6. What a bad day

1724 Words
Growing up in this kind of place is never wrong. Sure. Magulo, maingay at walang delikadesa ang ibang tao dito. But this is life. Ganito ang totoong mundo. Walang patas, walang kasiguraduhan, at kailangan mo lagi makipag-sapalaran. Diskarte ang puhunan sa ganitong lugar. Batang kalye ako. Marami akong natutunan sa eskinita. Pero matalino ako. Alam 'ko ang tama sa mali. Then I learned from school after. Marami pa akong natutunan. The University of Castellen is an ideal school. Matatalino at mayayaman lahat ang mag-aaral sa university. Nakapasok lang ako sa university because of my intelligence. At syempre, mabilis ang proseso dahil kilala ako ni Mr. Castell. Puno ng mayamang tao ang university. It's like a castle in a modern place. Very grand and expensive. Pati din ang mga tao ay ganon 'din. Ang social status ay mahalaga 'rin dito. Pero simula noong pumasok ako, akala nila ay anak ako sa labas ni Mr. Castell noong una. I got into a serious fight because of that. But Mr. Castell is there and clarified that I am the daughter of his friend. Ang salita ni Mr. Castell ay sapat na para matigil ang pang-aalipusta sa'kin. I proved to the Castellians that I am worthy for the scholarship. I joined every quiz bee and aim everything high. I made a name. They're all intimidated and amaze how smart I am. Noon, my parents is very close to Mr. Castell. Mayaman 'din ang pamilya namin-sapat na para makipag-sabayan sa mayayaman. But everything fell down when my father died. I am very thankful to Mr. Castell. Sa tingin 'ko ay magiging maayos ang lahat kung wala si Javier na pa-epal. No one knows where I live. Akala lang ng lahat ay mayaman ako. Akala. There's nothing wrong. ..But I think everyone will hate me if Javier spread the news. Talagang pangit ang ugali 'ko sa lahat-makakahanap na ang mga bullies ng pwede nilang i-panlait sa'kin. Hindi naman totoo na pantay-pantay ang tao. Pag mayaman ka, mas maraming advantage. Lalo na sa pag-trato sayo bilang tao. Pag mahirap-you'll work until you feel yourself numb. Para kasing natural sa mundo na pahirapan lalo ang mahihirap. Kaya't hindi 'ko rin sinabi. So my life here in university can run smooth as possible. I sighed. Everyone will tell that I lied. But I just told no one. They're the one who assumed-can this one save me? Maliligtas ba ako ng palusot na 'yon? "President?" Bigla akong nagising sa iniisip. Kaharap 'ko ngayon ang ibang miyembro ng student council. We are talking about the school trip for tomorrow. Nakita 'kong nakatingin lahat sa'kin. I just raise my hand as a signal. Suzy started talking again. It's been a few weeks since Javier and I saw each other. Tahimik ito-at mas lalo akong kinakabahan. Hindi 'ko siya mahagilap ng maayos. Lagi niyang kasama si Candy na mas nakaka-bwisit. Bukas na ang school trip. Everyone is excited and giddy. Ako? I feel miserable. This is Javier's fault! Hindi ako makatulog sa pang-iinsulto at chance na pwede niyang sirain ang pangalan 'ko sa university! After a very long day-dumiretso na agad ako pauwi. Gusto ako ihatid ni Jameson but I declined it again. "Why?" Pagpigil ni Jameson sa pag-alis 'ko. "What's bothering you, Faith? Tell me please. .." Kumunot ang noo 'ko. What is his problem? Bakit kung maka-akto ito ay parang ang laki ng problema niya? Malalim na ba ang pinagsamahan namin? "Faith? Tell me. ..Baka may problema tayo." Masuyo nitong hinawakan ang kamay 'ko. Doon ako natawa. Woah. Gusto 'ko siya but I just can't take a drama right now. "May tayo?" Natatawang sabi 'ko at hinila ang kamay. "Walang tayo. .." At iniwan 'ko siya doon. I know, I was harsh. But I can't help it! Bakit ganon siya umakto? Wala naman kaming problema at hindi ko alam ang sinasabi niya... "Anak!" May tumawag na naman sakin na ayaw ko. Here's another problem. I am living almost half of my life with the person I hate the most. My mother. Dire-diretso akong naglalakad para lagpasan si Mama pero nagsasalita pa 'rin siya. Nakakairita! "Nahanda 'ko na ang damit mo para bukas—" Binagsakan 'ko ito ng pinto. Ang ingay! Tamad na binagsak 'ko ang sarili sa kama. Bukas na ang school trip. Kailan ako ipapahiya ni Javier? The longer I wait-it gets heavier and heavier. Sana talaga ay hindi niya ipagkalat. Pero I doubt that! Javier is my mortal enemy! We are not like this before. We're friends. Noong bata kami ay magkalaro kami. Lego at luto-lutuan. But after my father died-Javier hates me to death. Hindi 'ko alam kung saan nanggaling ang galit ni Javier. At wala akong pakialam. Pero ngayon? It frustrates me! Bakit? Bakit niya ako inaway? Why does Javier hate me? Hindi naman ako nagnakaw ng laruan. ..Hindi talaga. Matamlay ang umaga 'ko. Madaling araw pa lang ay inayos 'ko na ang kailangan. My mother is helping me. Hindi siya kumikibo. Everything sounds nice but she started talking. "Anak. .." Hindi 'ko ito tinignan. "Anak, nagkita ulit kami ni Javier." Napatigil ako sa pagkain. Ano? Inabot nito sa'kin ang isang ointment. "Pinapabigay niya. .." aniya. Nang hindi 'ko abutin 'yon ay nilapag na lang niya sa lamesa. What the f**k is this? Ano ang kailangan sa'kin ng gagong 'yon? Bakit siya nakikipagkita kay Mama? May kailangan pa ba siya alamin sa ina 'ko para mas mabaho ang ilalabas niya patungkol sa'kin? Nag-init ang ulo 'ko. "He's not my friend!" Sigaw 'ko. "Pwede ba, 'wag kang makipagkita sa gagong 'yon! Huwag ka pakialamera!" I hissed. "Ano ba anak. ..pinapaabot niya lang. .." Tinapon 'ko ang bote at nabasag iyon. "Wala akong pakialam! Hindi 'ko kaibigan ang gagong 'yon! 'Wag ka nga'ng makipagkita doon! Bakit ka ba nangingialam?!" Sigaw 'ko. This is so frustrating. "Pinakialaman ba kita noong kumabit ka?" Sinampal ako ni Mama. Wow. Talaga lang ha. Siya pa talaga ang may ganang sampalin ako? Tumawa ako. "Anak. .." Tawag nito at akmang hahawakan ako. "Don't. ..touch me. Ang dumi mo." Sabi 'ko bago umalis sa nakakawalang ganang almusal. The nerve. Siya pa talaga ang may ganang sampalin ako? Anong karapatan niya? Siya nga itong pakialamera! Pag dating 'ko pa sa school ay wala pang bwisit na dumadating. Nagpahinga muna ako sa loob ng bus at nag-iisip ng happy thoughts. Pero nasira lahat ng 'yon ng may ibinalita si Suzy. "President, una na daw po si Javier." Sino pa nga ba ang nag-iisang sumisira ng araw 'ko? Right. Si Javier. "Six ang alis." Walang ganang sagot 'ko. "May sarili siyang kotse." Suzy. Nagmulat ako ng mata. Nasa loob kami ngayon ng bus. Five pa lang ng umaga at kinakalma 'ko ang sarili dahil nga sa nangyari kanina sa'min ni Mama. But Javier. ..just boils everything up again! "So? Bakit hindi siya nauna?" At bakit kailangan pang sabihin sa'kin? Can't he just go? "Wala daw po siyang hotel room. Pag sinumbong niyo siya." Lalong kumunot ang noo 'ko sa sinabi ni Suzy. "Huwag ka. ..daw mangialam, President." Ako? Ako pa talaga ang pakialamera? Siya nga itong nakikisawsaw! Fishing informations and more! Bakit ba siya lapit ng lapit kay Mama? Tumayo ako. I heard Suzy called me. I ignore her. Nagpunta ako sa sasakyan ni hambog at pumasok doon. Nakita 'kong napatalon siya dahil sa pagsakay 'ko. "Ano? Bakit ka pumasok?!" Masama ang tingin nito. "Sa labas tayo mag-usap!" Tinitigan 'ko siya ng maigi. Kumunot ang noo nito at tinignan ako pabalik. Pero sa huli, hindi rin niya kinaya. "Hoy!" He hissed. "Para mo na akong papatayin sa titig mo!" "What are you planning?" "Plan?" He said. Acting confused. "I am planning to go first. Huwag 'kang magsumbong kay Daddy-" "Bakit mo nilalapitan ang nanay 'ko?" Tumingin ako sa labas. "Anong kailangan mo?" Natahimik ito. Kaya't nilingon 'ko si Javier. Nakita 'ko ang nakakunot nitong noo. "What?" Aniya. "Anong kailangan mo?" Ulit 'ko sa tanga. "Bakit mo nilalapitan ang nanay 'ko?" Natawa ito. "Nagkakasalubong kami ng nanay mo-" "That's bullshit, Javier! Nagkakasalubong? Tiga-saan ka ba? Sa Tondo?" I fired. Nagkasalubong ang kilay nito. "Anong pinagsasasabi mo? Your Mom is a janitress in Mall!" He hissed. Saglit akong nagulat doon. "What? Hindi mo alam? Janitress ang nanay mo doon. Tingin mo ba, saan nakukuha ng nanay mo iyong pinangbabayad sa aircon at Wi-Fi sa kwarto mo?" Sarkastikong bawi nito. Nag-init naman ang mukha 'ko dahil tama siya, hindi 'ko alam. Pero ang kapal ng mukha niya! "Huwag mo ako pagsabihan na parang alam mo ang lahat!" I hissed. "At huwag ka susugod dito kung wala kang alam!" Balik nito. Sinamaan 'ko ng tingin si Javier at gusto 'ko siyang suntukin! "What? Bumaba ka na. Aalis na ako." Nginisian 'ko si Javier. "Masyado kang friendly sa nanay 'ko. ..Why don't you fix your relationship first with Mr. Castell?" "Celestial, baba!" "Celestial, baba!" I mimicked him. "Ayoko! Bakit mo ako inuutusan?" "Talaga ba'ng gusto mo masaktan?" Aniya. Tumaas ang kilay 'ko. "Bakit? Sasaktan mo ako? Go on! Pisikalan na 'eh! Alam mo bang nagka-pasa ang balikat 'ko dahil sa pinaggagawa mo-" "Wala akong pakialam! You're a terrible person! Papatayin mo ang aso and you don't have any manners. Tinakwil mo pa ang sarili mong ina-" "Tangina, you don't know anything! Shut the f**k up!" I hissed at him. "Talking about manners? Apply it to yourself-" "Puta naman! Talaga bang hindi ka baba?" Hinampas nito ang manobela. "Hindi!" Mariing sigaw 'ko. I have so much to tell him and this is a great opportunity! To piss him off and get back. "Okay. Umalis na tayo," he said in finality. Inayos nito ang sarili sa driver's seat at ready na talaga! Bahagyang nanlaki ang mata ko at kinabahan. I can't go! Isa ako sa leaders at guidance doon! At labag 'yon! Nagulat ako ng paandarin nito ang kotse. "Javier!" Humawak agad ako sa pintuan. But. ..it's f*****g lock! Paano 'to?! "Javier!" I warned him. Seryoso ba siya? Tumawa ito. "Tapos ngayon, aayaw-ayaw ka?" "Oh, come on! You stupid! Iiwan mo si Candy?" Saglit itong natigilan. Nag-isip ng malalim. Sinubukan 'kong buksan ang pinto para makalabas, pero wala talaga. "Javier, open the door!" Bumalik ang tingin nito sa'kin. "What? Ayaw mo umalis, diba? Sumama ka na lang sa'kin," nang-aasar na aniya. Napanganga ako sa ginawa nito. Talaga bang marami pa siyang katarantaduhan na baon? Hindi ko na kinakaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD