Life is really unexpected as it is. Laging puno ito ng surpresa at mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay. I always plan my life just because I hate unexpected things. Ayoko noong nagugulat, nabibigla, o hindi alam ang susunod na gagawin lagi sa buhay ko.
Hindi naman ako binansagan na isang acer kung hindi totoo ang bagay na 'yon. Pero ang nangyari sa'min sa pagitan ni Javier?
I always wanted the next step to things. Like what should I do next. Pero ito!?
"Ano? Bakit hindi mo masipa ng maayos 'to, Javier? Napaka-simple lang! Sisipain mo lang!" Sigaw na naman noong paepal na Alexis sakin.
I gritted my teeth in annoyance. Nagmumukha akong tanga sa bagay na 'to dahil nga hindi ko makapa kung paano at ano ang gagawin!
Pang-ilang sipa ko na sa bola, pero wala pa ring nangyayari. I am just messing things up dahil iyon lang ang kaya kong gawin!
I am not a fvcking soccer player, and I wanted it to shout on his face! But that would be weird! Kilala si Javier bilang captain—tapos biglang hindi na lang siya marunong ngayon?
Hinihingal akong nilingon si Javier na nakaupo sa bench. He looks very worried, but he can't do anything about it too!
Wow... Talaga naman. Sana ay nakaupo lang din ako ngayon.
I glared on him. Kahit hindi ako nagsasalita, sana makarating sakanya ang galit ko gamit ng mata!
May narinig akong tumawa sa gilid. It was the fvcking epal, Alexis. Kanina pa akong nagmumukhang bobo sa lahat dahil sa lalaking ito.
"Mukhang kasabay ng aksidente ang pagkawala ng talent mo, Captain?" Ulit na naman niya sa lait.
Napairap ako sa sinabi nito at inis na sinipa ang bola patungong net—pero imagination ko lang pala.
Nagmukha lang akong tanga kasi damuhan lang ang nasipa ko!
Humagalpak ng tawa si Alexis habang ang iba naman ay napailing sa nakita nila.
"Hindi pa maayos ang kundisyon ko, sabi." Seryosong sabi ko sakanila. "I am feeling lethargic—"
"Nako, Javier Castell, nagpapalusot ka na lang."
Kung sungalngalin ko kaya ang lalaking ito ngayon para matuto siyang i-zipper ang bibig niya? Nakakaloka ang lalaking 'to!
"Siguro nga nagpapalusot na lang ako. Pero try ko kayang sipain ang bola papunta sayo? Feeling ko, tatama." Sabi ko sa lalaki.
Mabilis namang naging banas ang mukha nito. Tignan mo, ang mabilis niyang mainis tuwing inaasar? Promise, kung susuntukin ulit ako ng lalaking ito, tatama sakanya ang palad ko gamit ng sampal!
"Ngayon ba talaga kayo mag-aaway?" Sabi noong lalaki na mukhang aawat sa'min. "Guys, isang buwan na lang o dalawa bago ang tournament–"
"Kaya nga dapat palitan niyo na 'yang si Javier. He is not doing his job right, Carino. Ano? Can we let lead this man na feeling lethargic pa rin after a month?"
Mas madaldal pa si Alexis kaysa kay Javier. I thought he is the only guy who is nuts and madaldal, but I guess I was wrong!
"It's a valid reason. Gusto mo ba mabalian ng ribs para malaman mo ang pakiramdam?" Sagot ko dito, hindi nagpatalo.
"You're girlfriend is watching. You didn't even try to act good at all."
Hah. Girlfriend my ass.
"Alam mo, gusto ko niyan kahit maging baldado pa ako. Ikaw ba? May nahanap ka bang ganyan? Wala! Kasi ang pangit mo!"
Nagsalubong ang kilay nito at tinignan ako ng masama.
"Are you picking a fight with me?" Umamba ang lalaki pero pinigilan siya ng ilan.
"Alexis, stop it! Hindi maganda!" Mariing iling ng ka-members ko. Pinipigilan ang agresibong lalaki na makalapit sakin.
"Lumalaban ka ba ng sampalan?" Hamon ko dito. Pwede naman kami mag-away, pero wag nga lang suntukan dahil ang sakit talaga sa katawan noon!
"Anong sampalan? Are you fvcking serious?!" Tanong nito sakin. Hindi na makapaniwala. "Bakla ka ba?"
Napaawang ang labi ko. The stereotypes talaga!
"Gusto mo bang mamaga ang labi mo para masabi kung bakla ako?" Ngisi ko dito.
Tumawa si Alexis at mayabang akong nginisian. Akala mo ay hindi makapaniwala.
"Alexis, Javier!" Suway ng mga ka-member ko.
Nginisian ko lang ito. This is an effective pang-asar. Pag nababanas na si Javier ay nginingisian ko pa para lalong mabanas.
He gritted his teeth. "You're such a very irresponsible person!"
Napatiim ako ng bagang sa sinabi nito. Once everything will turn back to normal, I will definitely give this guy a lot of ticket in violation para ma-suspend siya!
This Alexis... I will snap his neck after Javier! Nakapa-atribida na lalaki! Akala mo kung sino kung makasigaw!
"Ano? Ba-biyahe pa ba tayo?"
Iyan ang unang tanong na ibinigay sakin ni Javier pagkaupo ko ng bench! Pagod na pagod ako tapos itatanong niya agad yan?!
Wala manlang kumusta or sorry, but that's his only focus? Hindi manlang ba siya naawa sa kalagayan ko ngayon!?
He handed me a bottle of water at mabilis ko naman iyong ininom. Medyo nagdalawang isip nga ako kung malinis ang bigay niya, pero hello?
Katawan niya ang iinom so kasalan niya kung mafo-food poison ako!
"Nakita mo ba kung paano ako sumipa kanina?" Angal ko sa sinabi niya.
Palibhasa, wala siya sa field kanina at ilang beses na sinabihang sumipa! Kitang hindi ko nga kaya, pero pinapasipa pa rin ako ng pinapasipa!
"You should have put an effort in kicking," sermon nito sakin.
"Ayoko! Umuwi muna tayo dahil marami pa tayong rereviewhin!"
"Okay, babe!" He chuckled.
The night was spent with full review. May mga improvements naman ang lalaki sa scores niya. In fact, it was better. I just hope that he can retend it on the exam day.
"Tahimik ka yata?"
Napatiim ako ng bagang. "Ikaw kaya ang pasipain doon ng bola?" Tanong ko dito. "Grabe... Ang sakit talaga sa katawan..." Nakangiwing sabi ko dito.
Tumawa lang ito. "Nako... Kung umattend ka, sana hindi ganyan kasakit ngayon..." He shook his head in disbelief.
Wala akong balak makipagtalo sakanya ngayon. Sana ay hindi na masundan 'to...
"Ito," binigyan ako nito ng isang capsule. "Inumin mo bago ka matulog... Pampatanggal ng sakit yan sa katawan. Okay?"
"Wow... May pakinabang ka ngayon..." Pumikit ako. "Okay, sige."
"Aalis na ako." Paalam niya.
I nod my head for what he said.
"Pwede bang hindi na kita ihatid pababa? Masakit talaga ang katawan ko!"
"Okay! Rest well! Aalis na ako! Papahatid na lang ako!"
Tumango ako sakanya at hindi na gumalaw. Wow. My veins are really throbbing in pain.
God... I hate soccer.
Kinabukasan ay pumasok ako sa university. Nawala naman ang sakit ng katawan ko dahil nga sa gamot na ibinigay niya.
May nakabangga sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Aray..." I glared on the man. Kitang kakainom lang ng gamot eh! Nakakapang-init ng ulo pag kay bumabangga!
"Oh! I'm sorry," he shook his head. Mukhang hindi naman sinasadya. He looks sorry.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at akmang iiwanan, pero hinawakan nito ang braso ko.
"Man, I know this is rude. But can I ask you where is the dean's office? Engineering department?" He ask a favor. "I am an exchange student..."
Tumaas ang kilay ko ulit at sinipat siya ng tingin mula ulo hanggang paa. A chinito guy that is paper as white.
Tutal naman ay alam ko ang daan ay tumango ako sakanya. Alam ko rin naman na wala kaming prof kaya pumayag ako.
"I will lead the way..."
"Okay! Thank you so much!"
"I am so glad that you have time for this. A lot of student is rejecting me because they have their class.."
"I have time." Ngumiti ako dito. "So where did you came from?"
"I am from US. But my father is a American-korean. My mother is a filipino."
"So you know how to speak tagalog?"
"Oo!"
Napahinto ako sa paglalakad. Ganon din ang lalaki.
Hayop na yan... Marunong naman pala magtagalog, pinahirapan pa ako!?
"Okay... So anong pangalan mo?"
"Garrett."
"Hi Garett. I'm Javier..." Sagot ko dito at muling naglakad. "Malapit na tayo sa office— