Galit na sinugod ko ang classroom nila Javier noong lunch time.
"Hey!" Nakasalubong ko si Jameson.
I licked my lip and stopped. Wrong timing naman ang baby ko. Inayos ko din ang busangot kong mukha dahil nakakahiya naman kung busangot ako 'no!
"Hello," bati ko pabalik at inayos ang buhok.
"Nagmamadali ka? Saan ka pupunta?" Tanong niya at ngumiti.
Ang ganda sana ng araw ngayon kung hindi ako badtrip sa magaling niyang kapatid. Ayoko na lang mag-talk sa ginawa ni Javier.
"May aayusin lang na problema..." I told him and smiled.
Tumango-tango ito. His face turned serious. "Too bad... I can't help. May kailangan pa akong gawin..."
Wala naman akong sinabi na kailangan ko ng tulong niya. Ang kulit nitong si Jameson. Ang bait pa! Bakit ba sobrang opposite niya sa kapatid?
Baka mamaya ampon lang ang Javier na 'yon! Nakiki-Castell pa!
"Hindi okay lang... una na muna ako, Jameson. Kailangan ko na talaga tapusin ang kailangan..." I chuckled to him.
Hindi ito nagsalita at tumango na lang. Sign na yon para umalis ako kaya dire-diretso akong naglakad palayo.
"Oh, Ma'am Faith! Sinong hanap natin? Si Javier?" Sigaw ng ibang section. Tuwang-tuwa.
Sanay na nga sila na makita ako dito. Hindi pa ba sawa si Javier sa pinaggagawa niya?
Sawa na ako sumugod sa building nila!
Bwisit na lalaki 'yon! Nagkapasa ang balikat 'ko dahil sakanya! Syempre, hindi pwedeng hindi ako makaganti sa pangit na 'yon!
"Where's Javier?" I said. Natahimik at natigilan naman sila. "Where is he?!" I shouted.
Mga bingi?
"President!" Bati nila. Hindi ko alam kung bakit president ang tawag ng lahat sakin sa school—but I am fine with it.
"Si Javier?"
"Uy, si Javier daw tol..." Nagtutulakan pa sila kung sino ang magsasabi sa'kin. Nakakainis!
May sumagot sa wakas.
"May ka-date ata doon sa kabilang building!" Sigaw noong isa.
Tumaas ang kilay ko. Ah talaga? Ang saya naman ng buhay ng lalaki na 'yon? Pinisikal niya ako!
Kasama daw nito si Candy. I almost hissed in annoyance. So, saan 'ko hahanapin si Candy? This is so. ..annoying! Nakaka-bwisit talaga ang lalaking 'yon!
I can't believe that he pushed me for that dog! Hindi kaya ay ganti na niya iyon? Kasi ako ang sinisisi niya sa video? So, pisikalan na?
Ganito lagi ang nangyayari, araw-araw ay hinahanap 'ko si Javier pero hindi 'ko siya ma-tiyempuhan dahil kasama nito lagi si Candy! Gusto ko na pilipitin ang kamay ni Javier dahil sa ginawa niya sa'kin, pero hindi ko naman ito mahagip!
"President! Ayos ka lang?" Tanong ng isa kong kaklase na mapansin na masyado akong busangot. Nagkamali pa ako sa recitation!
"Yeah... Okay lang."
Ano bang ginagawa nilang dalawa? Hindi ba sila nagka-kasawaan? Habang patagal ng patagal ang pagkikita naming ng bwisit na 'yon-lalo akong naf-frustrate. Nakakagigil!
Syempre, ayoko naman araw-arawin ang building nila Javier. But God knows how much I wanted to go there and strangle Javier's neck.
At habang hindi 'ko pa nakikita ang gago, his brother Jameson is asking me out for lunch. The news Jameson and I dating is everywhere in university. Pero ang iba ay hindi gusto ang ideya dahil ship daw nila ako kay Javier. I don't know what ship means though.
"Ay bakit si Jameson ang gusto mo, Faith?" Tanong noong kaklase ko.
Napangiwi ako dito. Hindi dahil pakialamera siya o ano. Pero obvious ang sagot masyado! Everyone knows how great that man is!
"Duh teh, Jameson na, ayaw pa?"
"Mas trip ko si Javier para kay president..."
Nangilabot ako. Si Javier at ako? Baka sumabog ang mundo o lugar kung kaming dalawa lagi ang magkasama. Tsk. Yuck!?
I am having my lunch with Jameson in cafeteria. Gusto sana namin sa labas but we don't have enough time so dito na lang. Ang ayoko lang talaga dito ay ang mga chismosa at inggiterang nakatingin sa'kin.
"Hey. .." si Jameson. He looked worried so I smiled at little. "What's the problem? Mukhang malalim ang iniisip mo ulit."
"Ulit?" I asked. Anong ulit? Hindi naman ako problemado.
"Yes. Mukhang may pino-problema ka araw-araw. What is it?" He asked.
Oh... si Javier.
Ngumiti na lang ako. Hindi 'ko naman pwede sabihin na iniisip 'ko kung paano gagantihan ang kapatid niyang si Javier; na nanggigil ako sa kapatid niya dahil pagaling na 'tong pasa 'ko-hindi 'ko pa siya nakikita! Sasampalin 'ko talaga ang lalaking 'yon! Ayokong mauna sa mga away-para hindi ako mag mukhang papansin o pathetic. Pero ngayon, bahala na! Masasampal 'ko talaga siya!
''Faith?" Tawag ulit ni Jameson. I just smiled and said it's about school. He giggled before starting a new topic.
After lunch, I feel very gloomy again. Oh-no. Pakiramdam 'ko ay naging mapakla ang mga araw 'ko dahil kay Javier-simula noong itulak niya ako. I mean why would he push me so hard for that dog? Paano kung may matalas na bagay doon at ikamatay 'ko? I clenched my fist. Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi 'ko pa nakukuha ang ganti sakanya!
"The f**k is this!?" Dabog 'ko sa lamesa ng makita ang napakaraming papel. Nakakapang-init ng ulo! Bakit ang dami 'kong gagawin bigla?
I have to study dahil ako ang representative ng school sa Mathematics Era this week!
"President!" Tawag ni Suzy. Mabilis 'ko siyang nilingon at tinignan. Napaatras naman ito. "Ano. .Ma'am ano 'yan. ..para sa darating na school trip. ..Two weeks na lang 'eh. .."
Napapikit ako dahil sa inis. Pakiramdam 'ko ay natatambakan ako! This is so annoying!
"President. ..ayos ka lang?" Tanong ni Suzy. Mabilis naman akong tumawa dahil sa napakatanga nitong tanong.
"Vice President, mukha ba? Alam mo naman na ayokong natatambakan?" I almost hissed. Napangiwi naman ito pero hindi 'ko na lang siya pinansin. Bakit ang dami naming gagawin?
Should I retire as the President? Kung tutuusin, I don't want the title pero kasali si Candy. I just want to piss Javier then. He's telling me to back off pero ayoko nga! Hindi 'ko naman akalain na mananalo ako.
Pagkatapos ng araw sa school ay muli akong umasa na makakasalubong 'ko ang ulupong. I am with his brother right now. I want to ask Jameson about Javier whereabouts but I think he doesn't have any idea too.
After school, lagi 'ko ng kasabay si Jameson. Wala namang kaso 'yon.
"Should we have dinner?"
"No, Jameson. I am still busy. Nagre-review ako para sa darating na Math Era." I rejected. He laughed.
"Ang talino mo talaga."
"Thanks!"
Habang naglalakad ay muli 'kong naalala ang pangungulit ni Javier. Nab-bwisit talaga ako sakanya! Nasaan na ba siya ng masampal 'ko na? Ilang araw 'ko na siyang iniisip!
Mabilis akong napahinto.
"Faith?" Jameson asked.
I just realize that I am always thinking of that jerk! Agad akong napanganga at hindi makapaniwala sa sarili. Oh my, Celestial! Oh my! But I am thinking of him because I wanted to get even! I just wanted to get even! At talagang bwisit ako sakanya!
May humawak sa kamay 'ko. It's Jameson. Mukha itong nag-aalala. Napangiti naman ako para mabawasan ang kaba sa mukha niya. Jameson naman, ako lang 'to.
"Are you really okay?" Muli nitong tanong. "Ilang araw ka ng ganyan. You're spacing out. What's bothering you?"
"Nothing. .." It's just your brother who's f*****g me up. "Seriously. Nothing. Kinakabahan lang ako at nap-pressure dahil ang daming laman ng table 'ko sa office. It's stressing me. Ayokong natatambakan." I smiled at him.
Mukhang hindi na ito naniniwala pero tumango na lang. Hinatid ako nito sa sakayan. Anyway, hindi 'ko naman siya hinayaang ihatid ako sa bahay dahil nakakahiya at baka makita pa siya ng pakialamera 'kong nanay. Hindi naman siya namimilit kaya maayos kami doon.
"Anak?"
Napailing na lang ako ng marinig ang pagtawag. Sinabi 'ko naman kanina na hindi ako kakain. Paulit-ulit talaga! Lumabas ako ng kwarto para sana sabihin 'yon.
"Anak!" Ngiti pa nito. "Nakasalubong 'ko ang kaibigan mo!"
Mabilis kumunot ang noo 'ko at kinabahan. Kaibigan? Sinong kaibigan? Wala akong kaibigan!
"Hindi ka daw niya makita kaya pinapunta 'ko siya dito." Maligayang balita pa ng nanay 'ko.
"Hello." Nanlaki ang mga mata 'ko ng makita ang matagal 'ko ng hinahanap. Napamura ako ng malutong.
What the f**k is happening?
"Hi, Celestial. Ang bait ng Mama mo." May diin sa bawat salita nito. Lalo na ang salitang 'Mama'. Puta!
Hinila 'ko si Javier papasok ng kwarto. Mabilis naman akong sinuway ng nanay 'ko pero hindi 'ko ito pinansin!
What the f**k is he doing here?! Tinignan 'ko lang si Javier na nakangisi ngayon habang nililibot ang tingin sa kwarto 'ko. Nagsimula ito maglakad. Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito. Na para bang wala na akong palag kay Javier and it's really. ..frustrating. Anong binabalak niya? Hindi pa nga ako nakakaganti. ..
"Woah. Your room is very fancy. Dito pa nakalagay ang router."
Nilingon 'ko siya at nakita 'kong kinakalikot nito ang router. Lumapit ako sakanya at tinabig ang kamay nito.
Nanlaki ang mata nito at ngumisi. "Ang ganda dito. Mukhang hotel room sa gitna ng tondo. Naka-aircon pa." He giggled.
"What do you want?" Hindi 'ko alam pero nagsisimula na mag-init ang mata 'ko. f**k, of all people why him?
This is very. ..frustrating.
"What? Saan mo nakukuha ang pambayad dito? Kay Daddy? Kuya?" He laughed.
"f**k you. Si Mama ang nagbabayad."
"Mama?" Gulat na sabi nito. "Yung Ale sa labas? Akala 'ko ba hindi mo nanay 'yon?" Napatakip pa ito ng bibig.
I bit my lip. Sobra ang nararamdaman 'kong galit pero walang lumalabas sa bibig 'ko.
He's acting shock. He's full of sarcasm. Inaasar ako nito at ito ako, walang magawa kung hindi hayaan siyang ganituhin ako. I feel so little. f**k him.
"Ay. Tinanggi mo yung sarili mo'ng nanay?" Napangiwi ito. "What a terrible person."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Lumayas ka!" Hinila 'ko ang polo nito.
Lumabas ako ng kwarto at hila-hila ang polo nito.
"Nako, anak!" Nanlaki ang mata ni Mama.
"Nako po, okay lang. Sanay na ako sa anak niyo!" Tawa pa ni gago.
What's funny? Does he really think this is so funny? Sabagay. Ako na ngayon ang mukhang kawawa. Pathetic. This one would be my greatest downfall.
Hinila 'ko siya palabas. "Wag ka ng babalik dito."
Nag-iinit na ang pisngi at mata 'ko. I don't like this feeling. I feel so little. Talong-talo na ako kay Javier!
"Bakit naman? Close na kami ng Mama mo!" Ngisi niya. "Kaya pala ang lutong mo magmura, batang tondo ka pala." He laughed again.
Ang saya-saya nito. Gusto 'ko siya batuhin ng bato, pero baka pag sinimulan 'ko-bugbugin siya ng mga tambay dito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw 'ko sakanya. Nainis na ako at umiyak. Dahil sakanya, may pasa ako. Dahil sakanya, masisira ang image 'ko! Dahil lang sakanya!
At hindi ako makaganti o makapagsalita manlang dahil I feel corner!
Nanlaki naman ang mata nito. Unti-unti nabura ang ngiti nito bago ilapit ang mukha sa'kin.
"Bakit ka umiiyak?!" Lumingon siya sa ibang tao. Nakatingin na ang mga tambay sakanya. "Celestial, wala akong dalang sasakyan baka mabugbog ako sa daan-"
"Bahala ka sa buhay mo!" I hissed. Pero hinawakan nito ang balikat 'ko at inilapit sakanya. He's towering over me at lalo akong napahagugol.
Kung hindi 'ko siya magagantihan, hahayaan 'ko siyang mabugbog sa kanto.
"Hey, don't cry! Maraming nakatingin!" He said. Kabado. "Hindi 'ko naman ipagkakalat. Huwag ka ng umiyak. Bakit ka ba umiiyak?" Nagpa-panic na ito.
Napangiti ako. Lalo 'kong nilakasan ang iyak. Lalo naman siyang nag-panic at inaalo ako. Sinasabing hindi niya ipagkakalat ang nakita niya.
"Talaga? Ipapabugbog kita pag hindi ka tumupad sa usapan?" Malakas na sabi 'ko.
Kumunot naman ang noo nito. "Huh?"
Napangisi ako. "Thank you!"
Niyakap 'ko siya ng mahigpit. Sa bandang leeg diniinan 'ko.
"Nakita mo 'yang tambay? Ipapabugbog talaga kita pag sinabi mo."
Napadiin naman ang hawak niya sa beywang 'ko.
"Damn you, Celestial. Pwede kitang kasuhan." Bulong niya.
"Your father can bail me out, sad to say."
Lalong humigpit ang hawak niya sa beywang 'ko. Natawa ako sa aking isipan.