Nakalabas na ako ng ospital. I was advised not to go to university yet.
Hindi 'din daw muna ako pwede gumawa ng iba't-ibang activities dahil nga sa injures na natamo ko. That's not a bad news for me though. Ayoko makisalamuha sa ibang tao bilang si Javier. Hindi 'ko sila kaya pakisamahan! Sa ngayon!
Ang ingay-ingay ng mga ka-grupo ni Javier and I cannot hang out with them.
Kagabi, narinig 'ko na childhood crush daw ako ni Javier. That's funny. I am surprised too. Hindi 'ko alam na may naramdaman din pala sa'kin si Javier bukod sa galit. Kaya pala napakapapansin niya! Akala ko pag may gusto siya, gusto lang! But I am very surprised when he is such a sadist!
Napatigil ako sa paglalakad noong tumigil din si Jameson. Maangas niya akong tinignan. Grabe, parang ibang lalaki ang kaharap ko ngayon! He is not that sweet, not looking soft, at parang aburido din kay Javier.
Sabagay, lahat naman ng bagay na nadidikitan ni Javier ay maaaburido talaga.
"Stay in your room. Don't make a mess." Jameson reminded.
Hindi 'ko maiwasang umirap. Kanina pa cold at galit sa'kin si Jameson. Alam 'kong para kay Javier 'yon-pero kahit na! This is so hard! Why Jameson is angry to Javier anyway? Nong unang bisita naman niya ay hindi siya galit kay Javier!
I throw myself at his bed. Javier is living a life that I always wanted. Rich and powerful.
Iyon ang gusto 'kong bagay na makuha, kaya I am trying my best to pursue my dream-by all means. Dahil madali ang buhay pag marami kang pera. Maraming maaabot pag makapangyarihan ka.
Anyways, anong gagawin ko sa kwarto niya ngayon?
I grinned. Ano... kaya ang magandang gawin sa gamit niya?
I roam my eyes around. Nakita ko ang mga gamit nito na malinis. Mukhang may PSV siya huh? Makapaglaro nga!
Pumunta ako sa isang pinto, at pagpasok, nakita ko ang kanyang walk-in closet! Napanganga ako. Wow, that man is really living on my dreams! Kaya pala ayaw niya tinuan ang pag-aaral kasi meron naman na siya ng lahat! Ano pang hihilingin mo!?
Pero napangiwi ako. Well, na-kuntento na lang ba siya na makisipsip sa ama? If I have this wealth, palalaguin ko pa ang kung anong mayroon ako. Kasi ang pagiging kuntento ang nakakatakot sa lahat.
Nakakita ako ng mini-reft sa walk in nito. It was full of sweets. Beers and junkfoods.
Napasinghap ako. Woah. "Makakain ka ng mabawasan naman ang muscles mo."
Bumalik ako sa kama na maraming bitbit na chocolate. Tutal ay nandito na ako, lulustayin ko kung anong meron si Javier. Well, if taking food can damage their wealth--na mukhang malabo naman.
Imposible naman na... mababawasan ko ang pera niya sa ganito. What if ipag-shopping ko ang sarili? Ganti lang kasi epal siya, at kung hindi niya sana ako sinama sa kawalang hiyaan niya para mahanap si Candy ay maayos pa ang buhay ko!
Tama. Sometimes, I should do that. Dapat ay dumiretso ako sa mall at lustayin ang pera niya.
"Javier?" Sabado iyon ng tanghali ng may tumawag sa'kin mula sa kwarto. "May bisita ka."
Binuksan 'ko ang pinto at hinarap ang katulong. "Sabihin mo umalis sila."
"Si Celestial daw po. .." The maid informed.
Namilog ang mata ko at natigilan.
"Iyong maganda po?" Tanong ko pa kay manang.
Napatango naman ito. "Opo ser, yung magandang kasama minsan ng tatay niyo..."
Ako nga 'yon! I mean, ang katawan ko 'yon!
I sighed. Sa wakas! After a week of waiting, naisipan na niyang pumunta dito! Bwisit na lalaking 'yon! Why am I waiting for his plan anyway?
I sighed. "Paakyatin mo nga po dito." I said before shutting the door.
Humiga ulit ako sa kama at doon pumikit.
What took him so long? I waited him for a week. Wala din naman akong magagawa lalo na pag mag-isa ako. I don't want to say this, but Javier is right. We need to team up. Wala akong magagawa kung ako lang. Nasa katawan niya ako, at hanggang ngayon-nanghihina pa rin ako sa tuwing paniniwalaan 'ko 'yon!
Hinang-hina nga ako sa mga nangyayari!
I am worried in my body too! Isang linggo na siyang wala sa paningin ko, at malay ko ba kung anong ginagawa niya?
Napamulat ako. Kinabahan. Oh my god!? Baka nga may ginagawa siyang masama sa katawan ko?
Padabog na pumasok si Javier at dire-diretsong sumalampak sa kama. Walang hi-ho, diretso siya sa pagiging balasubas!
Sinamaan ko siya ng titig. "Saan ka nanggaling?"
I observed my body. Wala namang pekas o kahit ano. Buhay pa.
Is he making me a w***e?
"Sa bahay niyo? Nag-aaral?" Tawa niya.
Muntik ko na itong mahampas—pero naalala ko nga pala na ako ang lalaki dito kaya natigilan ako.
Javier grinned on what he saw. "Uy. Hindi makahampas kasi katawan niya..." Halakhak nito.
"Tigilan mo nga ako! Saan ka galing at hindi kita nakita? Hindi mo naman siguro ako ginagawang p****k ano?"
"Damn, I miss my bed." Aniya. Humugot ito ng unan. "Tsaka anong p****k ang sinasabi mo? You're mouth sometimes surprises me!"
"Ano nga?! Isang linggo kang wala! Baka kung anong ginawa mo sa katawan ko—"
"You're overreacting! Nasa bahay lang ako, nakikipag-bonding sa nanay mo."
Oh.
"What!?" my heart started to race. "Bonding?! Doon sa babaeng 'yon?!"
Singhot pa rin niya ang unan. "Matuto ka ngang gumalang..."
"Stop messing with my life, Javier! Bakit ka naman nakikipag-usap doon!?"
"Kasi nanay mo siya?" Taas kilay na tanong nito. "Isa pa, masarap siya magluto."
"Nang-aasar ka ba?! Alam mong ayoko sa Mama ko!"
Bumalanghit ito ng tawa, habang ako naman ay gusto na lang mamatay sa inis. Nakakabanas... ang lalaking ito..
"I'm just joking! Syempre, nagmumukha ng may gusto si Celestial kay Javier kaya lumayo-layo muna ako sayo!"
Ang kaninang galit ay napalitan din agad. Oo nga pala! Isa din ang bagay na yon!
Hindi ko na maiiwasang ma-issue sakanya!
"Bakit ka ba galit na galit? Kung miss mo ako, amuyin mo lang ang unan ko."
Bumangon ako sa kama at tinignan siya ng masama. Kadiri!
Mukha itong tanga na sinisinghot ang unan niya. God! Kung hindi 'ko lang katawan ang gamit niya, iipitin 'ko talaga siya gamit ng unan!
"So?!" I hissed. Ano? Iyan lang ba ang gagawin niya sa harap 'ko? Ang suminghot ng unan?
"What?" Napatigil ito sa pagyakap sa unan. "Bakit galit na galit ka?"
I glared at him. Talaga bang itatanong niya 'yan!? "Saan ka nga nanggaling!? Bakit ngayon ka lang?!" I shouted.
Hindi niya nga sinagot ang tanong ko! Akala niya ba ay makakaligtas siya sakin?
Hinila nito ang braso ko pababa at inilapit sakanya.
Inilagay nito ang daliri niya sa'king bibig. "Maririnig ka sa labas! Makasigaw ka!" Suway nito.
"Hayaan mo silang marinig tayo!" Inis na sabi ko.
He shook his head. "Oh no babe, hindi mo magugustuhan yon!"
Sa pagpalag ay doon ko lang napansin ang lapit ng katawan naming dalawa. Nakapatong ako sa lalaki at siya ay nasa baba.
Lalong sumama ang titig ko. Tinabig 'ko ang kamay niya paalis sa bibig at tinulak siya. My god, why is he so clingy?
Pinaypayan ko ang sarili. God.
Tumawa naman siya at bumangon din sa pagkakahiga. Tinignan ako nito.
"What's the plan?" I asked again. Sana naman ay hindi katangahan ang bungad niya.
Well, bakit ko nga ba siya hinahayaang mag-isip ng solusyon? Wala. Hindi ko na kaya isipin 'to. This is beyond my science and I believe that this is all his fault.
"We're going back there." He answered. Kumunot naman ang noo 'ko. Saan naman? "Kung saan nangyari 'to. Beau." Tuloy niya.
My eyes widened in disbelief.
"Excuse me?" I said. "Two weeks lang ang binigay sa'tin para magtago at malinis ni Mr. Castell ang kalat mo! At ayoko na dugtungan 'yon!"
Ngumuso ito.
"What? We have the time-"
"Time?" I chuckeled. "Gago ka ba!? Pasukan na natin next week! Two months na akong hindi nag-aaral-"
"I am sure, Dad dropped you off-"
"What-" Namilog ang mata 'ko sa sinabi ni Javier.
"Celestial-you are Javier now. I'm sure my Dad dropped me out-"
"How about me!?" I hissed. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral! Hindi ako pwedeng huminto! Kailangan tuloy-tuloy ako! I can't get delayed!
"I requested a drop out form-"
"You what!?" He can't do that! "No!" Iling 'ko pa sakanya.
Hindi ako pwedeng mahuli sa acads! Ayokong huminto kahit anong mangyari! Sayang ang oras at pagod! Gusto ko na agad makapagtapos, tapos he will just drop me out without my consent?!
Kumunot ang noo nito. "Celestial, I can't take your course! Babagsak ka sige—"
Naiiyak ako. Hindi ko talaga naisip ang sitwasyon namin sa eskwelahan.
"Then study! Hindi ako titigil! Ikaw pwede ka tumigil dahil na sa'yo naman na lahat!" I hissed at him. "Pero ako, wala! Wala pa! Kaya hindi ako titigil!" I shouted.
His forehead knotted. "What?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"I can't stop going to school. .." Sabi 'ko na lang. Ang kunot ng noo ni Javier ay dahan-dahang nawala.
He sighed, tinignan ako nito. "Celestial, that's hard for me. ..I am not you. ..Babalik naman dati sa lahat. Hahanap tayo ng solusyon-"
"For how long? We need to go back in school. Ayokong maapektuhan ang academic performance ko!" Pagtutol ko sa gusto niya.
Javier's face was frustrated. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinasabi ko.
"But I said, I am not that smart! Gusto mo ba bumagsak?!" Inis na sabi nito. "Sayo nga galing lagi na bobo ako!" He pointed that out too.
Determinado akong umiling. Inabot ko ang kamay niya tsaka tumango-tango.
"Wala akong pakialam. Take my class and study with me."
Sumimangot ito. "Ayoko talaga. Bumili ka na lang ng diploma sa rekto—"
"Pag hindi mo talaga ginawa, ibebenta ko lahat ng gamit mo dito!" I threatened him.
"What?! You can't decide on that—"
"So you can't decide my drop out! Hindi iyo yan so bakit ka magde-desisyon? Magwawala ako, gagawin kitang bakla—"
"Oo na! Oo na!" Galit na pagpayag nito.
Nakakabanas. Papayag din pala, ang dami pang sinasabi!
"Kukumbinsihin 'ko ang tatay mo na papasok ka."
Hindi ako pwedeng huminto... Ganon din siya. Kailangan ko siyang bantayan.
His forehead knotted. "Hindi mo mapipilit si Daddy."
I snorted then rolled my eyes. "Of course. Hindi talaga. Pero nasa katawan mo ako. Ako ang magpa-paalam. I can convince your father, kahit humarap pa ako bilang Javier sakanya. You will go to school using my body, Javier. Hindi pwedeng hindi. Babantayan kita." Mahabang linya 'ko.
"But I can't! Basta bahala ka sa buhay mo kung babagsak ako ha!" He squealed. Ngayon na nagkapalit kami ng katawan ni Javier, marami akong napapansin sa sariling katawan.
Kaya 'ko pa lang tumili. At nakakairita ang tunog 'non!
"Hindi kita hahayaang bumagsak," I told him. "I will teach you—"
Nanlaki ang butas ng ilong nito. "At bakit mo ako tuturuan?! Ayoko ngang mag-aral eh!"
"Gustuhin mo na ngayon!"
Pero tama ang sinabi niya. Mahina ang utak niya! At nasa katawan 'ko siya! I also have a work in student council-oh my god! Iniisip 'ko pa lang na magpapanggap si Javier bilang ako-I feel danger!
"Faith?" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
Jameson is on the door. He looks confused. Pabalik-balik ang tingin nito sa'ming dalawa ni Javier.
"Why you didn't knock?" Tanong naman ni Javier. Tinignan 'ko ito ng masama. She need to act like me!
"Javier, pinapatawag ka ni Daddy." Sabi ni Jameson sa'kin.
"We're talking." Palag ni Javier. Kumunot ang noo ni Jameson doon. Siguro ay nagtataka sa sinasabi niya.
Umiling naman ako at tumayo. I heard Javier tsk and called me a dog. Gusto 'ko siyang sabunutan, pero katawan 'ko ang masasaktan.
"What are you talking about?" Usisa ni Jameson. I rolled my eyes.
"Nothing." I answered. Nakasunod lang ako kay Jameson. Mahirap na ang maligaw, at wala akong balak maligaw! Baka pagkamalan akong baliw pag nagtanong ng daan sa sariling bahay nila! Their mansion is very huge as f**k! But so quiet and creepy.
"Nothing?" Tumawa si Jameson. "Really?" Tunog naiinsulto ang lalaki.
Huminto kami sa dulo ng hallway. I didn't see any door. Saan na ba kami? This house is too huge!
"Nasaan na?"
"What?" Maanghang na sabi ni Jameson. Oh. Akala ko talaga ay soft lang itong si Jameson. Pero mukhang nagagalit rin talaga pag kaharap ang pangit niyang kapatid.
"Pinapatawag ako?" Tanong ko. Baka kasi nakalimutan niya talaga.
But his face just grim.
Akala 'ko ba ay kakausapin ako ni Mr. Castell? Kailangan 'ko rin naman makausap si Mr. Castell tungkol sa pag-aaral ni Javier. Javier's body need to go to school. I need to eye my own body.
"What's that?" He asked again.
My forehead knotted. Naguluhan. Ano bang gustong ipararing ng isang 'to?
"What?"
What's up with Jameson?
Is he going to nuts? Hindi talaga maganda ang mood 'ko ngayon-and I don't want to waste my time with Jameson, not in Javier's body!
"Faith and I are dating," deklara niya na ikinagulat ko. That's fake, Jameson. Wala pa tayo sa dating stage! Hindi pa kita sinasagot!
Tumaas naman ang kilay 'ko. But why is he telling to Javier that right now?
Oh my god, gusto pa rin ba ako ng lalaking iyon? Akala ko hanggang childhood lang?
Pumikit ito ng mariin. He looks angry and disappointed.
"Since the accident, Faith is not calling na ako ang dahilan. She is always calling because of you. I'm reaching her but she's hissing at me!" Kompronta nito sakin.
Namilog ang mata 'ko. I should tell Javier not to be cold towards Jameson! Oo nga pala... Isa rin ito sa bagay na hindi ko na-klaro!
Pero malay ko ba... na ganito pala si Jameson. Honestly, I forgot about him because of this incident.
"Ano? Wala ka manlang bang sasabihin?"
"Really. .." I just said. Wala naman talaga. Pero pagsasabihan ko talaga si Javier nahuli ko siya!
Kumunot naman ang noo nito. "Are you flirting with her?"
My eyes widened in his accusation. What!? How can he say that!? Hindi nga kami nagkikita ni Javier, tapos sasabihin niya 'yan?!
Is he this possessive!? Nakak-turn off ha! I like good guys nga tapos ganito pala siya pag nagselos?
"She's always calling here. In my number, finding you. For a week!" He shouted.
Napanganga ako. What!? Why did he do that!? He is making it too obvious! Jameson is picking wrong things up! I bit my lip then walk away-pero hinila ako ni Jameson.
At nagulat ako ng sinapak ako nito.
My eyes watered. Nakanganga akong nakatingin sa sahig, dinadamdam ang namamanhid 'kong pisngi. It's throbbing so f*****g hard! Nakaramdam ako ng pamamawis, I feel like fainting. My tears started to show up.
"Stop flirting with my girl, Javier." He said. Pero bago pa makaalis ito ay hinawakan 'ko siya sa paa. Sinubukan naman niyang hilahin iyon. "What? What's your problem?"
Before standing up, I wipe my tears away. Hinawakan 'ko ang paa ni Jameson ng mabuti para hindi siya makawala.
I stand up. Sinapak ako ni Jameson. Sinapak niya ako! Hindi ako marunong sumapak.
"What?" Iritadong sambit ni Jameson. His stares are insulting me!
Pero marunong ako manampal.
Sinampal 'ko si Jameson ng buong lakas. Nang mawala ang balance nito ay sinabunutan 'ko siya.
"What the f**k!?" Jameson hissed. "What are you doing!? Get off me!" Pinigilan nito ang kamay 'ko.
"Ano, tangina mo!?" I hissed. My jaw clenched. "What are you doing!? Bakit mo ako sinapak, gago!? Gago! You dumb! Iba rin pala ang sapak mo sa ulo-wala kang pinagka-iba kay Javier!" I shouted.
Natumba si Jameson. Kumpara sa dalawa, mas malaki ang katawan ni Javier. At pinagpapasalamat 'ko yon ngayon dahil pwede akong makaganti sa pagsapak sa'kin ni Jameson! Sinakyan 'ko ang dibdib ni Jameson.
For pete's sake, he punched me! Sinuntok niya ako!
Patuloy pa rin ang pagsabunot 'ko sakanya. Gigil na gigil 'kong hinila ang buhok nito. He's shouting.
"Celestial!" Someone said. Nakita 'ko naman si Javier na papalapit sa'kin. Nanlalaki ang mata nito. "Stop!" Hinila ako nito.
"This guy!" Inangat 'ko ang ulo ni Jameson. Jamesosn is just cursing me to death! "Punch me!"
"He what!?" Nagkasalubong ang kilay ni Javier.
"He punch me!" Sigaw 'ko.
"What!? Kuya-" Napatigil ito ng tawagin niyang Kuya si Jameson. "Jameson, why did you do that!?" Javier asked. Acting like Celestial.
Hinala ako ulit ni Javier-at nagtagumpay siya sa pag-awat. Tumahimik si Jameson. Samantalang ako ay nanggigigil pa 'rin. Ramdam na ramdam 'ko ang sakit sa pisngi! My jaw is aching!
Hinarap ako ni Javier sakanya. Hinawakan nito ang pisngi 'ko. "Damn. ..Nabangasan na naman ang mukha 'ko." Hinawakan nito ang pisngi 'ko.
Napasimangot lang ako. I glared at Jameson.
"Really!?" Padabog na umalis si Jameson. At ako? Wala akong pakialam, putang ina niya! Ang sakit ng sapak niya sa'kin!
Sinapak ako ni Jameson!
Nasa kwarto ulit kami ni Javier. Kumuha ito ng kit sa baba, habang ako ay nanggigigil pa 'rin sa galit. The door opened.
"What happened?!" Tanong niya. Binuksan nito ang kit at dinampian ng yelo ang mukha 'ko. "Damn, my beautiful face." Aniya at tinignan ang pasa sa mukha.
"Ewan 'ko don sa magaling mong kuya!" Singhal 'ko sakanya. "Sinapak na lang ako bigla!"
He laughed. I glared at him. "Paano kaya pag nalaman niyang ikaw ang sinapak niya?" Bumalanghit ito ng tawa.
"Bwisit! Bwisit!" I hissed.
"Iyong nililigawan niya. ..sinapak niya!" He laughed again while fixing the ointment.
"Hindi ka titigil!?" I warned him.
Ngumisi ito. Dinampian niya ng gamot ang aking sugat. Napangiwi ako 'don pero hinayaan lang.
"Why my eyes are red?" Tanong ni Javier. Malapit ang mukha nito sa'kin. "Damn, umiyak ka ba sa harap ng kuya 'ko?!"
Hindi ako nakasagot. Is there a problem with that!?
"Totoo!?" Hindi ito makapaniwala.
"So what!?" I hissed. "Ikaw kaya ang masapak ng kuya mo!? Hayop ka!"
"What!? You really cried!?" Nagsalubong ang kilay nito. "At talaga!? Sinabunutan mo ang kuya 'ko!? You can punch him too, why pull his hair-god!" Iling nito.
I glared at him. Ano ba ang inaarte niya!? Siya ba ang sinapak!?