon!" Aniya. "Iyon lang, hindi ko na sinubukang basahin ang iba!" "How did you find it?" "I am cleaning..." Napasinghap ako sa inis. "Siguraduhin mong 'yon lang ang alam mo huh..." Itinaas niya ang kamay sabay tango. "Iyon lang, wala ng iba. Cross my heart." Sinimangutan ko siya. "But all in all, you really did well sa interview. Ngayon, nandito tayo sa mall para pag-usapan kung paano tayo babalik sa dati." Napaamang ang labi nito at nasagot na ang tanong niya kung bakit kami nandito. Nauna na ako naglakad. Pero mabilis ding sumunod si Javier sabay hinawakan ang kamay ko! "There is no need to pretend! Walang tao sa parking lot–" Itinaas nito ang kamay naming dalawa. "Look at our hands. Malaki ang kamay ko 'no?" "Ano namam ngayon?" "Bagay na bagay," he told me. My heart thump. He is saying nonsense that makes my heart wild again! "Could you please shut up? Bitaw—" Umiling ito. "Alam mo, why are you acting such a b!tch when you have a good heart?" Tinignan ko ito ng masama. "Excuse me? I am not a b!tch!?" Tumawa ito. "Ay hindi ba?" Inirapan ko ito. Gusto ko na siyang bitawan, but he never gave me the chance. Kaya hawak-kamay kaming naglalakad. Nang makarating kami sa coffee shop ay inilabas ko na ang notebook. "What are we fighting that day?" Kumunot ang noo ni Javier. Tila nag-iisip. "Nonsense." Sagot niya. "About Candy. And nonsense..." Aniya. Sinulat ko ang sinabi niya. "Wala namam tayong ginagawang masama noong araw na 'yon, hindi ba?" Umiling din ito. "Wala naman. Nagsisigawan lang naman tayo.." "Right... wala naman..." Tango ko dito. "So what can be the reason? Dahil pakialamera lang ito?" "Shh! Shut that... Hindi mo alam baka mamaya nakatingin na pala sa'tin yon." Inirapan ko siya. "So ano nga? Maingay lang naman tayo! Hindi naman natin siya binubulabog!" Inis kong ibinaba ang papel at sumimsim ng kape. Napatigil ito. "Paano kung binulabog natin siya?" "Hindi naman siya sa hotel—" "Paano kung tinitignan niya tayo, tapos sinabi niya na 'ang mga batang 'to, kailangan ng leksyon.' Ganon? Kasi ang tapang-tapang mo magsalita non eh!" Tinuro ko ang sarili. "Paanong naging ako bigla?! Ikaw ang nagsasabi ng kung ano-ano noon!" Pareho kaming natahimik. What if we are really... problematic then..? "Posible ba 'yon?" I asked him. Nagkibit balikat lalaki sakin. "Siguro?" "Baka 'yon nga. We aim to realize each other, ganon? Kasi maingay tayo?" "Hindi!" Iling ko dito. "Baka balak niya pagbatiin tayo? Naalala ko! Na sinabi niya sating... ikakapahamak nating dalawa ang ingay natin!" Kumunot ang noo nito. "Pagbatiin? Ni hindi niya nga alam kung ano ang mayroon sating dalawa!" he told me. "Pero sige, let's assume that... it's really that. Na kaya niya tayo pinarusahan dahil nakikita niya tayong nagtatalo... Then what?" My mind is confused. "Huh?" "Then what? Anong mare-realize natin na pwedeng pagnilayan?" He asked me. "Hey!" Sasagot pa lang sana ako sa tanong ni Javier noong may tumapik sa balikat ko. "Hey man! It's me!" Nakangiting bati nito. I glared on the man who interrupted me. Higit sa lahat, talagang tinapik ako nito! Tinitigan ko ito ng maigi. Then there! I realize it was the man who I helped last time to go into the dean's office! Iyong pogi na tinawag akong pretty! "Oh!" Ngumiti ako. Parang nakaramdam ako ng kaunting banas dahil nga lalaki ako sa paningin niya... at ang katawan ko ay lalaki ang kaluluwa. "Hello! It's nice to see you again!" "I'm glad you remembered me! Medyo nahirapan akong hanapin ka... Kayo," aniya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Javier. Kami? "Bakit?" Nagulat ako noong lumapit ang lalaki sakin at basta na lang umupo. Sumandal ito sa leeg ko. "Hey!" Suway ni Javier at nakatingin samin. Pinandilatan ko siya ng mata. Tumahimik siya diyan. "What is it?" Nakangiting bati ko dito. Mukhang may sasabihin sana siya sakin kaya lang ay natulala ito kay Javier. Hindi sumagot ang lalaki and we both find it weird. The cute guy is just staring at my pretty face. "Ano 'to?" Javier mouthed. "Shut up." Sita ko dito. "Uh," kinalabit ko ang lalaki. Tila