Another date for the month of September! I am smiling, ear to ear while fixing my dress. I wonder kung magugustuhan ni Jameson ang itsura ko. But I am hoping he will! Ngayon lang ulit ako nakipag-date, kaya I am expecting that this day will be so fun and engaging!
Hindi naman boring na tao si Jameson... He have a sense and more. Bukod sa matalino ay mabait pa. Tapos focus pa siya sa study. Nakakakilig. We can make a good couple. Ako na presidente ng student council at siya na isang latin honor student.
I think strong color suits me the best. I am wearing a black flowy dress. Minsan talaga ay nakakagulat na kahit mura, it looks very expensive. Sabagay, ako naman ang nagsusuot. Talagang magmumukhang mamahalin. Bakit ba kasi ako nabuhay sa mundong mahirap?
Hindi ako bagay dito.
Kaya talagang dapat ay galingan ko pa mag-aral so makaalis ako dito sa lalong madaling panahon.
Napangiwi ako ng makita ang reflection ni Mama sa salamin. Ano na naman ang ginagawa niya dito? Nakakairita talaga na makita siya dito! Ilang beses ko na sinabi na huwag lalapit dito! Naman!
"Aba. ..Mukhang may ka-date na naman ang anak 'ko ha," mahinang humalakhak ito. Akala mo naman talaga ay may pakialam siya sakin o karapatan na maki-usisa! Ang kapal ng face!
Napairap ako. "Get out," I sneered on her. Madalas talagang nakakairita ang isang 'to. Ilang beses ko na sinabihan na huwag akong kausapin! Obvious naman na ayaw ko sakanya!
But my mother is just so persistent! Ang kulit! Hindi pa ito na-kuntento sa pagsilip at talagang lumapit sa likod ko para sipatin ng tingin! Mabilis akong lumayo dito at tinignan siya ng masama. Kahit obvious naman na ayaw ko sakanya, talagang ipinilit nito ang paglapit sa'kin!
"Sino ba iyan anak? Baka gusto mo siya dalhin-"
Natawa ako. Nilingon 'ko ang aking ina who's trying to pull something. Ipakilala? Saan ko siya dadalhin? Dito sa maliit na barong namin? At ano? Hayaan makita ni Jameson how pathetic my life is?! Sa tingin ba talaga ng babaeng 'to!"
"Talaga? Dito, Ma?" I laughed. "Ma, nakakahiya. ..ang bahay." At obviously, nakakahiya mismo ang sarili 'kong ina. Sana naman ay makuha na niya ang gusto ko!
Natahimik ito. Hindi na makatingin sa'kin. Buti naman! Nakakainis eh! Makikisawsaw pa! Ngumisi ako sakanya at inilingan ito.
"Ikaw din, Ma... Nakakahiya," walang habas na sabi ko dito at naglagay ng kilay. Male-late pa ako kung kakausapin niya! "May ginagawa pa ako! Wala ka bang gagawin o lilinisin?" Bakit ba kasi siya nakikisawsaw sa bahay ko!? Kainis!
Medyo nairita na ako kasi hindi pa rin umaalis si Mama sa likod. Pinaglalaruan niya ang kamay at mukhang may gusto na naman sabihin.
"Ano ba 'yon?" Iritadong tanong ko dito. Ayaw pa kasi simulan! Nang matapos siya agad dito! Kainis!
"Ah. .." Simula na naman niya. "Kamusta naman siyang lalaki anak?"
"Okay lang. Hindi naman dalawa. Kaya sure akong okay. Hindi ako malilito." I giggled. "Alis na ako." Ngumiti ako dito. Hinarap ko ang nanay na namumutla. Buti nga!
"Alis na ako..." Hagikgik ko dito.
Kinuha 'ko na ang bag 'ko at umalis. Nakakainis, that is what she gets for being a pakialamera! Akala mo naman talaga ay may pakialam sa'kin eh wala naman! Sa una pa lang!
Kung gusto niya magpaka-nanay ngayon, huli na ang lahat! Sinira na niya lahat simula pa lang noong una... Bakit niya ba kasi sinusubukan na bumawi eh wala na nga? Ayoko na sayo, Mama.
I shook my head of at pilit na iniwasan ang masasamang isipin sa mundo. I should be.. positive at least. Hindi ko kailangan isipin ang babaeng 'yon ang ang masakit na ginawa niya sa'min ng ama ko. If I am a sinner for hating someone, ibig sabihin ay mas masahol pa sa kasalanan ang nanay ko dahil sa ginawa niya.
I sighed. Bakit ko ba binabalikan nag ginawa noong babae na 'yon sakin!? Dapat ay ibaon ko na lang ang lahat sa limot dahil nakakaganti naman ako sa galit! Kulang pa nga ang ganti ko, pero okay na 'yon!
I should focus in only one goal at iwan ang nanay ko pagkatapos maging successful!
