7. The missing sweets

2000 Words
Napatili ako ng malakas ng tuluyan na nitong paandarin ang kotse. Nag-hysterical ako dahil nakakabanas talaga! Nakakailan na siya sa'kin! Gusto 'ko siyang sapakin but he's driving. Narinig 'kong tumawa ito kaya lalo akong na-bwisit. This day is so frustrating! "Let me go!" I shouted repeatedly. "Shut up!" Javier said, when he noticed I didn't want to stop from shouting. Sinamaan 'ko ng titig ang lalaki. "Ibalik mo ang sasakyan!" I shouted. Napaiwas naman ito na para bang sinapak siya ng boses 'ko. "Stop shouting! Hindi ako bingi! Pwede ba?" Nilingon ako nito saglit upang tignan ng masama. Sarkastikong natawa ako dahil sa kakapalan ng mukha niya. "Ibalik mo 'to! Akala mo ba ay hindi kita isusumbong kay Mr. Castell? Ulol!" Gigil na sigaw 'ko dito. Ang tanga 'ko rin naman. Hindi ako bumaba when he gave me the chance. Pero malay 'ko ba!? I know na isasabay nito si Candy dahil ganon ang ginagawa niya pag may event na ganito! At sa tingin 'ko, ang isa sa pinaka-ayaw niya mangyari ay magkasama kami ni Candy sa iisang lugar! So I didn't expect that this can happen! At isa pa, ano, third wheel ako rito? I don't want to p**e in disgust! "Go to the back seat." Utos nito. Pinandilatan 'ko naman siya ng mata. Bakit niya ako inuutusan? Ang kapal ng mukha niya! Tamad akong tinignan nito. Para bang napagod sa away namin. Hindi pa nga kami nag-uumpisa! Tumigil ang kotse nito sa tapat ng isang bahay. Tumaas ang kilay 'ko. "Oh. ..No." Sabi 'ko habang umiiling. "Alis na sa passenger." Utos ni gago. "I'll call Candy out." Aniya. "Oh my god, Javier! Are you serious?" I shrieked. "Talaga bang magiging third wheel ako rito?" Turo 'ko pa sa sarili. "Ano bang meron sa boses mo ngayon!? Lower down your tone, will you!?" He hissed. Tinaasan 'ko siya ng kilay. "Bakit ako susunod sayo? Ang kapal ng mukha mo! Ibalik mo ako sa school! I don't want to p**e here because of you!" "Fine!" Humawak ito sa manibela. "Bumalik ka mag-isa 'don!" Dahil sa sobrang banas ay hinampas 'ko na siya sa braso ng malakas. Napahawak naman doon at nakangangang tinignan ako. Parang hindi makapaniwala sa ginawa 'kong paghampas. "Gago ka talaga! Sino ba ang nagdala sa'kin dito? Ikaw diba? Now, take me back. Tapos sunduin mo si Candy. Ganon lang kadali!" Sigaw 'ko sakanya para naman maintindihan ng maliit niyang utak ang sinasabi 'ko. Kumunot ang noo nito. "Sayang ka sa gas! Besides, I can make up a story para pwede akong mauna-lalo na't kasama kita! Aw-could you please stop hitting me?!" Iritado nitong hinuli ang dalawa 'kong kamay. "Wala pa 'yan sa ginawa mong pagtulak sa'kin! Ang laki noong pasa 'ko dahil sa'yo, hayop ka!" Sigaw 'ko. Kumunot ang noo nito bago magsalubong ang kilay. Hinila 'ko ang aking kamay. Pero lalo niyang hinigpitan ang hawak sakin. "Kasalanan mo naman! Itulak ba naman ang walang muwang na aso?!" Sigaw din nito. Natawa ako. Seryoso ba talaga ang isang 'to? Nasisiraan na 'ata siya ng bait! "Dahil sa aso? Kaya mo ako tinulak na parang akala mo lalaki ako-" Pumikit ito ng mariin bago tumingin ulit sakin. "Mag-patingin ka sa doktor. May problema ka 'ata sa utak!" Sabi niya. Natawa naman ako. Sinubukan 'kong hilahin ang kamay 'ko na kanina pa niya kinukulong. "Let me go! Ano ba!? Tsaka, bakit ako 'yong magpapatingin? Mas sira 'ata ang ulo mo. Naalog 'ata ng bola!" Siya pa ang may ganang sabihan ako ng siraulo ha! Kumunot ang noo nito at akmang sasagot pa ng may kumatok sa binatana. Nilingon 'ko ito at nakita 'ko si Candy sa labas. She looks confuse and mad. "s**t. Umalis ka diyan sa passenger seat." Binitawan agad ni Javier ang kamay 'ko at mabilis na lumabas. Napangisi ako at sumandal sa inuupuan. I crossed my arms while watching them outside. Candy looks confused and angry. Samantalang si Javier ay mukhang maamong tupa. Akala mo ay hindi nananakit ng babae. Tsk. Umiling-iling pa si Javier. Mukhang nahihirapan magpaliwanag ang gago. Buti nga sayo! Hahawakan sana ni Javier ang bitbit ni Candy pero iniwas niya ito. Natawa ako. "Yikes. Kawawa ka Javier." Nilingon ako ng babae. I smiled and wave my hands at her, her forehead knotted. Tinignan 'din ako ni Javier saglit at pinanlakihan ng mata. Ngumisi ako. Hindi ako aalis sa kotse na 'to. Mukhang nagagalit nga si Candy pag kasama ako ni Javier. Pag galit si Candy, nakakatawa tignan si Javier. Ilang minuto pa ang lumipas pa bago hinayaan ni Candy na kunin ni Javier ang bag niya. Papunta na sila dito kaya napatuwid ako ng upo at diniretso ang tingin sa harap. Binuksan nila ang passenger seat. "Celestial, umalis ka diyan." Utos ni Javier. Nilingon 'ko ang dalawa. I gave them my best smile. "At bakit? I'm enjoying my seat here. .." Kumunot ang noo ni Candy. Javier gritted his teeth. "Alis diyan. Sa backseat ka." Javier. Umiling ako. "At bakit ako lilipat doon?" Ngumiwi ako. "Ikaw ang nagpumilit na sumama ako sayo." "What?" Sabat ni Candy. "Excuse me, President. Pwesto 'ko yan. Pwede bang umalis ka diyan?" Mataray na sambit nito. Natawa at na-supresa ako sa sinabi ni Candy. "Ha? Bakit? May pangalan mo ba 'to? Ako naman ang nauna dito. At nagpumilit si Javier na isama ako. .." Nilingon 'ko si Javier na mukhang hindi nagustuhan ang pinagsasasabi 'ko. Dahil mestiza si Candy, kitang-kita 'ko kung paano namula ang mukha niya. Tinignan 'ko si Javier at nginisian. "Just. ..Get out. ..Umalis ka nga!" Sabi ni Javier. Napanganga naman ako sa sinabi nito at umaktong para bang nasasaktan. "Ikaw ang humila sa'kin dito. ..Why are you being harsh?" Malumanay ngunit nang-aasar na sambit 'ko. Nang magkatinginan kami ni Candy ay ngumiti ako. "Sa backseat ka na lang." Napanganga naman ang babae. "Grabe. .." Sabi nito at napatingin sa taas. "Candy. .." Javier tried to hold her wrist, pero iniwas agad ni Candy iyon. Napanganga ako bago natawa ng mahina. "Candy wait-" Umiling si Candy. "Tigilan niyo akong dalawa. f**k you, Javier." She stormed out. Tahimik na nakatingin si Javier sa nag-walk out na si Candy. Habang ako naman ay napapalakpak at natawa. That was intense, ha! Nilingon ako ni Javier. Medyo napahinto ako sa pagtawa dahil walang ekspresyon ang mukha nito. "f**k. ..You messed us up again. .." Pinanlakihan 'ko naman ng mata si Javier. "Hala, bakit parang kasalanan 'ko pa?" I said dramatically. "Shut the f**k up." Aniya bago isarado ang pintuan ng passenger seat. Sumakay ito at nagsimulang mag-drive. Ilang minuto na siyang tahimik and this is making me uncomfortable! The silence between us-is uncomfortable! Tinignan 'ko ang mukha niya. Seryoso lang itong nagmamaneho. Napakakibit na lang ako ng balikat at hinayaan siyang ganon. Tumingin ako sa bintana at nilibang ang sarili. f**k. Ang mayroon lang ako ngayon ay phone at wallet. Siguro naman ay hindi niya ako itutulak palabas ng kotse. Alam niyang isusumbong 'ko siya sakanyang ama. Isang oras din ang nakalipas bago magsalita ito. "What do you want to eat?" Tanong niya. Bigla akong napalingon sakanya. Tumaas ang kilay 'ko. Kahit nagtakaka ay sinabi 'ko ang gustong kainin. Tahimik lang siyang nag-drive. Papuntang McDo. Tumaas ang kilay 'ko. Seryoso ba? Lalasunin na ba niya ako? Or pagkatapos nito ay ililigaw niya ako? Mabilis 'kong kinuha ang phone at tinext si Suzy. Mahirap na. To Suzy: Kasama 'ko si Javier ngayon. Tinotopak siya. Suzy: President! Hinahanap ka ng iba! Lagot ka! Doon 'ko napansin ang mensahe ni Mr. Castell. Mr. Castell What's happening? Mabilis akong nagtipa kay Mr. Castell ng mensahe. To Mr. Castell We're both okay po. Hindi po kami nag-aaway. Medyo lang po. Please let us go. I'm sorry po. Biglang nag-pop ang mensahe ni Suzy. To Suzy: Gg naman President. Nakakaloka mag-asikaso ng iniwan mo! Huhu. Napairap naman ako sa text nito. I ignore her calls too. Kasi alam 'kong ganito ang sasabihin niya. Talaga naman! Vice President siya at minsan lang mahirapan. At naniniwala akong kaya niya yon. "I told Mr. Castell that I'm with you." Sabi 'ko sakanya bilang banta. Baka kasi iligaw talaga ako nito. Subukan lang niya! I heard him sighed. Kinuha nito ang sarili niyang phone. Baka si Mr. Castell na iyon. Binalik 'ko ang tingin sa sariling telepono. After few minutes, nagsalita ito. "Hoy." Inilapag 'ko ang cellphone ng makita ang palad ni Javier sa harap 'ko. Nagtatakang tinignan 'ko siya. "Tingin mo ba ililibre kita? Bayad mo?" Aniya. I gritted my teeth. "Wow. Thanks ha." Binato 'ko ang wallet sakanya. Akala mo ay hindi mayaman! Bwisit. Akala 'ko tuloy ay sinapian siya ng malungkot na kaluluwa or tuluyan na siyang nabaliw dahil iniwan siya ni Candy. Kaya't manlilibre. Pero mukhang ayos pa naman siya. Ang kapal-kapal! Ang tanga 'ko rin! Naniwala akong malungkot siya! Well, this is so ironic but I don't want to see his face like that. I am more comfortable when his irritated or angry. Not sad. I hate dramas. Nagulat ako ng nakita 'kong nagbayad siya ng isang libo. Mabilis 'kong hinugot ang aking wallet mula sakanya at nakita 'kong nawawala ang nag-iisang kulay blue doon. "The f**k, Javier?!" I hissed. Hindi niya ako pinansin at binigay sa'kin ang pagkain. Pati ang two hundred pesos. "Sukli 'yan." Seryoso niyang sabi. "Bakit? Sana si Candy ang nandyan diba? Kung tumuloy ka sana sa backseat at hindi nagsabi ng kung ano-ano? Baka na-libre pa kita sa tuwa." Unti-unti itong ngumiti. Pagak akong natawa. Ang tanga-tanga 'ko! Bakit 'ko nga ba siya binato ng wallet?! Argh. Gusto 'ko siyang sigawan sa tenga pero ang dami 'kong hawak! Baka malaglag! "Bwisit!" Sabi 'ko at kumain na lang. "Hoy, bakit ka naman ganyan kumain? Masama 'yan!" Tawa niya. I just glared at him. Nang matapos kumain ay nakaramdam ako ng pagka-antok. I yawned. Tahimik na ako noon at wala ng pakialam sa pinagsasasabi ni Javier. "Parang baboy." He giggled. Nang magising ay nagulat ako na nandon na kami sa lugar. Woah. Ang bilis. "Bumaba ka na. Call Dad. Sabihin mo nandito na tayo." Inirapan 'ko siya. Hindi niya kailangang sabihan ako. Alam 'ko ang susunod 'kong gagawin! Pinag-stay naman ako sa lobby para maghintay. Hinihintay pa kasi ang ibang estudyante. Wala naman si Javier. Hindi 'ko alam kung saan pumunta. Bahala siya sa buhay niya, 'no. Malaki na siya. Isang oras ang lumipas ay dumating na ang bus ng school namin. Mabilis 'kong sinalubong ang mga guro at members ng Student Council dahil sa pagiging irresponsible 'ko. Kinausap lang ako ng Dean, at bukod doon, wala ng masyadong nangyari. Ang kahati 'ko sa kwarto ay si Suzy syempre. Hapon na iyon at inaantok ulit ako. Kakatapos lang ng lunch at ceremony. Mayroong activity noong 4PM kaya't napabangon ako sa kama ng wala sa oras. Kailangan 'ko siguraduhin ang kaayusan 'don. Everything is going well. Hanggang sa mag-gabi at dinner. Bantay sarado 'din ang staffs dahil baka may lumabag sa rules. After dinner, nasa kwarto na dapat ang lahat. "Ma'am. May wala pa po sa room nila." Sabi ng isang staff na kasama 'ko mag-check. "Sino?" "Si Candy Salado at Javier Castell po." Kumunot ang noo 'ko sa narinig. Really? Ang dalawang 'yon? Gagawa na sana ako ng paraan para hanapin sila Candy at Javier, ngunit nakita 'ko na ang gago. Hinihingal na huminto si Javier sa harapan 'ko. Tumakbo ba siya paakyat dito? May elevator naman. Tanga talaga. "Halika." Hinila niya ang wrist 'ko. Tinignan 'ko siya ng masama. "Ano ba Javier?! Saan ka ba-" "Mamaya mo na ako bungangaan," madiin na aniya. Wow ah! Tinawag ako ng staff ng hilahin ako ni Javier palayo. Hindi naman ako pwede sumigaw. Nasa hallway kami at baka marinig ng ibang student. Baka lumabas pa sila ng hotel room at maki-chismis. "Javier ano ba?!" I hissed. "Javier! Bitawan mo ako!" Hinila 'ko ang aking kamay. "Kailangan ko ng tulong. Si Candy, nawawala," he said. Nag-aalala. Kita ko ang takot sa mukha nito kaya pati ako ay natigilan. Napahinto ako sa pagpalag. What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD