After the flag ceremony, I announced the upcoming school trip. Mga three weeks pa bago mangyari ang school trip, pero naririnig ko na ang usapan at paghahanda nila na parang bukas na iyon.
"President! Excited na po ba kayo?" Tanong ng iba sa'kin habang naglalakad.
Nginingitian ko ang mga ito at tinatanguan. Of course! It's something that to look forward!
Ang mga araw na lumipas ay tahimik para sa'kin.
Dahil iyon kay Javier. Hindi pa kasi ako nakakaganti sakanya. Akala niya ba talaga ay papatalo ako?
Napatingin ako sa pinadalang video sa'kin. Napangisi ako. I thought she loves Candy endlessly? Bakit parang hindi naman? Sa video pa lang, mukhang nag-eenjoy si Javier sa grinding session niya-kasama ang ibang babae. Woah.
Of course, I posted it somewhere. Isang oras lang ang lumipas ay pinagp-pyestahan na ang video na 'yon. I even saw someone tagging and mentioning Candy. Yes, that's right mga chismosa do your work.
Again for the first time, I slept with satisfaction. Napangiti pa ako at tumawa.
Men and their words.
Unang tapak 'ko pa lang sa gate ng university ay hinila agad ako ni Candy.
Medyo nainis ako dahil sa paghila niya-but that's okay.
Nagmukha siyang kawawa dahil kay Javier kaya't naiintindihan 'ko siya. Galit na galit ito sa'kin habang ako naman ay kalmado ko siyang tinignan.
"You..." Singhal nito.
"Oh?" Hamon ko dito. Nang-iinis. Hindi naman talaga dapat ako maghahanap ng away today. Pero wala lang.
Ang kulit-kulit kasi niya tignan. Nakakatawa. Kung gusto niya pala si Javier, patusin niya na hindi ba? Hindi iyong nagseselos siya dahil sa'kin!
I saw that everyone is entertained. Parang nasa teleserye kung tignan nila ako. Then I saw Suzy in the crowd, worried. Ngumisi lang ako sakanya. Bakit ba parang hindi nasanay si Suzy?
"Ikaw!" Aniya bago hawakan ang braso ko para hilahin. Ano ba 'yan ang drama!
"Anong ako? Anong ginawa ko?" Maang ko dito. Ayaw pa diretsuhin!
Hinila lang niya ako sa likod ng bleachers.
"Presisent!" Tawag ni Suzy sa'kin. Hahabol pa sana.
"Diyan ka lang!" Sigaw ko sa kaibigan. Syempre, ayoko siyang madamay sa gulo.
Tinignan ko ang takong ng sapatos. Buti at hindi natanggal. Nakakainis hila ng hila!
Baka bumigay na kasi dahil sa paghila niya. Pagbabayarin 'ko talaga siya pag nangyari 'yon. Mura lang kasi ang sapatos na 'to pero pwede dumugo ang ulo ni Javier dito pag pinukpok ko sakanya.
Nang magkaharap kami ay doon ko napansin ang masama niyang titig sa'kin.
"Is that true?" Candy is so dramatic. Iyon pa lang ang nasabi niya ay naluluha na agad ito.
"What? True?" I denied. "I'm a busy person, Candy. Why did you drag me here—"
Lalong namula ang mukha ng babae at hindi manlang ako pinatapos sa pagsasalita.
"Stop lying!" She hissed. Oh my, is she serious? Grind lang ang nakita niya, akala mo nag-cheat na sakanya? "Is that e-edited?" She stutter.
Napangiwi ako at tinignan ang kawawang si Candy. Is she even serious? Talaga bang tanga siya at kumapit sa iniisip niyang edited iyon?
I sighed in disbelief. She is hopeless! Kung ako sakanya, itali niya si Javier! Malandi ang lalaking 'yon!
Nginisian ko si Candy na mukhang bibigay na sa iyak.
"I don't know—mukha ba?" I said again. "Are you talking about that grinding video?" I said, acting like I have no idea.
Tumango ito habang nakayuko. I didn't expect she will cry like this. Akala mo ay s*x video ang nakita niya. I thought she will get angry because I made another scene. Ganon.
Iyong tipong ipagtatanggol niya si Javier ulit kasi binangga ko na naman.
At isa pa, mukha talaga siyang may feelings kay Javier. Aba, kung mayroon, bakit hindi niya pa sinasagot ang lalaki? Why is she crying over a grinding video? Tsk.
"That's not edited." I said. "Why don't you ask Javier? He knows better. .." I said.
Natigilan si Candy sa sinabi ko at nag-angat ng tingin. Ayan, girl. Makinig ka sa'kin. Magsama kayo ng pathetic mong lalaki.
Paglabas 'ko ng bleachers, I saw a lot of students who's peeping. Mukhang nag-aabang ng mangyayari. Hay nako. Kung hindi ko lang close si Mr. Castell ay baka matagal na akong kick out sa university na 'to. Nginisian 'ko lahat ng estudyante.
"Ano pang hinihintay niyo? Wala kayong klase?" I said casually. Mabilis naman nawala ang mga chismosa.
Kainis eh... Nakikisawsaw pa.
After the classes, dumiretso na ako sa office to do some paper works. Ang dami ko pang gagawin pero it was fun.
I smirked while working. Malapit na matapos ang kaninang tinitignan ko na nakatambak. I've never feel so satisfied. Ngayon lang ulit.
"Ah. .." Rinig 'ko kay Suzy. Mukhang nag-aalangan na may sabihin.
Agad akong nag-angat ng tingin. Tinaasan 'ko ng kilay si Suzy.
"Bakit?" May nangyari bang hindi maganda? She looks hesitant.
Napalunok ito at binigay lang sakin ang kadugtong ng school works. What's up with Suzy? Mukha siyang takot. The sun is very bright and warm. Everything feels light. Pero mukha siyang hinahabol ng multo.
Isa pa, ang ganda ng araw ngayon para magmukhang lugmok!
Nginitian 'ko si Suzy. Para ipakita sakanya na kung ano man ang sasabihin ay okay lang. Minsan talaga ay hindi naman ako nagsusungit—pero lagi akong pinagkakamalan dahil sa mukha ko.
"Bye na President!" Mabilis itong umalis.
Napasimangot naman ako. Bakit hindi umubra ang ngisi ko? Dahil na naman ba 'to sa ngiti 'ko? Ang Javier na 'yon! Kasalanan niya 'to! I am now conscious with my smiles! Unlike before!
Kinuha 'ko ang salamin at nginisian ang sarili. I am practicing how to smile these days. Baka ma-turn off si Jameson sa'kin.
I sighes. Bakit ang creepy ko ngumiti? Bakit mukhang pilit?
Inayos ko pa lalo ang labi. I never thought that smiling was this hard.
It's already four in the afternoon when finally Javier barged into my office. I smiled at him.
Dahil kasalanan niya ang lahat ng 'to, siya ang sasampolan ko.
"What do you need?" Tanong 'ko. Maganda din palang ngumiti sakanya ngayon! Hah!
Javier is very mad. His neck is red and gritting his teeth. Idagdag pa ang nakakapaso niyang ngiti. Ngumuso ako. Buti nga sayo, you slutt.
"Where did you get that video?!" Sigaw niya. Aba, dito pa siya nagsisisigaw sa opisina? Siya nga buong araw na nasa isip ko dahil sa insulto niya sa mga ngiti ko!
Nainis naman ako at tumayo.
"Video? What video?" I crossed my arms. I actually don't know who sent it. Lahat ng video, kahihiyan at balita kay Javier ay binibigay sa'kin through email. Maybe that person wanted to drag Javier down-or magkakampi kami?
"You know what I am talking about, Celestial!" He said, very frustrated.
Napaawang naman ang labi 'ko. I am not a deaf, why is everyone shouting so much? Umupo na lang ulit ako at nginisian siya.
"Hindi 'ko alam 'yon, Javier. Nangsisisi ka na naman ng walang sapat na ebidensya."
Napatingin ako sa isang document at may naalala. Ipapasa 'ko pala iyon sa Architecture department. Tumayo ako at nagligpit.
Wrong timing naman siya kung sumugod. Dati naman ay maaga itong naghahamon ng away. Pero si Candy ang sumalubong sakin ngayon, hindi si Javier.
Hinila pa ni Javier ang kamay 'ko para pigilang umalis pero pinanlakihan 'ko siya ng mata.
"Don't touch me. Pag nahatid 'ko 'to tsaka ka magsalita. Why are you so late anyway?" Talagang ihahampas 'ko sakanya lahat ng papel pag sumabog iyon.
Naalala 'ko dati, may hawak akong sandamakmak na folders at ang gagong 'to ay ginulo ako. Dahilan para magkalat ang bitbit 'ko. Kaya ang ginawa 'ko noon, sinampal 'ko sa pisngi niya ang natirang hawak 'ko. Namaga ang mukha nito at hindi na inulit ang ginawa. Hindi na siya nanggugulo pag alam niyang may ginagawa ako. At bilang ganti, hindi 'ko na din siya ginugulo pag exams. Ginugulo 'ko rin kasi siya noong exam at napagalitan ako ni Mr. Castell.
That's our rule. Kapag may ginagawa, huwag pa-epal.
"Are you serious? We are talking, Celestial!" Tila hindi makapaniwala na iiwan 'ko siya ngayon.
Nakalimutan 'ko ang aking bag. Uwian na pala at after nito ay wala na akong gagawin! Binalikan 'ko ang bag sa office at hindi pa 'rin pinapansin ang asong sumusunod. Can't he talk tomorrow?
Hindi 'ko pa rin ito pinansin at hinayaan na lang siyang sumunod sa'kin. He looks frustrated and kawawa eh.
"Celestial!" He shouted. Pumasok ako sa office ng isang dean at inilapag ang files.
Mabilis akong lumabas doon at sinalubong agad ako ni Javier.
"What? Wala 'kang makukuha sa'kin, Javier." I smirked. Napangiwi naman ang gago.
At ano bang inaarte niya? Naggagantihan lang kami. Yes. Susugurin naman ang isa't-isa ng may galit. Pero hindi iyong ganito. He's being dramatic!
"Why did you have to do that? You hurt Candy!"
I cringed. "Bakit parang kasalanan 'ko pa? Who hurt her? Me? Ako ba ang nakipagkiskisan 'don-"
"Shut up!" He shouted. Napaawang na lang ang labi 'ko dahil sakanya.
"Galit ka sa kapalit ng ginawa mo? Oh my god, get a room next time and make sure na walang camera na nakatutok sayo."
Naglakad na ako pero mabilis niya akong hinila pabalik sakanya. Nagkatinginan kami.
He looks hopeless-this is the first time I saw him like that. Ayoko sa drama!
Tamad na tinignan 'ko si Javier.
"Hurting Candy is a different matter!" He said. Napangiwi ako at tumango na lang.
"Sige." Sabi 'ko na lang.
"Let's talk, Celes-Where are you getting the videos? Are you stalking me?" Nanliit ang mga mata nito.
Napatabingi ang ulo 'ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Stalking him? Sa lahat ng insulto na pwede nitong sabihin-iyon na ata ang pinaka nakaka-offend.
Dinuro 'ko siya. "Marami akong ginagawa, Javier. Wala akong oras para bumuntot sa'yo."
Mabilis niyang hinawakan ang kamay 'ko. "Don't do something-lalo na if Candy will get hurt. Away natin ito-"
Mabilis 'kong tinabig ang kamay niya. Gumapang sakin ang inis na hindi ko alam kung saan galing. Candy, huh? Sa lahat ng away namin, hindi siya nagpakita ng ganitong ka-kornihan. Nakakainis.
"Stop talking to me. We're even. Gumanti lang ako, Javier."
Nauna na ako umalis pero sumunod pa 'rin siya. Nangangati na ang kamay 'ko na kunin ang suot na takong, pero nasa labas na kami ng university.
"But Candy is a different story!"
Nasa kalsada na kami noon at paulit-ulit niyang sinasabi na ibang usapan si Candy. Paulit-ulit 'ko ring pinapakita na wala akong pakialam.
Pumasok ako sa convenience store at bumili ng coke. Ganon 'din siya. Pero nagsasalita pa 'rin. He's saying na kung alam 'kong masasaktan si Candy sa gagawin 'ko-huwag 'ko daw ituloy ang mga balak.
How dare him?
Napatigil ako ng makakita ng nangangatog na tuta. Mamatay na 'yon. Nasa gilid siya ng kanal.
Sisipain 'ko sana siya para tumigil na sa pag-iyak.
Nagulat ako ng may tumulak sa'kin ng malakas! Puta! Napahiga ako noon sa semento at tumama ang balikat 'ko sa bakal!
"What the f**k, Celestial?!" Galit na galit si Javier habang yakap ang maputik na aso. "Anong ginagawa mo?!"
"f**k you too!" I shouted on him. Sumakit ang balikat 'ko dahil sa pagtulak niya! Nakakaputa! Anong problema niya?!
"Murderer!" Sigaw niya. "Talaga bang ubod ng sama iyang ugali mo at itutulak mo sa kanal 'yong aso!?"
Nanlaki naman ang mga mata 'ko. Murderer?!
"Murderer? Excuse me, that dog is almost lifeless! Tatagal pa ang pagiging kawawa niya-"
"Shut up you f*****g freak!" tumayo ito at dinala ang aso sakanyang bisig.
Tinignan niya ako ng masama bago talikuran. Nagsimula na siyang maglakad palayo sa'kin.
"Javier!" Seryoso, iiwan niya ako? "Javier!" I hissed pero hindi pa rin ako nililingon ni gago.
Gusto ko siyang batuhin ng sapatos pero hindi 'ko magawa dahil sa sakit at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya! Seriously?! Tinulak niya ako para sa asong 'yon?
Para sa isang aso lang nanakit siya ng tao!?
Hindi kaya gumaganti iyon? Talaga? Pisikalan na, Javier?! Napaamang ako ng labi at tumawa dahil sa inis.
"Bwisit! Gago ka!" Napatili ako dahil sa inis. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga tao dito!
Tanginua mo, Javier!