nagising ito. "Ah! Sorry... May sumagi lang sa isip ko." "Tsk sumagi pero nakatitig saki—ARAY! Ang sakit uminom ng kape," si Javier. Sinipa ko ito sa ilalim ng lamesa para manahimik. Inirapan ko ito sabay ngiti ulit sa lalaki. "Bakit?" "You know," aniya sa pinakamahinang boses. "I really like this girl... is there something between you two?" Napatulala ako sakanya. "What do you like about her?" It's been so long since I heard someone liked me! I mean, this bold! Tapos ganito ka-gwapo pa ang kumakatok sa puso ko! Umubo si Javier. "Oh, right. I'm sorry. Hindi pa pala ako nagpapakilala," ani noong lalaki. "Oh, do you mind if I crashed in your table?" "Yes I mind–" "I don't mind!" Nakangiting sabi ko dito. "You can seat here," tango ko pa. Sumimangot si Javier. Habang ako naman ay pinandilatan siya ng mata. Sana naman ay makisama siya ngayon! "Thank you—" "Teka, sino ka ba? Ni hindi nga kita kilala," bwisit si Javier. Halata sa tono niya. "Oh I'm sorry. I am Jeric. Jeric Buenavista..." "Jeric..." Tawag ko dito. "I am Celes— Javier... Javier Castell..." "Hello Javier! Nice to meet you!" He smiled. Grabe, that korean face of him is making my knees weak! "And you are?" "His girlfriend," nakasimangot na sagot nito. Pareho kaming natigilan sa sagot ni Javier. What yhe fvck!? "Oh bro... Bakit hindi mo sakin sinabi?" Tinignan ako ni Jeric. "I'm sorry..." "Ha?" Nagulat ako noong bigla itong tumayo. "I am very sorry..." "H-Ha? Teka..." Umalis na ang potential lovelife ko ng ganon lang! Nilingon ko si Javier at tinititigan ng masama. "What the hell is your problem?!" "You are the problem!" Inis na sabi nito sakin. "Hindi ba ay may relasyon tayo? Bakit ang lakas mo pa makangiti sa iba?" Masama ang titig nito sa iniinom niya at hindi ako tinititigan. Saglit na natigilan ang puso ko at hindi alam ang magiging reaksyon sa sinabi ni Javier. He is really surprising me too much... Napalunok ako. "Alam mong wala tayong relasyon," I told him. "Yes we have!" Inis na aniya. Alanganin akong natawa. "Javier, our relationship is fake... Nakalimutan mo na ba?" Masama ang titig nito sa kape niya. Hindi sumasagot. I sighed in annoyance. Mas lalong sumasakit ang puso ko dahil sa tagal ng pagsagot niya. Para kasing kada umaandar ang oras, mas lalong nakukumpirma ang isang bagay na iniiwasan kong tanggapin. Na baka gusto niya ako? Imbes mandiri, bakit ba ako kinakabahan sa iniisip kong 'yon? I should cringe for the thought that he might like me! Hindi dapat kiligin o ano! "H-Hey.." Tawag ko dito. "We should go back to what we are talking about—" Tumayo ito. "Kahit na nagkukunwari tayo, you should act like my boyfriend. Gusto mo bang pag-usapan sa school na si Javier, ang sarili mong boyfriend, ay binubugaw ka sa iba? You would look very pathetic..." Iyon lang ba talaga? He sounds very upset on me. Kaya tumango ako sakanya. "Fine, fine!" Tango ko sakanya. "Just sit down. Don't make big out of this! Umupo ka na at huwag na tayo mag-away, okay?" Hindi pa rin ito umuupo at bahagyang nililingon na kami ng iba. Hinila ko ang kamay niya. Doon siya napaangat ng tingin sakin. "Sitdown, okay? I'm sorry, Javier. Sa susunod, I will respect our relationship." Mukha itong natigilan. It was a few seconds before he sit again. Buti naman, akala ko ay maghahabulan pa kami gaya ng ibang mag-jowa. "I'm sorry okay? Ang guwapo kasi eh, kinilig ako. Tsaka ilang beses na niya ako sinabihang maganda," hagikgik ko dito. Sumimangot ito. "Mukha namang patpating koreano 'yon. Tignan mo ako. Mas guwapo ako, hindi ba?" Gusto kong matawa sa tanong niya sakin. Para siyang bata na naghahanap ng kakami kung makatanong eh! "Sige," tango ko na lang. "Bakit parang napipilitan ka? Ako ang boyfriend mo, dapat guwapo ako sa paningin mo!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh ako ang girilfriend mo, maganda ba ako?" Balik ko sa pilosopong tanong niya. "Of course!" Tumango ito. "You're so pretty as always! Hindi lang iyon, matalino ka pa... Sinong hindi makakapansin noon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD