Hindi 'ko alam kung ano ngayon ang nasa kukote ni Candy. Alam niyang bawal ang ginagawa niya.
Sino ang mapapagalitan sa ginawa niya? Syempre ay ako lalo na ang University!
University ang mananagot pag mayroong nangyari! Oh my good! Mayroon talagang paraan ang babaeng iyon para sirain ang lahat ha? Talent ba niya 'yon?
She... is annoying! This is annoying! Hindi pa nga nangangalahati ang retreat na 'to ay bwisit agad ang balita sa'kin ng isa pang bwisit!
"Celestial!" Gising sakin ni Javier na mukha ng iiyak dahil nawawala ang babae niya.
Ngayon, ayan siya, at magsusumbong? Kasalanan ko bang weak ang babaeng pinili niya? My god, Candy is so unstable and I hate it! Kailangan damay ako lagi sakanilang dalawa?!
Javier looks worried though. Hindi ko alam kung saan siya takot. Sa mapagalitan pag may nangyari kay Candy, or just about Candy being missing?
I sighed and rolled my eyes.
"Where did she go?" I asked Javier.
Ang tanga-tangang 'to ay hinayaan naman si Candy umalis! Kalalaking tao ay hindi manlang pinigilan!
"I don't know. She drive away." He explained quickly. Nagpa-panic.
Kumunot ang noo 'ko. "What? Drive herself away? Ang dilim-dilim, hinayaan mo si Candy na umalis? Seryoso ka diyan, Javier?" Bwisit na tanong ko at bumuntong hininga.
Now, I need to report this. Pwedeng maging seryosong problema ito pag tumagal. I cannot let the school be accountable for this. I want my academe to be clean as possible!
Umiling si Javier. "You're coming with me."
"Ano?" Umatras ako palayo sakanya. "At bakit sa tingin mo ay sasamahan kita? Ano ka, pinagpala?"
"Mukha ba akong nagbibiro, Celestial?" Seryosong tanong nito na lalo kong ikinairita.
Umirap ako at sineryoso din ang mukha. "Do I look like joking Javier? Sino ba ang mukhang gago satin—"
At hinila nito ang kamay ko!
"Javier!" Impit na suway ko dito. Ayokong sumama at maghanap! Baliw ba siya?
Pinilit 'kong kunin ito galing sakanya, but Javier being an ass, hindi ako pinakawalan nito. Lalo lang humihigpit ang hawak niya sa kamay 'ko.
Hindi ko magawang bulyawan ito dahil ayoko namang may makakita samin sa ganitong oras!
"Isusumbong kita sa tatay mo, Javier." May diin na banta ko dito.
Humawak ako sa hood ng kotse para hindi niya ako mapasok sa sasakyan! He's harassing me!
Itinutulak ako nito sa sasakyan papasok pero hindi ko siya hinayaan!
"Celestial! This is urgent!"
"Urgent?" Natawa ako. "So bakit ako?"
Suninghap siya. "Pareho tayong lagot pag may nangyari!"
"At saan banda?" Hamon ko pa, naiirita na sakanya.
"Pumasok ka na! Baka ano pang mangyari kay Candy!" Bwisit na sabi nito at tinigilan ang pagtulak sakin papasok ng kotse.
Natawa naman ako at humarap sakanya.
"Excuse me, Javier. Bakit parang kasalanan 'ko pa? Bakit mo kasi hinayaan?" Lalo akong kumapit sa hood ng kotse niya. Hindi ako pwedeng sumama! Mas lalo kaming lagot pag nahuli! This is against the rule!
Tinignan ako nito ng masama. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit kami nag-aaway ngayon-"
Pagak akong natawa. "Excuse me, paanong ako!?"
"Kung umalis ka sana sa passenger seat kanina-"
Well? Kasalanan ko bang mababaw ang babaeng iyon?
"Eh kung binalik mo sana ako sa school-"
"Pag may nangyaring masama sakanya, ikaw ang sisisihin 'ko." Walang habas na duro niya sakin.
Mabilis kong tinabig ang daliri nito. How dare him point at finger on me?
Bumulanghit ako ng tawa. Puta na hayop!
"At bakit ako, gago ka ba? Tingin mo may maniniwala sa'yo!?" Singhal ko dito, wala ng pakialam kung may makakarinig sa'min.
Itinulak ako nito sa sasakyan ulit.
Umiling ako. "Ayaw 'ko! Ayaw 'ko!" I screamed for help.
Grabe, I am always getting drag because of him! How annoying!
"Hinaan mo nga ang boses mo!" Utos nito sabay tulak ulit sa'kin. "Pumasok ka na!"
Sinamaan 'ko siya ng tingin. Masakit na ang balikat 'ko ha!
"Javier, you're k********g me! May witness na staff 'don! Akala mo ba ay hindi ka talaga mahuhuli? Let's report this to authority!" Kumbinsi ko dito sa mas maayos na paraan.
"No!" He shouted. Worried. "You can't." At muli ako nitong tinulak papasok. Pero pumalag pa 'rin ako. Talaga bang utak munggo 'tong si Javier!?
"Bakit!? Javier, delikado ang daan sa gabi!-"
"Si Daddy!'' He spat. "Si Daddy okay?" Tumingin ito sa'kin. Lumambot ang titig nito habang nakatingin sa'kin.
Kumunot ang noo 'ko. Naiisip pala niya ang Daddy niya sa ganitong panahon, huh?
Saglit akong natahimik. Hindi 'ko siya maintindihan. Pero ngayon 'ko lang nakita ang ganyang ekspresyon sakanya. He looks scared. To what? That he may lose Candy? At anong kinalaman ni Mr. Castell dito?
Tinignan 'ko si Javier. Hinihintay 'ko magbago ang itsura nito o ang titig niya sa'kin. Mamaya, he's bluffing pala. Baka naglalaro lang ito ng paawa effect para matulungan ko siya.
Nagkatitigan lang kami 'don. Hawak niya ang balikat 'ko na pinipilit niyang ipasok sa sasakyan. Habang ako naman ay nakahawak sa hood ng sasakyan. Malapit 'din ang mukha nito dahil nagsisigawan kami.
Medyo kinabahan ako. My heart stomp for a bit because of his serious and ugly face.
Grabe, ang pangit niya lalo na pag close up.
"Mga hijo at hija," tawag ng isang matanda sa'min.
Naputol ang titigan namin ni Javier at napalingon sa matanda.
"Kayo ba ang nag field trip?" Ngiti pa nito. "Bawal ang ginagawa niyo."
Nagkatinginan kami ni Javier. Pareho naming tinulak ang isa't-isa ng ma-realize kung anong tinutukoy ng matanda.
Sobrang lapit niya! Napaka-manyak! Tinignan 'ko siya ng masama pero pinanlakihan niya lang ako ng mata at mukhang nahiya din.
Ano ba yan! He should stop acting like shy! Mas lalo akong nahihiya sa ginagawa niya eh!
"Nako po, nagkakamali kayo," tanggi ko sa matanda. "Ang pangit na 'to—"
"Ano?!" Takang tanong ni Javier. Manyak!
"Ang ingay niyong dalawa." Iling pa ng matanda. "Hindi ba nasabi sainyo na bawal mag-ingay dito masyado, lalo na pag gabi?"
Tumaas naman ang kilay 'ko. "Hindi 'ko alam yan."
Nagulat ako ng sikuhin ni Javier. Tinignan 'ko siya ng masama. Anong problema nitong gago na 'to!?
"What's your problem ba? Kung sikuhin ko kaya ang leeg mo?" Bulong ko dito.
"Matuto ka ngang rumespeto." Ayan na naman siya sa malakas maka-plastik na self niya!
Respeto, respeto? Sa babae nga ay hindi siya marunong ng ganon! Nakakainis! Malinis na ba siya niyan?
Bago pa ako makasagot ay tumawa ang matanda. Isa ding weird 'to. Tawa ng tawa! May funny ba sa nangyayari?
"Huwag kayong maingay, hijo at hija. 'Wag kayong magtalo sa gitna ng dilim. Baka may maingayan sainyo," suway nito.
Nagkatinginan kami ni Javier dahil sa sinabi ng matanda. Tumaas ang kilay ko sa mukha ni Javier na mukhang takot.
"Maingayan?" Javier and I asked in chorus.
Duwag naman! Kalalaking tao!
Hindi nagsalita ang matanda sa'min at umiling lang. Mas lalo tuloy akong na-curious!
Inaaning lang kami nito. According to science, wala namang ganito. There is no such a thing unless may sayad ka sa utak.
Pero itong si Javier, mukhang tinamaan na talaga ng takot. Yikes. Duwag.
"Mukha kang iihi sa salawal mo," bulong ko sa lalaki.
Hinawakan nito ang beywang ko at pinisil.
Nilingon ako ni Javier at pilit na nginitian. "Manahimik ka."
"Paano kung ayaw ko?" I smiled and gritted my teeth. Ang pangit niya!
"Hindi ka ba natatakot?" Pinisil nito ang beywang ko.
Inilapit ko ang mukha at hindi nagpatalo sa staring contest namin. "Hindi. Mukha ba akong naniniwala sa ganyan?"
Nagtitigan lang kami ni Javier. Ayaw talaga naming magpatalo sa isa't-isa. Aba, kahit magdamag pa kaming magtitigan! I will enjoy his hopeless face!
Kaunting takot lang pala sakanya patungkol sa multo ay bibigay na!
"Mag-iingat kayong dalawa at wag mag-aaway... Ayan ang ikakapahamak niyo..." Misteryosong sabi nito at tuluyang umalis na sa harapan namin.
Bumusangot ako. Halata namang tinatakot kami ni Tanda para hindi mag-ingay. Akala siguro nito ay I will buy things like that.
I am a smart girl ano!
"Weird." Bulong 'ko sa papalayong matanda. Siniko ulit ako ni Javier. "Ano ba!?" I hissed.
Ayan na naman siya sa p*******t! Sisikuhin ko talaga siya sa leeg!
"Wala ka talagang galang. Pumasok ka na sa kotse! We're running out of time!" Utos nito.
Tumaas ang kilay ko at gustong umusok ang ilong.
"Magalang na ba ang tawag sayo niyan ha? Pag ganyan? Ang plastik mo rin eno! Kalalaki mong tao—"
Nagsalubong ang kilay nito. "Pumasok ka na lang!"
Wow ha!? Bakit may obligasyon ako bigla na pumasok sa kotse? At sinong may sabi na papasok ako? Ang kapal naman ng mukha niya!
Napairap ako. "Hindi ako sasama-"
"Ipagkakalat 'ko na tinanggi mo ang nanay mo!" Banta nito.
My mouth hang open. He makes it sound worse ha! Akala mo ay parang ang sama kong anak!?
And then, naalala ko. Kilala pala ako ni Javier. Alam niya ang buhay na meron ako. Iyong ginagalawan ko. Ang buhay na pilit kong itinago sa lahat!
"Ano? Papasok ka ba o ipagkakalat ko? Madali naman akong kausap?" Ngisi pa nito.
I gritted my teeth. Bwisit!
"Gago ka ba?! Ang sama ng ugali mo ano?" Duro ko sakanya. "Inaano ka ba?"
Ipagkakalat? Wow. Grabe. Wala na akong masabi sa ugali niya.
"Mas masama ang ugali mo," ngisi nito at tila panalo na sa away namin.
Argh! Ang nanay ko talaga ang ikakapahamak ko! Nakakainis! Bakit ba kasi iyon ang nanay ko?!
Isa pa, bakit ba kailangan ako ang mabuhay? Ang daming sperm, ako pa ang napili!
"Ano? Papasok ka ba o ikukwento ko sa iba?" Hamon ni Javier. Hindi talaga siya titigil kagaya ng inaasahan.
Pagak akong natawa at pumameywang sa harapan niya. Duh, siya na nga ang may kailangan pero ang lakas niya mang-mando ng tao!
I really don't want him to win against me. Heck, balak ko sana siya iwan dito dahil nakakabanas!
Bahala na kung ano ang mangyari, basta, hindi ko siya hahayaang manalo! Kahit ipagkalat niya pa ang mahirap kong buhay!
Hindi naman ako nanloko ng tao sa University. I just never told anyone about my personal life. Ang alam lang ng lahat ay anak ako ng mayaman because they assume it themselves!
Hindi ko na kasalanan iyon kung mga assumera sila!
Pinangkitan ko ng mata si Javier.
"Ayoko. Malagot ka kay Mr. Castell. Sana, palayasin ka!" Ipinaglaban ko ang pride at tinalikuran ang lalaki.
Take that!
"Okay, sasabihin ko na lang sa iba kung sino ka talaga. Na isa ka lang scholar ni Dad at nakatira ka sa skwater—"
"Sabihin mo!" I hissed on him.
"At gusto mo si Jameson—Nakoh! Ayaw pa naman non sa mga skwater—"
That hit me!
Hinarap 'ko siya at sinigawan sa mukha. "Oo na!"
Oh my god. Jameson. Kung hindi mo talaga ako papakasalan dahil lang laki ako sa hirap ay sasakmalin kita.
My hand is shaking becaude of anger. Hindi ko matanggap na nakasakay na ako sa kotse ng walang hiya!
He is so evil! Huwag niya akong hayaan na makaganti sakanya! Talagang gagawin ko ang lahat para maiparamdam sakanya kung gaano ako ka-bwisit ngayon!
Masama ang loob 'ko ng pumasok sa kotse. Sumakay naman ang siraulo na may ngisi sa labi. Halatang tuwang-tuwa dahil for the first time, nanalo siya against me.
"Ang hirap mo pa kausap. Iyon lang pala ang magpapaamo sayo," tawa nito sakin. "My brother huh... Ano nagustuhan mo sa panget na 'yon?"
Nakitawa din ako, pero sa totoo lang ay gusto kong pigain siya sa leeg.
"Bakit? Hindi kita kinu-kwestyon sa pagpapakatanga mo kay Candy, kaya wag mo ako tanungin," I smiled on him.
"Ah ganon? Ang tawag don, undying love—"
"Tumahimik ka nga! Nakasakay na nga ako hindi ba? Pag nalaman talaga ng iba ang buhay ko..." Talagang siya ang una kong bubugbugin. Mata lang niya ang walang latay.
"Sus... Maganda pala 'tong may nalalaman din ako sayo pag nag-aaway tayo!" He chuckled.
Wow. Tuwang-tuwa.
"So habang buhay mo akong ib-blackmail ng ganon?" Umpisa ko sakanya. "Don't even think about it. Subikan mo lang. Hindi ka makakauwi ng buhay sainyo."
He started the car first before answering. Ang saya-saya niya talaga ngayon kaya't sobrang nakakainis!
"Hindi. Ayaw mo sumama 'eh. Napilitan tuloy ako gamitin ang black card—"
Sinamaan 'ko siya ng tingin. "Do you think I'm playing?" Black card?! Mukha ba kaming naglalaro ng baraha dito?!
Hindi ako makapaniwala na ang buhay ko ay isang malaking black card para sakanya. Wow! Pwede na talaga masunog ang kaluluwa nito!
"We are not playing, Celestine. Ikaw lang naman ang mahilig sa laro. Sinasakyan lang kita," he defended himself.
Napaamang ang labi ko at hindi makapaniwala. Parang ako pa ang desperada saming dalawa na makaganti ha?
"Bakit parang kasalanan ko bigla lahat? Hindi ba ay kasalanan mo din kasi patol ka ng patol sakin?" I asked him.
Ang dilim ng daan. Bawal itong ginagawa namin. Pati si Mr. Castell ay mad-disappoint na sakin. Pero hindi 'ko naman pwedeng hayaan na ipagkalat ni Javier ang nalalaman niya tungkol sa'kin! Argh, f**k him! Bakit ba siya nabuhay? Ginawa ba siya ng Diyos para sirain ang buhay 'ko?
"Bakit hindi kita papatulan? You're pretty. Dapat pinapatulan ka."
Napahinto ako sa sinabi nio. Ano daw?! Namula ang mukha ko sa sobrang banas at binatukan siya.
Mukhang sabog na ito at kung ano-ano ang sinasabi!
"Nakakakilabot ka talaga," suway ko sa sinabi niya at ngumiwi. "What a fvcking flirt. Di na lang ako magugulat, may sakit ka na kaka-flirt."
"Hoy! Don't say that!" His eyes widened. "Pag ako nagkasakit ikaw ang sisisihin ko!"
Pero again, ang duwag! Kalalaking tao, isang malaking duwag!
I crossed my arms. "Okay, sisihin mo lang. Hindi naman ako ang mamamatay."
"Celestine!" Iritadong tawag nito sa'kin. Gigil.
Nginitian ko siya—pero mabilis din akong sumimangot at dinuro-duro si Javier.
"Make a move to locate her, dumb! Mas mahalaga ba ang pakikipag-away sakin?!" Sigaw ko dito.
"I'm going to call her." He said. Mukha talagang determinado at nag-aalala siya sa babae.
Kung hindi lang ako parte ng organizer or officers, wala akong pakialam sa babae na 'yon! Pero wala eh! Sa dinami-dami ng responsibilidad o pwedeng mawala, bakit si Candy pa?
"Hindi ka dapat nakisabay samin kanina. Tignan mo, nagtampo tuloy siya!" Paninisi na naman nito!
Napairap ako. "Mukha ba akong may pakialam?"
Kunot-noong nilingon ako nito. "Could you please stop being rude? May nakasalalay na buhay dito!" He said dramatically.
Hays, when did he care for life?
"Alam mo, kung may buhay na nakasalalay dito, iyong akin teh. Kasi kasama kita. Grabe, mawawalan ako ng oxygen sa utak dahil sayo!" I hissed on him.
Kumunot ang noo nito at napailing sa inis. "Hindi mo ba naiintindihan, Celestine? May nanganganib na buhay and we need to take care of it—"
"Alam mo, sana maging santo ka sa sobrang bait mo," sarkastikong sabi ko dito.
He sighed. Bwisit. Ayan, tama lang 'yan, ma-mroblema ka sakin. Dapat lang sayo yan kasi sa dami ng sinama mo, ako pang pinagseselosan!
Tanga!
"Could you please shut your mouth na lang? Baka mabangga tayo sa ingay mo." Iyon na lang ang nasabi niya. Yikes, walang rebat.
I chuckled to annoy him more. "Lahat talaga kasalanan ko na 'no?!"
"I am doing you a favor, honey. Kung ayaw mo mapagalitan ng iba as a leader, sumama ka na lang ng tahimik!"
Well, for the first time, may nasabi rin siyang tama sa wakas. Pero syempre, hindi ako aamin na tama siya!
"Lagot ako kay Mr. Castell." Buntong hininga 'ko. "Kinu-kunsinte 'ko ang walang kwenta niyang anak." Iling 'ko. But that's the truth. Lagot talaga ako pag nahuli kami.
Lagot din ako pag hindi agad nahanap ang maarteng babae na 'yon.
Tumawa siya. "Ako pa ang walang kwenta ha? Sino kaya 'yung tinanggi ang sariling nanay?" He started to attack me personally.
I bit my lip. Gusto kong manampal ng mayabang ngayon pero he is driving! Sinamaan 'ko na lang siya ng tingin.
"Bakit nasali ang nanay ko sa usapan?"
Natawa siya. "Bakit kasali ang tatay ko?"
Nakakainis!
Halatang aliw ang lalaku sa umuusok kong ilong dahil mukhang alam niya that he is hitting the spot because of my mother!
"Stop it!" Suway ko dito.
"Why would I? Noong ikaw ba na pinagsabihan ko na wag mo idamay si dad, pumayag ka ba?"
"Hindi mo alam kung bakit ganon. Stop talking about my mother." Inirapan 'ko siya. "Alam naman nating, sa'ting dalawa mas wala kang kwenta." Ganti 'ko.
"Stop talking, Celestial. Mamaya na tayo mag-away." He sighed.
I pouted. "Okay. Fine. Pero ganon talaga. Truth hurts. Bago ka sumipsip sa nanay 'ko, sipsip ka muna sa sarili mong tatay."
"Bakit ba ikaw ang kasama 'ko sa kotse ngayon?!" Sigaw ni Javier. Agad naman nanlaki ang mata 'ko sa kapal ng mukha niya.
Siya nga itong may kailangan. Siya ang humila sakin! Ang lakas talaga ng tama niya! Is he really stable?! Baka nakakalimutan niya ang pagmamakaawa?!
Pumayag ako sumama sakanya, in the middle of the night, in the middle of the dark woods! Tapos ganyan ang tabas ng dila niya?!
"Akala mo gusto 'ko 'to? Sino ba ang nagpatulong at nagmakaawa hanapin ang Candy damulag mo-"
"Could you please, shut up-"
"No, Javier. You shut up! Ang daming mong sinasabi, ikaw naman itong humingi ng tulong!" Ang hilig niyang putulin ang sinasabi 'ko! Nakakainis!
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Celestial! So you're the one who should stop!"
Napaamang ang labi ko, hindi makapaniwala. "Anong ako? You're the one who should stop, asshole! Hindi mo alam ang buhay ko, pero nakikisawsaw ka! You're even using it as blackmail!"
Tumiim ang bagang nito. "God, wala talaga akong balak intindihin ka because you're just a bitxh for me!" Sigaw nito.
Hindi ko napigilan na dumapo ang kamay ko sa ulo niya oara sabunutan! Walang kwenta!
Hindi 'ko alam na ang pag-aaway na 'yon ay ang magiging dahilan ng malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa ni Javier.
"Celestial!" Si Javier noong nagsimula gumewang ang sasakyan.
"Umayos ka nga ng drive!" I hissed. Syempre ay natakot ako.
"Walang break."
"Ha?" Parang bumagal ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. "Gago ka ba? Ayusin mo!"
"Celestial, walng break ang sasakyan."
"Oh... my god!" Napasinghap ako.
I feel so lucky when I survived the accident. I thought it was the end...
Pero gusto 'ko atang pumikit ulit ng marinig ang sinabi ni Javier sa'kin habang nasa katawan niya.
"Celestial, ako 'to. Si Javier, nasa katawan mo," a sweet voice said.