Dahil sa sinabi ng babae sa harap ay natawa na ako.
Ano raw? Siya si Javier? Na nasa katawan 'ko? Anong pinagsasasabi ng babaeng 'yon? Baliw na ba siya? At talaga bang hinahamon ako ni Javier ngayon sa bagay na 'to?
"Ah—"
Kumunot ang noo ng babaeng kamukha ko. Huh? Sino 'to? Bakit... hindi ko lang kahawig? Sobrang hawig ko pa!
Ang tawa ko ay napalitan ng sigaw—agad naman napaatras ang babae dahil sa impit na tili ko sa tubo.
Ang tatay ni Javier ay lumapit sa'kin.
"What happened?" He rushed on me. I was touch when I saw Mr. Castell. Nakakahiya, hindi ko naman kaano-ano ang matanda pero siya ang karamay ko dito.
Well, this is better than seeing my mother. Baka dumiretso na lang ako sa langit kesa makita ang babaeng 'yon.
"Celestial..." Mahinang tawag sa'kin noong babae.
Pilit akong tumayo. Gusto 'ko sabunutan ang babaeng 'to! May kabit ba si Mama? May itinago ba siyang kakambal ko?
Nag-init agad ang ulo ko sa naisip. Ano bang hindi kaya gawin ng hayop kong ina?
"I need to talk with her," deklara pa noong babae na kamukha ko.
Ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya!?
Kung anak siya sa labas, ayoko siyang makausap! Pero pag kambal, ayoko muna! Cant's she see na halos matali ako sa kama?
Pero may kambal ba talaga ako?!
"Javier!" Hinawakan ako ni Mr. Castell. Galit na galit itong nakatitig sakin.
Medyo natahimik ako sa tingin ni Mr. Castell. I was always his favorite, at kahit kailan ay hindi niya ako tinignan na para bang kasuklam-suklam...
Mr. Castell's glare was familiar though. Ito iyong titig na ginagamit niya... Kay Javier.
Oh no. Galit na ba sakin si Mr. Castell dahil sa kahihiyan na ginawa namin sa University?
"Javier, naririnig mo ba ako?" Tanong nito sakin.
Napahinto naman ako sa paggalaw. Why is he calling me Javier? Mukha bang kamukha 'ko ang pangit na 'yon?
Bumagsak ba ang ulo ni Mr. Castell at hindi na kilala ang sariling anak?
"Faith, call the doctors!" Utos niya sa babae.
Sumigaw ulit ako dahil sa narinig. My heart is pounding hard and fast.
Faith!? Bakit niyang tinatawag na Faith ang impostor na 'yon? I have a Faith name too! Oh my god, talaga bang pinangalanan din ni Mama ang babaeng 'yon ng Faith!?
Iniangat ko ang kamay kahit masakit. I am in a literal mess right now, but I don't care. Tinanggal 'ko ang tubo na nakalagay sa'king bibig.
I need to know something! Nakaligtas nga ako, pero may bangungot naman pala na nakabantay pagkagising!
"W-What-" Unang salita pa lang ay napahinto na ako.
Anong nangyari sa boses 'ko?
Bakit lumalim!?
Lalo akong nag-panic. May nasira ba sa lalamunan 'ko!?
"Anong—" I tried to talk again, pero gumaralgal na ang sakit ng lalamunan ko. "A-Anong n-nangyayari?!"
"Javier, you need to rest," Mr. Castell command.
For the first time, may gusto akong suwayin sa utos ni Mr. Castell. And why is he doing this? Bakit nagbibiro ng ganito si Mr. Castell?! It's not cute!
Umiling ako. "Mr. Castell—"
"What?" Takang tanong nito. "Rest, anak."
Alam ko namang anak-anakan ako ni Mr. Castell, pero hindi ako papayag na tawagin niya akong anak!
Pinipilit kong bumangon kahit masakit ang katawan ko sa nangyari. I am shooking my head.
"Mr. Castell, h-hindi... naiintindihan... I am... not... Javier..." sunod-sunod na iling ko dito. My voice is barely recognizable.
"Javier! Rest I said! Wag mong pilitin ang katawan mo–"
"Hindi... Javier..."
Hindi ako si Javier! Naluluha na ang mata ko dahil sa pagpilit na tumayo. Sobrang sakit naman 'ata ng katawan ko!
"Javier!" Mr. Castell voice thundered all over the room. Napahinto naman ako sa paggalaw at napatingin sakanya. "What are you talking about!? Nasiraan ka na ba talaga ng bait!? Ang kapal ng mukha mong magwala!" Aniya.
Why is he calling me Javier!? Hindi ako si Javier! Why is my voice sound like a man?! Bakit... bakit ang kamay ko... ay lumaki?
"H-Hindi. .." Masakit sa lalamunan ang magsalita. "Hindi. ..ako." Bakit..? Paano nangyayari 'to?
Kumunot ang noo ni Mr. Castell. "What? Anong hindi ikaw? Are you saying that you're not my son?!" He hissed.
Galit na galit talaga ito.
"Hindi ako. ..si J-Javier. .." I finally said. Sa wakas, nabuo ko na rin ang tamang salita! I am really bothered. Obvious naman na magka-iba kami ng katawan ni Javier. Babae ako at lalaki siya. Kahit nasira ang mukha 'ko-makikilala pa rin dapat ako bilang babae. ..he should stop calling me Javier.
"You should see a doctor after this, son." Wika nito. Umiling ako. Hindi ako son! Babae ako! Hindi niya ako anak! "You drag Faith into this. Our university is in big trouble! Kailan mo ba hindi pasasakitin ang ulo 'ko? Talaga bang habang buhay ka magiging pabigat?"
"Hindi. .." Hindi ako si Javier! Naiinis ako! "--ako si Javier. .." Dugtong 'ko sa sinabi.
Mr. Castell sighed. "Wala ka talagang silbi. Puro sakit ng ulo ang dala mo."
Wow. That hit, kahit alam kong hindi naman iyon para sakin. But Faith, hindi ito ang oras para maging emosyonal! Umiling lang ako. I am not Javier.
"Doc!"
Nanlaki ang mata ko noong may dumating na mga doctor.
"Can you please take a look of him? Is he going insane? Hindi daw siya si Javier!" Sigaw nito, galit. "Akala ko ay ayos lang ang anak ko!"
"Mr. Castell, calm down. Nagkaroon ng head injury si Mr. Javier at ito ang unang gising niya..."
"Hindi.. hindi ako nagkakamali..." Iling ko sa mga ito. "I am not Javier!"
Sinimulan ko ng magwala kahit na masakit sa katawan. Nagulat na lang ako noong hinawakan ng mga nurse!
"Walang kwenta..." Mr. Castell shook his head in disappointment.
Iyon ang huling sinabi sa'kin ni Mr. Castell bago ako makatulog dahil may tinusok sa'kin ang nurse. Damn it. ..What the f**k is happening?
Ilang araw akong paralisado.
Hindi ako makabangon o makagalaw sa kama. Ang impostor 'ko ay hindi 'ko na nakita. Ang pinagtataka 'ko lang ay bakit tinatawag nila akong Javier! Bakit mga Castell ang nagbabantay sa'kin? Para hindi 'ko sila kasuhan? Gulong-gulo ako sa mga nakikita at nangyayari sa paligid 'ko ngayon.
Habang nakatingin sa kisame ay bigla 'kong naisip na sana panaginip na lang ito. Bangungot.
Baka bangungot 'to.
Hindi 'ko pa nakikita ang nanay 'ko simula ng mapunta ako sa ospital.
Purong hindi mga kilala 'ko ang bumibisita. Or member ng football team sa school. Tinuturin nila na ako si Javier! Para bang napunta ako sa buhay ni Javier!
At ako? Hindi ko pa rin matanggap! I am not Javier!
"Stop it! Aalis ako sa ayaw at sa gusto niyo! Sino ba kayo para diktahan ako!? Hindi ako si Javier!" Pinandilatan ko ng mata ang mga taong pumipigil sakin na umalis!
For the first time in my life—I was confused! Naguguluhan ako at natatakot—kasi baka mamaya ay may sakit na pala ako sa utak!
What if this is a delusion? Dahil sa aksidente, nagde-delusyon na ako?!
Hindi ko maiwasang hablutin ang vase at ibato sakanila. Sanay na silang ganito ako, pero si Mr. Castell?
"Javier!" Again, Mr. Castell scold at me. "Bakit ka nagwawala!? Ano bang nangyayari sa'yo? See a psychiatrist after this! Tapos na tapos na ako sa kamangmangan mo!" Sigaw nito pagkatapos 'ko magwala dahil may bumisita na mga tropa 'ko raw!
Hindi ako nababaliw! Pero, malapit na!
Tingin ba nila ay hindi 'ko sila kakasuhan sa ginagawa nila? They are manipulating me! What are they trying to do!? This is stressing me!
Kakagaling ko lang sa aksidente, pero hindi ibig sabihin nito ay... madadaan nila ako sa ganito!
Simula noon ay wala ng bumisita sa'kin. Tinanggal na 'rin ang neckbrace 'ko at naangat 'ko na ang braso 'ko. Muli akong nagwala ng makita ang braso.
Panlalaki! Malaki! Hindi akin 'to! Hinawakan 'ko pa ang dibdib at napasigaw ako ng mawala iyon 'don! Wala na akong dibdib!
Nasaan na!? Hindi ako makasigaw ng maayos dahil sa tubo sa bunganga 'ko! Anong nangyari sa katawan 'ko!
Bakit matigas ang tiyan 'ko?! Sinemento ba 'to!?
Mayroong pumasok-natatakot na ako sa tuwing merong pumapasok sa kwarto. Kung hindi kasi mga taong tinatawag akong Javier, mga tao naman na walang ginawa sa'kin kung hindi ang patulugin ako!
Pero hindi! Iyon na naman! Ang impostor! Ang nagpapanggap na ako!
Mabilis ko itong sinamaan ng tingin at hinablot ang bagay na nakuha ko—plato.
"Hoy teka lang!" Napaatras ito, natakot.
Nakataas ang dalawang kamay nito.
Pasyente 'din ang babaeng kamukha 'ko dahil naka-hospital gown siya! How dare her!
Bakit walang naglalapag ng kaso sakanya!? Pag nakagalaw ako ay isa siya sa isusunod 'ko! Nagpapanggap siya! Harap-harapan! Hindi manlang siya nahiya!
"Celestial!" She called me. Siya pa talaga ang may ganang sigawan ako?! "Kumalma ka naman, Celestial!" Utos nito.
Nawala ang kunot ng aking noo ng tawagin niya akong ganon. After a decade, at last! May tumawag sa'kin sa pangalan 'ko! At isa pang impostor! Nakakainis pero. ..sa wakas may tumawag na sa pangalan 'ko.
Nakakatakot... akala ko ay wala ng nakakakilala sakin.
Lumapit na siya sa'kin at umupo sa tabi 'ko. "Ayusin mo naman, Celeste. Tignan mo nga 'yang katawan 'ko."
Kumunot ang noo 'ko sa sinabi niya. What?
"Mahirap tanggapin, Celestial. Pero ako 'to si Javier. Ikaw si Celestial. Nasa katawan kita. .."
"Anong... sabi mo?" Pero may tubo pa rin ako sa bibig kaya medyo nahirapan ako magsalita.
"Ano?" Nang-aasar pa talaga ito!
Tanging yun lang ang naging sagot 'ko. Anong pinagsasasabi ng puta na 'to? Nang-aasar na talaga siya!
Hinawakan niya ang tubo sa bibig 'ko. "Tignan mo nga, may tubo ka pa sa bibig. Dapat wala na 'yan."
Bakit ang casual na makipag-usap!? Ang kapal ng mukha niya! Hindi niya ba alam na naguguluhan ako sa sinasabi niya!?
"Celestial, if you want answer, heal my body. Kailangan natin makaalis dito. ..Kailangan natin makahanap ng paraan." She said.
Kumunot ang noo 'ko. "Heal your body?! B-Body ko 'to!"
Tumawa lang ito. "Ano? Hindi kita maintindihan."
That's it! She's crazy! At hinahawaan niya ako ng kabaliwan niya!
"Ang pogi ko pala?" Hinawakan nito ang panga 'ko. "Daming bangas, fuck." She said.
Gusto 'ko itong itulak pero wala akong lakas. Kanina ay tinurukan na naman ako ng pampatulog. Lagi na lang ako tinuturukan ng pampatulog dahil nagwawala ako!
"Everything doesn't make any sense, right?" My impostor said. "Huwag kang umaktong baliw. Baka i-diretso ka sa mental. Kailangan natin solusyunan ito, Celestial."
May inangat itong salamin. "This is not edited." At itinapat iyon sa'kin.
Napasigaw ako ng makita ang mukha ni Javier sa salamin. Dahil may tubo sa bibig ay naging ungol lang iyon. Humiga ang babae sa tabi 'ko at nakita 'ko rin ang reflection nito.
"This is crazy, right?" Aniya.
Napailing ako. Napaluha. Naguguluhan. This is edited, right? Pero nang makita 'kong naluha si Javier ay natakot ako . ..Na baka imposible. Baka pwede. ..Ang ekspresyon na nararamdaman 'ko ay lumalabas sa mukha ni Javier.
Am I really inside his body? Paano nangyari 'to? How can science explain this bull?
"Kung gusto mo ng sagot, magpagaling ka. Celeste, I did my best to heal your body. Kahit natatakot at naguguluhan, hindi 'ko hinayaang pagkamalang baliw ka."
Natahimik ako. No. ..This is a nightmare. ..This is impossible. ..
Hinawakan nito ang kamay 'ko at doon inabot ang salamin. "Keep this mirror. Kung hindi ka naniniwala."
Napatingin ako sa'king kamukha. This me. ..I can see her face clearly dahil malapit siya sa'kin. That's my face.. .What is happening? How can someone explain this with facts, and basis?
Nakatingin lang din sakin ang kamukha 'ko. Habang nakatingin ay halatang naawa siya sa'kin. Hindi ako nagpapakita ng ganitong emosyon. ..ayokong may ibang nakakakita sa'kin na miserable ako. ..Pero dahil parang salamin lang siya ay hinayaan 'ko itong titigan ako. Na makita ang mata 'ko. Kung anong tunay 'kong nararamdaman ngayon.
"Javier?"
Naputol ang titigan namin ng impostor 'ko ng marinig ang boses. Bumangon ang impostor. ..
"Faith?" Nagtatakang tanong ni Jameson habang nakatingin sa impostor. "What are you two doing?"
"Nothing." Sagot ng impostor. Mabilis akong nilingon ng impostor 'ko. Lumapit ito sa tenga 'ko. "Celestial, heal my body. Kailangan natin makalabas ng hospital ng sabay. Huwag mo hintayin na ipadala ka ni Dad sa mental. Just heal your body. Everything is confusing me too. We exchange bodies. .Nagkapalit tayo. Pero sa tingin 'ko, hindi 'ko mahahanap ang sagot ng ako lang. Kailangan kasama kita."
"Faith?" Tawag ulit ni Jameson.
"Alis na ako. Again, I am Javier. I am in your body. This is not a joke or what. We need to find an answer." Bulong niya. Pagkatapos 'non ay dire-diretso siyang lumabas ng kwarto, nilagpasan si Jameson.
Nakakunot ang noo ni Jameson. "Anong pinag-usapan niyo?"
Hindi 'ko alam kung tanga siya or ano. May tubo ako sa bibig. Paano niya ako maiintindihan? I like Jameson very much pero minsan ay natatangahan ako sakanya. Hindi 'ko siya pinansin.
Ang sinabi ni Javier ay tumatak sa'kin. Dahan-dahan 'kong inangat ang salamin, muling tinignan ang reflection. ..si Javier. ..pa 'din ang nakikita 'ko.
Totoo ba na. ..nagkapalit kami? Pero paano?
"Javier!" Nawala ang tingin 'ko sa salamin ng marinig ang sigaw ni Jameson. "You know Faith and I are a thing, right?"
Kumunot ang noo 'ko. Anong kinalaman ni Javier dito? Like-yes I am Javier in his eyes, but why is he telling Javier-like to back off or something?
"Nevermind." Jameson sighed. "She will never like you anyway. I'll try to convince her too para hindi ka kasuhan." Aniya.
Napailing ako at napangiti sa isip. Jameson and his pure heart. May gagawin talaga ito para iligtas ang kapatid niyang tatanga-tanga. But he doesn't need to do anything. Hindi naman ako magiging interesado sa kapatid niya... yuck lang.
Hindi naman na ako kinausap ni Jameson at naging busy sa phone niya. Habang ako ay iniisip pa 'rin ang nangyayari ngayon.
Totoo ba ang lahat ng 'to? Nasa katawan ako ni Javier? At si Javier ay nasa katawan 'ko? It doesn't make any sense. This doesn't make any sense too. ..Pero hindi 'ko rin maipaliwanag kung anong nangyayari ngayon. ..
I don't want to trust that impostor-pero sa panahon ngayon, parang siya lang ang nakakakilala sa'kin. Parang siya lang ang nagsasabi ng totoo. ..Ang nawawalang dahilan para maintindihan 'ko ang nangyayari ngayon. ..
Kung ilalagay 'ko ang pinagsasasabi ng impostor sa nangyayari ngayon. ..everything will make sense. Pero ang magkapalit kami ni Javier? Parang hindi totoo!
I sighed in confusion. I need to heal my body. That impostor is right. Maghahanap ako ng salamin, at baka edit lang lahat ng 'to! I need answers! At sa oras na malaman 'kong pinaglololoko ako-lagot talaga sila!
This is making me crazy!