10. New and Impossible

3050 Words
Hindi ko na kaya pigilan ang ihi ko. Simula noong tanggalin na ang mga kadena na nakalagay sa katawan ko ay bagong paghihirap na naman ang bumungad sakin. "Hindi ko na talaga kaya...." I cried in disbelief. I am trying to hold my pee for a day, pero ngayong gabi... Hindi ko na talaga kaya. Ramdam ko na ang paninigas... doon sa gitna. This is horrifying. Terrific. Scary. At kulang pa ang mga salitang iyon to describe how I feel in because I... I am in Javier's body! Tsaka ngayon ko lang din nalaman.... that Javier can access my body too! Hindi ko matanggap.... na ang pinakataong.... ayoko ang makakakakita ng lahat! "Hoy!" Napatigil ako sa pagyakap sa unan noong makita si Javier na papasok gamit ng katawan ko. Ah. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na naglalakad ang katawan ko sakin. Javier ran towards me. "Anong nangyayari sayo? May masakit ba?" I shook my head. "B-Bakit ka ba nandito? Umalis ka nga!" Sinamaan ako ng tingin nito. "Bakit ako aalis? Ano munang nangyayari sa'yo? Baka nakakalimutan mo na katawan ko 'yan Celestial so I have the rights to know!" "Umalis ka na! I can handle it!" Hinila nito ang braso ko. "Celestial, don't be stubborn. Anong nararamdaman mo?" "Wala nga sabi, di ba!?" Sigaw ko. Kailangan na niyang umalis! Anytime ay lalabas na ang ihi ko dahil sakanya! "Anong wala!?" Banas na tanong nito, nangungulit pa rin. He observed me. Hinawakan ko ang tiyan. "Wag kang lalapit at umalis na." "Naiihi ka ba?" Natigilan ako. "Naiihi ka!" He exclaimed. "Why are you holding it out?! That's my body! Anong gusto mong mangyari sa katawan ko? Ang magkasakit sa bato!?" Inis na sabi nito. Walang habas na hinila niya ang braso ko. "Mag-CR ka na." "Ayoko!" Kumunot ang noo nito. "Nahihiya ka ba? Wag kang mahiya! Nakita ko na nga lahat sayo, gantihan mo ako!" Tawa niya. Does he think it's funny? Nakakatawa ba ang sitwasyon namin? Bakit parang ang saya-saya niya pa? "Are you enjoying my body that much, Javier?" Natigilan ito sa pagngisi. "Heck no!" Iling niya pa at nanlalaki ang mata. "Tumitingala naman ako habang nagsasabon--" "Gago kang kupal ka!" I hissed on him. Ibinato ko sakanya ang hawak na unan, pero napangiwi ako dahil sa sakit ng puson ko. "Jusko Celestial, umihi ka na! Papatayin mo ang katawan ko! Wala kang magagawa kung hindi ang umihi!" Aniya sabay iling sakin. Hindi. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sundin siya. Hinila na ako nito. "Mas gusto mo ba maihi dito sa harapan ko kesa CR? You want to humiliate yourself in front of me?" Hamon niya na ikinatigil ko. Gumagaling na ata sa pagrarason ang hayop na 'to at talagang mapapabanyo na ako! "Ano? Gusto mo mapahiya?" HIndi na ako nagsalita at itinulak siya palayo sakin. I'd rather die, but I will never humiliate myself! Tulala ako sa banyo at tumayo sa tapat ng inidoro. Hindi ba, ganito yon? Itinaas ko lang ang hospital gown at umiwas ng titig sa laman ng hayop na 'yon. Napatili ako noong lumabas--pero hindi shoot sa inidoro! "Hoy! Anong nangyayari!?" Tanong nito sa'kin. "Bakit ka tumitili, Celestial!?" He hissed from outside. "B-Bakit ganito!? Bakit kumakalat!?" "Anong kumakalat!?" Nagtatakang tanong niya. "Iyong ihi! Ayaw ma-shoot! Javier!" "You fool! What are you doing, Celestial!? Hahawakan mo 'yan!" "Ano!?" I was horrified. Now my legs are all wet because of his urine! "Kailangan mo hawakan para lumusot! My god, Celestial" Namula ang mukha ko dahil sa hiya. Kailangan hawakan ang bagay na 'to!? Bakit hindi na lang siya kusang umihi!? "Ano? Tapos ka na!?" "Ang baboy niyong mga lalaki!" Tili ko dito. Tinignan 'ko ng mabuti ang salamin. Hinawakan 'ko ang mukha ni Javier. His face were almost poreless. Halos walangb butas. I wonder if he is going to derma? Ang matapang at mayabang nitong mata ay naging malumanay na. His teeth is white. Idinikit ko ang palad sa bibig niya at binugahan. "Walang bad breath." Hanggang ngayon, hindi pa 'rin ako makapaniwala sa nangyayari. I run my fingers through his face. He really have nothing else-except for his face. Kung hindi lang siya guwapo ay wala siyang binatbat sa kahit sino. Good for nothing nga. This is so... uncomfortable. Nararamdaman ko ang bilog... sa hita.... Naalala ko ang pag-ihi noong isang gabi. My god, it was horrifying. Ngayon, tuwing iihi ako ay nagdadala ako ng tissue pang hawak para shoot ang urine sa banyo. Nakakakilabot. "My god!" I hissed to myself. Nakakainis! Ito ang nakakainis sa lahat! Pilit ko na ngang iniiwasan na maalalang may something sa pagitan ng hita ko! It's really annoying! This is all annoying! Napatingin ako ng bumukas ang pintuan ng banyo. My heart jump out for a moment. Bwisit! Kumunot ang noo 'ko at tinignan siya ng masama. "What are you doing here?" Tamad na sambit 'ko. Naiinis pa rin sa mukha niya. "Ano? Okay ka na ba?" He grinned. Grabe, hindi ko alam kung ano ang nakakainis. Ang ngisi ko, or dahil alam ko na siya ang ngumingisi? "Okay naman ako lagi, Javier. Ikaw itong siraulo sa'ting dalawa." I smiled on him. Natawa ito. "Bakit ako na naman ang masama? Wala naman akong ginagawa ah! I am just stating the facts and no need to be awkward. Maganda naman..." "m******s!" I yelled on him. Ramdam ko ang pag-init sa mukha ko dahil sa kaepalan niya! Bastos talaga siya at walang hiya! Hindi 'ko nakita si Javier ng ilang araw gamit ng katawan 'ko. Dahil kung ano-anong kalaswaan ang sinasabi niya. Na maliit ang dibdib 'ko. ..na nakita na daw niya. ..Lahat. At ganon 'din daw ako. Tama naman, pero hindi ko pa din matanggap na ganon ang kinahinatnan naming dalawa. What a very sad ending for me! Dahil 'don, nag-away kami ng malala. Binato 'ko siya ng fruit basket-nagalit naman sa'kin ang Daddy ni Javier kasi nakita niyang nambabato ako ng babae! God, ako na ang sobrang sama ngayon at ang biktima ay ang katawan ko! Our life is very f****d up! Hindi 'ko matanggap! Hindi 'ko na masasaktan si Javier dahil nasa katawan 'ko siya! Ako pa ang nagmukhang masama! Isa pa, hindi 'ko siya makakasuhan! Fuck this situation! Ano bang ginawa 'kong masama para parusahan ng ganito? At sa lahat ng tao, bakit siya pa!? Pwede namang kahit kanino! Bakit sakanya pa?! "Umalis ka nga! Mang-aasar ka ba? Gusto mo bang mabato ulit?" Humalakhak ito. Grabe, oo. Siya na ang nakakabanas at hindi ang tawa ko! "Ano? Isusumbong kita kay Daddy. Baka gusto mong hindi na naman tayo magkita at mapatagal pa 'tong problema natin?" Nakakainis at tila lagi siyang tama simula noong magising kami. Bukas na ang labas 'ko ng ospital, samantalang si Javier ay nakalabas na. My body is safe. Dahil 'daw ito sa pagyakap ni Javier sa'kin. Katawan niya ang napuruhan. At nandito ako sa katawan niya! Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-thank you dahil siya ang napuruhan o hindi dahil ako ang nakakaramdam ng after shock niya sa aksidente? Sinamaan 'ko ng tingin si Javier ng pisilin niya ang balikat 'ko. Bakit ko nga ba siya ulit hinahayaang hawak-hawakan ako? He rolled his eyes. "Braso 'ko yan." Mayabang niyang sabi at pinanggigilan ang sariling muscle. Binangga 'ko siya. Mabilis naman itong nawalan ng balance at muntikan ng matumba. Mukhang manyak kasi siya sa paningin ng iba kakapisil! Nasa katawan ko pa naman siya! "Aray naman, Celestial!" Suway niya. "Nasa katawan mo ako. Wala kang karapatan saktan ako, oy!" Aniya. Napangiwi ako. "Shut the f**k up. Wag mo nga akong gawing tanga sa harap ng iba." Nagtaka ito. Grabe, mukha siyang tanga. Mukha akong tanga sa ginagawa niya! Sumunod lang siya sa'kin ng maupo ako sa kama. Binabanas talaga ako ni Javier gamit ng katawan 'ko. Wala akong magawa. Ayoko 'din naman saktan ang sariling katawan! I don't want to hit his body too. Masakit 'yon! Ako ang makakaramdam! Nakakabanas talaga ang pangyayaring ito. It feels unfair. Hindi manlang ako makaganti-ganti. Ano na ang gagawin ko? Ang tiisin siya? Oh... no. Komportable itong nakaupo. He's eating grapes while humming. He sounds having fun, huh? While me? I feel miserable! I am not comfortable with this! "Ang saya mo naman?" I hissed. Napatigil naman ito sa pag nguya. "Itigil mo nga kakataray mo. Nagmumukha akong bakla," sita niya sakin. Napaamang ang labi ko at akmang sasagot pero nakita ko ang nakabuka nitong hita. I can see my undies from here. My forehead knotted and slap his leg. Mabilis naman itong napaayos ng upo at tinignan ako. Like he's asking me why I slapped him. "Itigil mo rin ang pagbukaka mo!" I shouted on him. Sira talaga ang reputasyon 'ko dahil sakanya! "Ganyan ka ba umupo?" "Lalaki ako! Anong magagawa mo?" Inis na tanong nito. "Kanina mo pa sinisira ang pagkain ko. Ayusin mo naman!" "Umayos ka ng upo! Hindi ka lalaki ngayon! Nasa katawan kita so respect my body! Okay?" He just snorted and started eating again. Itiniklop niya ang hita at tahimik na kumain. "Did Candy already visit?" He asked. Tanga-tanga. Iyon talaga ang inaabangan niya. Dahil kay Candy ay nangyari sa'min 'to. Pero tignan mo naman, walang nangyari. Hindi bumisita. Napahamak pa kami. Sasabunutan 'ko talaga siya pag bumalik kami sa ayos ni Javier! This is all Candy's fault and that girl doesn't give a fvck about his suitor! I wonder where is she? Wala naman akong narinig na may namatay. So I guess, buhay pa naman? So bakit hindi bibisita? Okay, fine. Ayoko kay Candy, pero kahit kailan ay hindi niya kami binisita o kinamusta! She should feel sorry for us! Siguro naman may laman pa ang utak nito para maisip ang bagay na 'yon! At ang tatanga-tangang 'to ay umaasa pa rin kay Candy! He's wasting his time for her! "Alam mo, ang tanga mo..." Iling ko sakanya. "What?" Tanong pa nito sa'kin. I rolled my eyes on him. He's hopeless! Isa rin tong hindi nag-iisip! Hindi niya ba talaga ramdam na kaya hindi siya sinasagot ni Candy ay dahil pina-plastik lang siya nito? "You know, we should sue Candy." I started. His eyes widened. Ngayon na nakikita 'ko ang ekspresyon sa'king mukha ng harap-harapan-ang ganda 'ko pala talaga. "What?!" High pitched ang boses nito-na kahit kailan ay hindi 'ko pa nagagawa! Kaya ko pala tumili? Pero hindi bagay sakin! I glared at him. "Don't ever do that!" Tukoy 'ko sa pagtili niya. "Why? It's cute." Asar pa nito. I bit my lip then glared at him. Bwisit! "We should talk about our plan." Umpisa ni Javier. Napatingin naman ako sakanya. "This is something crazy, Celestial. We should talk about our moves. .." Suggest niya sa matinong usapan. Well, tama naman siya. We need to think of a solution. "Fine. Deal." I said. Wala namang maidudulot na maganda kung tatanggi ako. "What's your plan? How should I address you?" Iyon ang una 'kong tinanong. "I can't call you by my name." He said. Napasang-ayon ako 'don. "We should address ourselves as is. Walang nagbago. Katawan lang natin." "Then pag may ibang tao, I should call you by my name." Kailangan naming magpanggap sa harap ng iba. Pero hindi 'ko na siya tatawagin ng Faith pag kaming dalawa lang-Javier pa 'rin ang tawag 'ko dito. We are the one who only can regonize each other. Napatango siya. "No one should know about our situation too." He said. Napairap naman ako. Obviously. Why does he really have to state the obvious? Tumingin ako sa bintana dahil sa pagka-irita. "Malamang. Should we tell someone na nagkapalit tayo ng kaluluwa?" I snorted. "Baka mamaya i-diretso tayo sa mental. Lalo na ang katawan mo." Tumawa siya. "Right. We should be very careful baby. Ayaw mo naman sigurong ma-mental. Hindi tayo makakabalik sa dati kung nasa mental ka." Yeah. Well said. "Act like me too." Napalingon naman ako kay Javier. Ano raw? "Hindi ka naman siguro mahihirapang umakto-" "What?" Apila 'ko sakanya. "Excuse me, why do I have to pretend that I am bobo?" I almost hissed. Umasim ang eskpresyon ni Javier. "Stop being conyo! Pagkakamalan akong bakla sa'yo!" I just rolled my eyes on him. "At ano? You'll pretend that you are me, Javier? Ayos ka lang? Kaya mo bang maging smart katulad ko?" Pangbabanas ko dito. Well, alam ko naman na ang ibig niyang sabihin ay umaktong wasto. That I am a guy Javier, and she is Celestial, a girl. "Just stop complaining!" He hissed. "Hindi magtatagal 'to." He said, like he is so sure of it. Paano naman niya nasabi? "Talaga lang huh?" I rolled my eyes. "Anong gagawin natin? Magpapahulog ulit sa bangin?" I suggested sarcastically. Napasimangot ito. "Is that your way?" Walang ganang tumango ako. "Bakit? Ano pa ba?" Patol 'ko sa tanong niya. "Stupid." Sabi ni Javier. Tumaas ang kilay 'ko dahil 'don. Coming from him 'ah! "Ano pa bang choice natin Javier? Wala na akong maisip." "I know one." "What? Ano ang naiisip mong solusyon?" Angil 'ko sakanya. "Albularyo?" I chuckled. Nakakatawa naman kung iisipin ni Javier na albularyo ang makakatulong sa'min. Napahinto ako sa pagtawa ng mapansing nakatitig ito sa'kin. Nakakunot ang noo, parang nagtataka kung anong tinatawanan 'ko. "What's the problem with that?" Tanong niya. Kumunot ang noo 'ko. Seryoso? Naisip niya. ..'yon? Nawala ang ngisi 'ko at tinignan si Javier. He's really hopeless! Albularyo?! Oh my god! Hindi na kami gagaling! Habang buhay na ako sa katawan ni Javier! "Is that really it!?" "Well, we should try it. Wala na tayong magagawa..." "Get out!" I shouted. "Huwag kang magpapakita sa'kin hangga't wala kang naiisip na matino! That's ridiculous!" Kumunot ang noo ni Javier. "This? Our situation is also ridiculous! Wala tayong kakapitan!" "Are you playing with me, Javier? Bakit ang dali sa'yo tanggapin? Lahat ng 'to? Albularyo?" I laughed. "Seryoso? Hanggang ngayon iniisip 'ko na wala na ako sa sarili-" "Nauna ako nagising sa'yo." He started. "I was lost too. Confused. Ilang araw 'din akong naging kagaya mo. I am in your body-that is very crazy! Akala 'ko ay nawawala na ako sa katinuan. You only saw how I recover on it. .." "Whatever." Iyon agad ang sinabi 'ko. "Get out. Makakaalis na ako dito bukas. Let's see each other tomorrow. Doon natin pag-usapan 'to." This is stressing me too much! Ang dami ko pang responsibilidad bilang Celestial, pero anong gagawin ko kung nasa katawan ako ng isang lalaki!? Umaasa pa 'rin ako na magigising akong.. .nasa sariling katawan 'ko na. "You and your attitude, Celestial." He sighed before going. Napailing ako sa sinabi niya. Nauntog niya ba ang sarili masyado kaya siya naging ganon ka-drama? Napa-kibit balikat na lang ako. Bahala siya sa buhay niya. Kasi kung siya, tanggap na niya-ako hindi pa. I find our situation very impossible! Gabi na noon at akala 'ko ay normal na matatapos 'ko ang araw. Pero I am wrong! Javiers' friends came over and launched a goodbye party for me! In the hospital! Is this even allowed!? Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang mga bisita, bwisit. "Javier!" Nagulat ako ng may humampas sa'king braso. "Ano ba!" I growled. Nakita 'ko namang natawa ang mga barkada ng totoong Javier. "Kanina ka pa namin tinatawag, hindi ka manlang nalingon!" Another boy said. I rolled my eyes and continue reading a book. Wala akong panahon sa ingay nila! At sakanila! "Mukha 'atang nagbago ang panlasa mo, tol?" Siniko ako ng isang lalaki. Padabog 'kong ibinaba ang libro. f**k! Bakit ang hilig mamisikal ng mga hayop na 'to!? "Pati sa babae, iba na ang panlasa!" They all cheered and whistle. My forehead knotted. Panlasa sa babae? Anong tingin nila sa babae? Putahe? Pagkain? Jerks. Napayuko lang ako at itinuon ang sama ng tingin sa libro. I don't want them to find me weird anymore. Kaya't kailangan 'ko sila pakisamahan. I cursed them all in my mind. Ang mga tropa rin ni Javier ay purong hangin ang laman ng utak! Nagulat ako ng may umakbay sa'kin. "Sabi na talaga! There's something fishy with you and the president." Napahinto ako sa pagmumura sa isipan. What? Fishy!? "Dinadaan-daan mo pa sa awayan niyong malala!" They laughed. "Ligawan mo na kasi pre. You won't get a girl that way!" My forehead knotted. What!? "Stop chasing Candy, tol. She's just dating you for popularity!" They all giggled. Naningkit ang mata 'ko. Men and their tongue. They are really insensitive! What the f**k are they thinking!? Napaka-walang kwentang party naman ito! "Date the president tol." The guy suggested. "I think she likes you too. I heard na binibisita ka niya rito." Tumango naman ang iba. Oh no! Here it goes! The wrong idea! "That's true.. .Kailangan pala ng aksidente para magka-ligawan!" Mga chismoso! They are more chismoso than me! "Stop blabbering nonsense. I am not interested at her!" I hissed. So they won't get the idea! Kailangan na talaga naming magkapalit ni Javier ng kaluluwa! We need a solution! Immediately! Before anything will get out of the hand! "Oh no men!" Iling pa ng isa. "Hate is still a feeling, men. Imposibleng hind-" "Just shut it!" Sigaw ko. Ang iingay nila! "Faith is your childhood crush, right?" Napahinto ako sa narinig. Surprised. What? Childhood crush!? Faith? "Sinong Faith?" Tanong ko sa mga lalaking maiingay. For the first time, may sinabi na silang bagay na sobrang... nakakaaliw at mukhang kaintere-interesado. Is that me!? My heart thump in disbelief. Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa narinig. Nah. Imposible. Ako? Childhood crush? "Iyong presidente ng student council?" Tudyo nila sakin. Sana talaga may umakyat na guard at i-kick silang lahat dito. Ang iingay ng bunganga! "Totoo?" Paninigurado ko pa. Nagkatinginan sila sabay umiling. "Brad masama ata sa bunggo ng ulo niya at nakalimutan..." "Tama!" I nod my head on them. "Kaya i-kwento niyo 'yang sinasabi niyo kasi hindi ko alam! B-Bakit ko naman magugustuhan 'yon? Kaaway ko nga eh!" "Nako brad, kung hindi ka nga lang consistent kay Candy iisipin namin na gusto mo pa rin yung president natin..." halakhak nila. Natawa ako. Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Hindi iyong tawa na banasz sarkastiko or ano. But my laugh... was just amaze. I am in awe. "Kailan niya ako—kailan ako nagustuhan ni Faith?" Sinimulan ko na ang pang-uusisa. Javier... you have a lot of secrets huh... Nangyayari pala talaga ang mga imposible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD