My heart doesn't know how to react about what he said. Napahinto ako sa sinabi niyang iyon at tinignan ang mukha niyang seryoso ang titig sakin.
As if he really meant that. Alam ko namang niloloko ako nito, pero kumabog pa rin ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin!
Bakit ko nga ba nakalimutan na bago kami mag-palit ng kaluluwa ay isa siyang playboy? Tsk.
Noon, he really doesn't affect me. Wala nga akong pakialam sakanya at tanging galit lang ang nararamdaman ko. But I guess... things are starting to get different dahil...
I want to slap myself because of my own thought. Ano, Celestial? Things are different? Anong different?
I laughed on him para pagtakpan ang nararamdaman sakanya. Umiwas ako ng titig at tinignan ng paa na akala mo may interesanteng bagay doon.
I cannot let myself get affected by his words! Hello, Celestial, he is your greatest enemy! Mandiri ka nga sa pinagsasasabi mo!
"Alam ko namang maganda at matalino ako. Ikaw lang 'tong hayop sa'ting dalawa..." Asar ko na lang sa lalaki.
The awkward atmosphere started to envelope us. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa bagay na iyon.
I heard his low chuckle. Inilingan niya ako at narinig ko ang paghinga ng malalim niya.
"But what I said is true, though. You are very pretty. Lagi ko ngang tinitigan ang mukha mo sa gabi. Kung hindi ka lang maldita ay baka nagustuhan na kita," aniya at malakas na tumawa.
I looked at him in disbelief. How... How dare him just to say things that bluntly!? Pinaglalaruan ba ako nito ngayon?
Nginusuan ko siya at akmang hahampasin—pero naalala ko na katawan ko lang pala ang masasaktan! Mabilis namang nagtago si Javier sa unan bago mahampas... Kaya mabuti na lang!
"Could you please stop being a flirt!? Hindi ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo?!"
"Hindi..."
"At bakit hindi!? Ako nandidiri!" I lied. Bakit ko naman sasabihin na naapektuhan ako sa pinagsasasabi niya?!
Bumungisngis lang ang lalaki. "Why are you so fvcking mad, Celestial? Anong masama sa pagsabi ko sayo na ang ganda mo—"
"Masama pag galing sayo!" I hissed in anger.
Dinampot ko ang unan para sana ihampas sakanya—pero niyakap ko na lang din agad. Nakakainis, hindi ko masaktan si Javier ng todo! Argh! The worse part of exchanging souls!
He looked at me in disbelief. "Paanong dahil sakin? Anong ginawa ko sayo, Celeste?" He asked.
Hindi ako nagsalita at inirapan na lang siya.
"Umalis ka na nga!" Sigaw ko dito.
Natawa ito. "Baka nakakalimutan mo na nasa bahay kita?" He asked me in disbelief.
Akmang magsasalita pa ako—pero noong ma-realize na nasa bahay nga ako at nasa katawan ako ni Javier—it means na hindi ko na nga ito bahay.
"Masyado ka na atang feel at home dito," I pointed out.
Tumango-tango ito sakin. "I like your mom's home cook..."
Napaamang ang labi ko. "You what?!"
My blood started to boil in annoyance. Anong sabi? Luto ni Mama?! Nang-aasar ba ito!?
Alam naman niyang hindi maganda ang relasyon namin ni Mama! Anong gusto niya palabasin ngayon?
"Do you act close with my mother? Javier, alam mong... may problema!"
"Chill, baby. I know my limits," he then wink. "Alam ko naman na may mommy issues ka—"
Hindi ko na napigilan ang sarili at binato siya ng unan. Mommy issue daw?! Nakakainis talaga ang mga salitaan ng lalaking ito!
He just chuckled for what I did even the pillow slap his face.
"Damn, ang sakit mo talaga manakit, baby," he told me sabay lapit sakin. "I hope you can be casual to your mother when things get back to normal..."
Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto ko sana itong sigawan dahil parang namimilosopo ito at kung ano pa. Pero noong nakita ko ang marahan at seryosong titig nito ay napatigil ako.
"Casual?" I answered. "Alam mo ba ang ginawa ng babaeng yon?"
"Hmm?" He hum, asking for information. "You can tell me what really happened. I won't judge baby—"
"I already told you!"
"Yeah... Pero pwede mo naman ulit-ulitin sakin ang kwento if it still hurts," aniya.
Napaiwas ako ng titig sa sinabi niya. Then there, I started to feel my heart again getting wild.
Napaigtad ako noong hinigaan ni Javier ang lap ko.
"Anong ginagawa mo!?" I asked, annoyed. Kahit sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako sa nangyayari!
Hello, he is too close! Alam kong nasa katawan siya ng babae—but he is still a man!
"Hihiga lang, para antukin," Sagot niya sakin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"You can tell anything Celestial. Sa ilang beses mong pagbubunganga sakin, ngayon pa ba ako magiging judger?" Asar niya.
I don't know how to react, pero hinawakan ko ang buhok niya at hinaplos iyon.
"I feel like... I will never be casual with my mother. I hate everything about her."
"Bakit naman?"
"My father died because of him... And being casual is not enough for her to suffer. Kulang pa nga iyon." Napanguso ako dahil din sa inis.
Noong nagkaroon ng kabit si Mama ay narinig ko ang ilang beses nilang pag-away ni Papa doon. I was still young back then, pero naiintindihan ko na kung paano takutin ni Mama si Papa na iiwan niya kaming dalawa if... she will not see his lover because of Papa.
Ang kapal ng mukha, hindi ba? Kahit ipako pa siya sa krus ay kulang pa.
"But one thing for sure is... your father love your mother dearly..." Nakapikit na aniya.
"Oo. Ang tanga, di ba?" I sighed. "Kahit harap-harapan na ang pangangabit ni Mama, and the news are everywhere... Wala siyang ginagawa. Kahit nababastos na siya ng mga tao kasi walang respeto ang sarili niyang asawa sakanya... Wala siyang ginagawa."
I fight the urge to cry when my mind started to flash my joyful father who wanted nothing but love from that filthy woman.
Napamulat si Javier. Even I am staring at my own eyes, I felt him. Parang mata ni Javier ang nakatitig sakin.
"Your father is a strong man. Tanga pero mahal niya talaga ang mama mo. Pwede siyang manakit o maging bayolente, but he choose to be a martyr instead," he commented.
"Is that a good thing Javier? Sa tingin ko ay hindi magandang bagay iyon. I hate martyrs... That's stupid..." Madiing sabi ko sa lalaki.
Itiningala ko ang ulo at tinignan ang ceiling. Damn, I don't want to cry in front of him again!
"Then... Instead of choosing to live and start a new life instead... He just took his life... na parang wala ako. Na parang solo niya ang sakit because my mother really wanted to slip away," I confessed.
Isa sa mga sama ng loob ko noong namatay ang aking ama ay... bakit umakto siya na parang si mama lang ang mayroon siya?
My father had me too. Mayroon siyang anak. Pero mas matimbang ba talaga ang pagmamahal nito sa mama ko para... magpakamatay ng ganon lang?
"My father have her daughter. So how can he kill himself as if wala siyang anak? Meron naman siyang ako... If he just waited a little bit longer, we can share the grief caused by my mother..." I told him. "Kaya bakit... Papa?"
Tumayo na si Javier mula sa pagkakahiga at gamit ng mainit na palad nito ay iniharap ako sakanya.
"I'm sorry for asking you to be casual over your mother. But I really believe that madness will never make you feel good," aniya. He caress my cheeks and gave me a comforting smile. "I don't ask for you to forgive her. But the best way to make you feel less... is maybe to stop being angry?"
Hindi ako nagsalita. What is he saying was hard to do. Stop being angry?
Magagalit na sana ako kaya lang ay niyakap na niya! I was baffled with that action.
"I don't want to invalidate your feelings at all... But that's what I do to feel less unhappy—to stop being angry..." Aniya. "I'm... really sorry about your family, Celestial. I am really... so sorry."
I don't have any idea why does he sound like it was all his fault. Niyakap ko ito pabalik at umiling sa balikat niya.
"Wala kang kasalanan," I said the truth.
Humiwalay ako ng yakap at tinignan siya. He also stare back... at ang sumunod noon ay hindi ko na namalayan.
My lips were trembling. Ako ang lalaki ngayon, pero kinakabahan ako habang unti-unting lumalapit ang mukha nito sakin.
"Celestial," he called me. Kahit sariling boses ko iyon ay iba pa rin ang tunog sakin.
Inilapit ko na rin ang mukha dahil masyado siyang mabagal. Our lips was about to meet when someone knocked on the door.
Nanlaki ang mata ko at tila nagising. I pushed Javier hard enough to make him fall to the bed!
"Anak?" My mother as always with her perfect timing! "Gusto niyo bang kumain? Kumain muna kayong dalawa!"
Kanina lang ay halos isumpa ko ang ina, pero ako na ang tumayo sa kama at binuksan ang pinto.
I smiled on her. "Sige po..."
Nakakahiya! Anong nangyari!? At talagang nilapit ko rin ang mukha kay Javier para makipaghalikan!?
Habang nasa kwarto n ni Javier ay nakatulala ako sa ceiling at iniisip ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Umuwi na ako pagkatapos kumain kay Mama. Ayaw pa sana ni Javier kanina—mukhang mang-aasar pa! Pero I bid my goodbye to avoid being teased by him!
Bakit niya ako hahalikan!? Ayos ang lalaking iyon ha!?
Oh my god...
Is this even possible? Ang makaramdam ng ganito? When did this horrible feeling started?
Yes, horrible talaga! We really need to exchange souls as soon as possible!
Lumapit din ako kanina kay Javier! At talagang hahalik ako pabalik! Sa dami ng lalaki na pwedeng halikan—bakit pa sa banong 'yon!?
Gusto ko na bumalik sa dati!
Isa pang dahilan, malapit na ang tournament niya sa foottball! Habang ang akin naman ay ang science fair! We will really end up ruining each other's life if we didn't hurry about this!
Morning after my chaotic night, pumasok na ako sa school... This is the first time I don't want to see Javier! Usually kasi ay uhaw ako alamin kung nakapasok ba ito o ano! Pero ngayon!?
Bahala siya!
"Ey, man!" Tawag sakin ng isang kaklase. "Do you want ba soya bean curd?"
Kumunot ang ang noo ko sa alok nito. He is just... handing a cup with something on it.
"Soya bean curd?" Takang tanong ko at inilapag ang bag.
"Taho."
I want to strangle his neck. Soya bean curd, taho lang naman pala!
Inirapan ko ito bago tuluyang umupo. I don't have any time for his nonsense.
Javier's world is really different to me. Pati mga tao sa paligid niya ay weirdo din. Pati kaklase ay weird! Lahat sila, actually! Argh, guys!
"Man," tumabi siya sakin. "Excuse ka ngayon, start na ng practice niyo sa tourna. Hindi na daw iaatras," he told me.
"Excuse? Ilang oras akong excuse?" I asked him. Ilang oras na naman kaya ako magtatago sa members ko?
Tumaas ang kilay nito. "Pinagsasasabi mo, men? Hindi ba ito ang gusto mo? Ito na walang klase! Tagal mo hinintay 'to!"
Ang dami niyang sinabi! Isa pa, I don't want to ask any help from Javier para magtago sa ngayon!
"Paanong walang klase—"
"Para sa varsity na kasali sa tournament, wala kang klase until the match," sagot ng isa sabay tawa. "Men, naalog ata talaga ang utak mo malala."
Hanggang... tournament wala akong klase?! Ibig sabihin, ganong oras din ako tatakbo-takbo!?
Kaya ko bang takasan 'to!?
Eventually, I tried to resist about the practice. But even the professors kicked me out on their class! Hindi ako makapaniwala!
Ayaw ba nila sa estudyanteng gusto matuto?
Pero sabagay, university is known for sports... Kaya may ganito talaga na rule. Kaya pala lagi kaming nanalo! This is too much for not attending class!
Siguro pag nakabalik ako sa dating katawan ay k-kwestyunin ko si Mr. Castell patungkol sa bagay na ito!
"Hey, nandito na pala si Cap!"
Nasa gilid pa lang ako ng gym, I am still hesitant noong may umakbay sakin!
"Tara na cap, makikipagbugbugan pa tayo with coach!" They laugh as if violence is a good thing!
Gusto kong humindi sa paghila nila, pero wala! They just laugh! And I swear, their laugh sounded evil!
"Coach! Hindi ganyan ang push up!"
"Javier, did you really hit your head hard?!" Sigaw ni Coach!
Hindi ko alam kung bakit ako nandito! Is the Lord punishing me for being maldita!?
Kanina ay tatakas na sana ako, kaya lang ay nahuli ako ni Coach at ito! Matapos patakbuhin sa malaking oval field ay one hundred push up naman!
This is so inhumane!
Halos hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. We are not in the actual football shıt yet!
Pero tama, binubugbog kami ng coach ngayon!
I am running my life while a wheel is on my back! Hinihila ko ang gulong, at ako ang pinakamabagal saming dalawa!
Damn it, sino bang may sabi na pumunta ako dito!? This is so fvcking ridiculous!
"Castell, dahil ilaw ang huli, a hundred push up!" Sigaw noong kalbong coach. "What happened to you? Nabagok ka ba talaga ng sobra at nawala ang skills mo sa sports? Don't disappoint me, Castell!"
"What—"
"A hundred and fifty!" Dagdag pa nito.
Oh my gosh!
Gusto ko mang mag-reklamo ay hindi na ako sumagot para tapos na. Baka dagdagan pa niya ang push up ko!
Marami pang activities ang kalbong coach kaya hapon na noong natapos kami. I feel so light headed. Fragile and vulnerable.
Napahiga ako sa field at huminga ng malalim.
Hindi na ulit ako babalik dito bukas...
"Javier!?" Tawag sakin ng isang boses.
Si Javier!
Napaupo ako at tinignan si Celeste na tumatakbo papunta sakin. He looks so worried!
Aba, dapat lang!
Halos hindi nito ma-preno ang pagtakbo kaya napasubsob ito sakin. Kinulong niya ang mukha ko sa palad.
"Dang it, you look like dying." He commented.
Inirapan ko ito. "Bakit? Mukha bang hindi ako mamatay ngayon, Javier!? I am really going to die na!"
"Bakit kasi hindi ka tumawag? Tsaka why did you go in here?"
"Bakit?! Habang buhay ko ba silang pwede takasan?" I couldn't help but to ask him in sarcastic way. "Javier, I cannot just run over and over again! This is for your tournament!"
Nakakainis, parang kasalanan ko pa na hindi ako tumawag! Excuse me, kasalanan niya kaya kung bakit kami nagkapalit ng katawan! Kaya bakit ako ang nadidiin dito!?
He sighed in disbelief and fix my hair.
"Pwede ka naman wag mag participate dito! Pwede kitang turuan na tayo lang!"
"Ako? Tuturuan mo ng football? Am I willing to learn—"
"You have your science fair, babe. Required mo rin akong turuan."
Napaamang ang labi ko—oo nga pala! That almost slipped on me today!
I sighed. "Pwede ba? Gumawa na tayo ng paraan para makabalik na sa dati... Para akong kinakatay ngayon," I cried on him.
Wala na nga akong pakialam tungkol sa nangyari samin kagabi. Hindi ko na makapa ang hiya na nararamdaman ko kanina! Puro na lang sakit sa katawan at halos mamanhid na rin ako!
I am glad that he is not opening it up! Buti naman at kaya niyang lumugar sa pang-aasar ngayon!
"I want my body back!" I cried on him.
Tumango-tango siya. "We will do that. But for now, you should just rest. Hindi mo pa kaya mag-isip ng kung ano sa ngayon..."