Saturday ngayon. The sky is kind of dark. I think it will rain. I hope so. Para mas romantic. Nagkita kami ni Jameson sa isang mall. Last time, sa coffee shop. Kahit sa coffee shop lang 'yon, I enjoyed it a lot because he's making sense. Hindi ito nawawalan ng sinasabi. Lalo na tungkol sa pananaw nito sa buhay. What a dream guy I have here.
He's also consistent, patient and sensitive. I couldn't ask for more. Jameson lang, sulit na.
While eating, we talk about our course. He's telling his experience and more. After that, inaya ako nito sa Timezone. Napangiwi ako. Ayoko talaga sana doon, dahil maingay at makulay. Pero napatango na lang ako. I enjoyed it. Surprisingly.
"Medyo masungit si Sir Castro but you can manage, magaling ka naman..." Sabi niya habang pinupokpok ang drums sa palaruan.
Natawa ako. "That was a smooth compliment!"
"Oh, Celestia... That is not even a compliment. That is a fact. Everyone knows how smart you are..." he chukcled.
Natawa naman ako sa sinabi nito at hindi mapigilan na itulak ang balikat niya. We are just busy talking about life and school habang naglalaro. Honestly, hindi ko gusto ang ganitong date. I like to be fancy. Pero masaya pala ang ganito?
Napahinto si Jameson. May tinititigan ito kaya't nilingon 'ko. My forehead knotted. Bakit nakatitig siya sa Tom and Jerry na stuff toy?
"Jerry reminds me of you." Jameson said and I feel very offended. Mukha ba akong bubwit?
"Ah. .." Sinubukan 'kong ngumisi pero hindi talaga kaya ng bibig 'ko. Do I look like a mice or something?
Sino ba namang matutuwa 'don? Jerry? Sa dami na pwedeng ikumpara, sa daga pa? Maraming nagsasabi sakin na maganda ako, at alam 'ko 'yon! Kaya sa lahat ng bagay na reminds him of me, bakit sa daga? Ha! Okay, Jameson. Bawas ka na. Minus ten.
Jameson giggled. Kaya napalingon ako sa lalaki. Anong tinatawa-tawa niya? Nako, Jameson! You are okay with me! Huwag mo ng dagdagan ng insulto o kahit ano ang sinabi mo! Kainis naman!
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit?" Tanong nito. Hindi ba halata na na-offend ako?
Ngumisi ako. "Bakit?" Gusto 'ko sapakin ang sarili 'ko ng sobrang sarcastic ng pagkakasabi 'ko.
Listen, Celestial. You can do this. You're better than this. Huwag natin ipakita ang sungay natin! And I hope he won't trigger it too! Ipagkumpara pa naman ako sa daga?! Bakit kasi sa dami ng ipagkukumpara niya pa talaga ay daga!?
Tumaas ang kilay 'ko ng hawakan niya ang aking siko para ilapit sakanya. Wow. First time niya to make a move ha.
"Si Jerry ikaw. .." Mahinhin nitong sabi. Napairap ako. I pressed my lips together. Kailangan ulit-ulitin? "While Tom is my brother." He said. Ngisi niya
Tinignan 'ko siya. My mouth opened in disbelief. What? Iyon talaga ang iniisip niya? Minus twenty points. Bwisit. Ngumisi ako sakanya kahit naiirita. Kailangan ba talaga banggitin ang pangit niyang kapatid.
"Why is that?" Sabi 'ko. Hindi naman talaga ako interesado kung bakit. Gusto ko lang mapahaba ang usapan namin at para naman sabihin niya na I am a cool person. Pero nakakairita.
"You. .." He laughed. "Halatang ayaw na ayaw mo kay Javier."
Ngumisi ako. Ayoko talaga.
"When did you start to hate him?"
"I don't know? Maybe simula noong past life namin?" Sarkastikong tugon 'ko. Why are we talking about him? We're dating! We should talk about us!
Muling tumawa si Jameson. Iisipin 'ko na lang na masaya siya sa piling 'ko. Ayokong isipin na nang-aasar siya.
"You two. ..are close."
Natigilan ako.
"Yes. I know you. You're his friend."
Kumunot ang noo 'ko. "Friend?" I laughed.
"Yes. Childhood friend." Si Jameson.
Napanguso ako at tumingin sa paligid. Tinuro 'ko ang stuff toy sa crane machine. "I want that."
Jameson smiled. "Wow. For the first time, may nasabi ka ng gusto mo."
Ngumiti ako.
"Okay. I'll get it for you. I'll get some balance." Tumango ako bago siya umalis sa harap 'ko.
He knows me. Woah. Bahagya akong napangisi at naalala 'rin ang mga nangyari noong bata ako. Yes, that's true. I befriended him. Javier and I are friends. Dati.
"Hi!" Magiliw na bati 'ko sa batang lalaki. Kumunot ang noo nito.
"Who are you?"
"Anak ako ng friend ng Papa mo!" I said. "Do you want to play?"
"Play?" Nagtatakang nakatingin ito sakin. He looks very charming and innocent. Napangiti ako at tumango.
"Why do you want to play with me?" Tanong pa niya.
"Kailangan ba may dahilan?" Mukhang naguguluhan ang tingin sa'kin ng batang Javier noon. Like he couldn't get it or catch what I've said. "We just play. ..Ayaw mo ba?" Napasimangot ako. Ang arte.
"No! Let's play! Don't take my toys." Then he hugged his robot. I pout. I don't like robot anyways.
"Why would I take it?" Sinimulan 'kong bumuo ng bahay gamit ng lego. I'm excited.
"No! Don't put that!" I smiled when he started to correct my moves. Wow.
"You're good!" I said.
"Really? Don't take my toys."
I giggled. "Yes of course!"
"Hey!" Nagulat ako ng may humawak sa balikat 'ko. Jameson laughed. "Mukhang malalim ang iniisip mo."
"I have points!" Balita niya. Ngumisi ako. He started to play the crane machine. Natatawa ako sa tuwing hindi niya nakukuha iyon ng maayos.
"Hey!" Hinila 'ko ang braso ni Jameson. "Tama na 'yan. Mauubos lang ang pera mo!"
At isa pa, I don't really like stuff toys. Magnet lang sila ng alikabok. Nakakabahing.
He put his hand on his chest. "Sakit non ha!"
"Let's eat again. Nakakaubos ng energy." I almost thought he is perfect. I guess, he's not. Hindi para sakanya ang crane machine.
Jameson laughed. Napangiti ako.
"Are you two dating?!" Tanong ni Ara. Kaklase 'ko. Why she's even asking? Like Ma'am? Are we even close?
Ngumisi ako. "I don't know." Yes we are. But I won't talk unless Jameson is the one who tells.
It's been a month and a half, since Jameson and I started dating. Also, month and a half since I forgot my revenge against Javier. ..Ano kaya ang magandang ganti sa isang 'yon?
Habang naglalakad ay nakita 'ko si Javier, kasama ang pabebeng si Candy. Tumaas ang kilay 'ko when they both laughed. Nakakairita. I don't want to make a fuss though. Dapat ay hindi ako gumawa ng ikakasira ni Javier. Dapat siya. He's reckless anyway. Kaya hindi siya nawawalan ng issue. I'm just making his name stinks, walang kalat na natatago si Javier dahil sa'kin.
Nang magkasalubong ang tingin namin ay nawala ng dahan-dahan ang ngiti nito. Doon 'ko siya nginisian bago talikuran. After this week maybe, I'll get my revenge. Prelim ngayon at mas mahalaga ang pag-aaral 'ko kaysa inisin ang pangit na yon.
"Ano bang problema mo?" Isang araw ay hinigit ako ni Javier papuntang likod ng building nila.
"Javier, wala akong problema." Hinila 'ko ang kamay 'ko sakanya. "Don't start."
"Tigilan mo nga 'yang kakangisi mo!" He hissed. Tumaas lang ang kilay 'ko.
"Why?" Ngumisi ako bago mag-angat ng tingin sakanya. "Natatakot ka ba?" I giggled.
"Freak." Aniya.
"You're scared already?" Lumapit ako sakanya. Napaatras naman ito. "Wala pa nga akong ginagawa. .." Nginitian 'ko ang lalaki.
"Just stop smirking! Ang pangit!" Sigaw niya. Mabilis siyang umalis kaya naman natawa na lang ako. Duwag!
But what? Ang pangit ng ngiti 'ko? That damn b***h have really have a way to get in my nerves! Pangit ba?
Kumunot ang noo 'ko at napahinto sa paglalakad. Come to think of it, Jameson didn't tell yet that I have a beautiful smile!
No one actually did!
"Ayan na." Dinala ni Suzy ang documents na kailangan para sa intrams. I thank her.
Pero ng may maalala, I called Suzy. I smirked at her. Napangiwi ito. Napangiwi siya!
"Why like that?!" Napatayo ako sa aking silya dahil sa reaksyon niya sa ngiti 'ko.
"H-Ha President? W-Why like that?"
"I smiled! Why did you cringed?!"
"Nako po, Ma'am President! Mukha lang kayong may masamang gagawin!"
"Ano?!" Nanlaki ang mata 'ko sa sinabi ni Suzy.
Masamang gagawin?! What, what?! Talaga bang pangit ang ngiti 'ko?
Talaga ba?
Mabilis namang tumawa si Suzy at parang siraulo at nagpaalam umalis.
What the f**k?
Hinugot 'ko ang salamin sa aking gilid. Nginitian 'ko yon pero agad akong napasimangot at na-bwisit. Ang Javier na 'yon!