“Javier, hindi ko nga ‘to kaya?! Paano kaya kung dumiretso na lang tayo ngayon doon sa probinsya at hanapin ang matandang ‘yon, at lumuha ng dugo!?” Bulyaw ko sa lalaki habang tinititigan siya ng masama.
Pinipilit kasi ako to do this kicking and all! Kanina pa niya ako pinapasipa ng bola na sadyang hindi ko talaga kaya!
"Umuwi na tayo!" Sigaw ko dito.
"You cannot just go na hindi mo nashu-shoot sa goal ang bola!" Utos nito. "Celestial ha, ikaw kinukurot mo ako tuwiny hindi ko nakukuha ang sagot sa exams mo! Ikaw, walang kurot-kurot, unli ka nga para makuha mo! So do it while I am being nice!"
Pinandilatan ko siya ng mata. "Bakit kaya hindi ikaw ang gumawa?! Sige nga, tignan natin kung kaya mo!?" Sigaw ko dito.
"Fine!"
"Akala mo ang dali-dali?!"
Tinignan ko siya ng masama dahil ang yabang niya. For the first time natuwa ako sa cute at fragile kong katawan dahil umaasa ako na hindi niya kakayanin iyong pag sipa.
He stretched my body first. Tapos maya-maya ay ipinuwesto niya ang bola sa harapan.
"Look carefully!" aniya.
Mabilis at malakas ang naging pagsipa nito. My mouth hang open in disbelief when it entered the goal.
The hell!?
"See?" Mayabang na aniya.
So this is why he is the captain.
"Now, do it. Paano kung kurutin ko din ang pisngi mo when you cannot enter the goal?" Natatawang aniya.
I glared on him. "Don't be heartless... Nakakapagod na nga 'tong inuutos mo... Tsk!"
Wala akong nagawa kung hindi ang sipain ang bola patungo sa goal. It was countless! I swear, binugbog ko ang katawan para maka-goal, pero wala talaga!
"Javier..." Hinihingal na tawag ko.
"Try it again..." Pilit pa ng lalaki.
No way! Jusko!
Napaangat ako ng tingin at tinignan ang langit. The clear night sky somehow comfort me, but nevertheless, banas pa rin ako sa lalaking namimilit.
"Eh sa hindi ko nga kaya... Can't you see? Pagod na ako..." Mahinang bulong ko habang nakatingin sa langit.
Tapos bukas ay may mahalaga kaming event—ang exam ko sa labor relations na ite-take niya.
Tinignan ko ito. "Bakit ka nga pala nandito?! Are you not busy too?! May exam ka bukas ha! Balak mo ba ibagsak 'yon!?" Singhal ko sakanya.
Bumagsak ang balikat niya at inilingan ako.
“How can you say na hindi mo kaya, eh you’re not even trying to do good!” Aniya. "Isa pa, stop changing the topic! God knows how we studied so much for that subject matter so let's stop talking about it!"
Tama. Ilang araw na naming pinag-uusapan ang subject na 'yon and I will strangle his neck if he failed it.
"Pag 'yon talaga binagsak mo..." Bulong ko.
"I am not! Ikaw, ibabagsak mo ako sa soccer talaga!" Duro niya sakin.
"Hindi ko nga kasi kaya 'to! Paulit-ulit, Javier?! I never played soccer in my whole life! Kung ikaw oo, ako never!"
"You are not even trying to do your best!" Sita nito sakin.
That hurts ha! Nakakainit ng ulo na marinig iyon sakanya dahil hello?! The amount of effort I did para lang sa pesteng soccer na 'to at makuha ko ang bola!
Tapos not best?!
"I am kicking the balls naman!? Ang kapal ng mukha mong sabihin na I am not trying my best?!" I hissed on him.
"But you are not! Really! Mukha kang may sakit pag sisipa ng bola!" He jump on his feet because of our argument. "Galingan mo naman!"
Napatigil ako at saglit na binasa ang labi. Well... Tama siya doon. Pero ayoko! Bakit ko gagalingan?! Magpapagod pa ako eh babalik naman ako sa dati!
"Why are you not trying? Tsk..." Bulong niya. Naiinis din.
Masama ko itong nilingon.
“Eh kasi nga, alam ko na it will turn to worse!” Ganti ko sakanya. “Alam mo, inuuto mo lang talaga ako kanina kaya mo ako pinasama! Hayop ka!”
Humalakhak ito kaya mas lalo akong nainis.
9PM na at nandito pa rin kami ni Javier sa field ng school, hindi pa rin ako tumitigil kakasipa ng bola. There is a progress, pero pag tumatama talaga ang pagod sa’kin, naiinis na ako sa bola at gusto ng itigil ang kabaliwang ito!
“Akala ko ba gusto mong supalpalin si Alexis?”
Tumama ang malamig na hangin sa’kin. It was so worse because I am sweating bullets! Paano kung magkasakit ang katawang ito?
“Ayoko na! Bukas na lang natin ituloy ‘to—or go to your house right now. May kailangan akong sabihin sayo tungkol sa science fair! Okay?”
“Yes boss…”
“Isa pa, punasan mo ang pawis ko kasi ang lamig!” Utos ko dito.
Ang ganda ko pala sa gabi.
Tumama ang hangin sa buhok ko—I am watching myself as I smiled goofly. Kung ako ang nasa katawan na yan, I will never see myself smiling like that. Maganda talaga ako—o si Javier talaga ang nagpapaganda ng ngiti ko ngayon?
“Oh? Bakit ka nakatulala diyan? Baka magkasakit ka! Tara na!” He hurried me.
Nagising ako sa iniisip. Anong si Javier ang nagpapaganda ng ngiti ko? Jusko, I need to check myself kasi ilang beses na ata ako nag-isip ng bawal ngayon!
Noong pauwi ay tinawagan ko ang driver ni Javier. It was really convenient to be rich. Kaunting tawag, kalabit-kahit gabi ka pa umuwi ay hindi mo na aalalahanin kung saan ka sasakay because you are rich! Simple as that!
“Nakaka-miss rin umuwi ha. Pero alam mo, may iisa akong gusto sa bahay mo.”
I was busy thinking about my worries, pero nagsalita ang lalaki habang naghihintay kami sa parking lot ng school.
“Mayroon bang maganda sa buhay ko? I hate all about it, Javier…” Sabi ko sakanya, hindi sinasadya.
Nagtataka akong nilingon nito. “Why would you hate your life? Because of your mom?”
Hindi ko na napigilang tumango. “Hindi ba obvious, Javier? I am starting to hate you because you are asking too much question na obvious ha!”
He snorted. “You hate me from the start! Bakit? Hindi mo na ba ako hate?”
Napaisip ako sa sinabi niya. Parang may malisya ang tono nito at nang-aasar.
“Tigilan mo nga!” Tinulak ko ang braso nito. Mahina lang. “Basta. I hate my mother to the point na ayaw ko na siya ipakilala sa lahat na siya ang ina ko.”
“Isn’t that harsh? Wala namang kasalanan ang mama mo.”
I stilled. What he said was a statement. Parang may alam ang tono nito sa nangyari. My mother will never dare to open a topic about that kasi—nakakahiya naman! And I think Javier wouldn’t ask for a reason kung bakit ayaw ko sa nanay ko!
Or did he really ask something?
“Anong alam mo?” Kalmadong tanong ko. “Kanino ba ako dapat magalit? Dapat bang patawarin ang pagtataksil?” I asked him. Tinitignan ko kung may alam siya.
I am waiting for his reaction—there was a hint of pity. Ibig sabihin, may alam nga siya.
“Paano mo nalaman?” Hindi ko maiwasang itanong sakanya. Mapakla akong natawa at nag-iwas ng tingin sa lalaki. “I cannot believe that you are the first person to know… Ikaw na hindi ko inaasahan pa talaga ang makakaalam huh? Life is really full of surprise.”
“Celestial…” Hinawakan nito ang balikat ko. “It’s okay. I understand you—”
“And where is that coming from?” Maanghang na tanong ko sa lalaki. Hindi maiwasang magalit. How can he say that he knows what I feel?
“Sayo ang buhay ko ngayon, but the emotions would be always with me Javier. How my father died because her wife is not contented… Hindi mo mararamdaman ‘yon—”
“Shh…” Hinawakan nito ang braso ko, pinapakalma sa galit na nararamdaman ko ngayon. “Stop… thinking too much… about it. You are hurting yourself. I am so sorry for bringing it up.”
Ngayon ko lang naramdaman ang namuong luha sa mata at hinihingal na pakiramdam. Napapikit ako at inilingan ang sarili. It will always be painful to remember. My dad will be always the best. He is always working the best.
Kahit saktuhan lang ang buhay namin—maginhawa… He will always be the best. Ramdam ko ang pagmamahal niya bilang isang padre de pamilya.
Hindi ko alam kung bakit hindi umabot iyon kay mama. Why did she cheat just because for money. Hindi ko alam kung bakit sinira niya ang pamilya namin.
At mamamatay akong siya ang sisisihin ko.
I felt Javier held my hand. Kinakalma. Ginigising niya ako sa madilim at mapait na iniisip. Napalingon ako dito at nakita ko ang pakikiramay sa mata niya.
“I am so sorry for bringing it to you again… I… was about to tell na your heart should forgive. Pero may mga bagay talagang hindi kaya gamutin ng isang sorry o pagpapatawad. Maybe time can tell if you wll heal from the broken past, but I wish you to heal… or to have a peace, Celestial… To have a peace.”
I was dumbfounded because I didn’t expect that it will come from him. Isa pa, nakakagulat na hahayaan lang niya ako na… magalit.
“Pero bakit? Sabi mo kanina… walang kasalanan ang mama ko?”
“Hmm… I was wrong with that. Siguro, that’s my point of view. Ang may kasalanan niyan lalaki—but that is an old belief… So they are both responsible for cheating.” He explained. “Isa pa, what you feel is okay. Be mad. Be hostile. It’s alright. Hindi mo naman ginusto magalit sa mama mo ng ganyan—it was always the emotion to blame.”
Natulala ako sa lalaki. My heart felt a thump again. A thug. Iyong malakas.
Natigilan ako noong may bumusina na kotse. Umubo ako.
Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Pareho kaming napalingon doon at umiling.
Ngayon lang sumama ang loob ko sa mga sundo!
“Pumasok ka na nga sa sasakyan. You are so deep…” My gosh. Why do I feel my face is heating up?
"Ang ganda pa sana dito," aniya at hinawakan ang kamay ko.
I feel my face heated up for his move. "Anong maganda dito? This is parking lot... Are you dumb?"
He chuckled. "Ikaw ang pinakamaganda dito..." He sighed.
Napaamang ang labi ko sa sinabi niya.
"What a fvcking playboy..." Iling ko dito. i heard him laugh.
"Kaya nga minsan, hinihiling ko na sana makabalik na tayo sa dati so I could see your pretty face in front of me—"
"You're such a f-fvcker..." Umiwas ako ng titig dito at winasiwas ang kamay namin.
Buti naman at natanggal ang hawak. Mabilis akong pumasok ng sasakyan. My cheeks are burning and I am so glad na madilim ang paligid.
"Hello Manong," bati ni Javier. "Gabi na po ah. Bakit kayo ang bumabyahe?"
"Naku, Ma'am.. Wala pong available na driver ngayon."
Napapikit ako at hinayaan ng dalawa na mag-usap. Kalma, Celeste. Nagbibiro lang siya kanina.
“Saan po natin ihahatid si ma’am?” Tanong ng driver noong pareho kaming makasakay ni Javier sa sasakyan.
“Diretso sa bahay, manong.” Utos ko. This will be a very long night!
Tinignan ako ni Javier. "Bakit sa bahay niyo?"
"For an obvious reason. You need to study labor standards and relations. Marami iyon at kailangan natin araw-arawin..."
"Ayoko na mag-aral! Hindi ka pa ba napagod kanin—"
"Katawan lang ang napagod sakin at hindi ang utak..." I told him. "Kahit pagurin mo pa ako you will study..."
"Come on! Can't we skip this?"
"Tantanan mo ako... Ilang araw kang hindi nagpakita sakin noong nakaraan. No one will skip this... " I told him, sleepy. "Matulog ka muna sa sasakyan..."
Hindi ko na alam ang sumunod na sinabi nito—basta ako ay nakatulog na dahil sa pesteng soccer na 'yon.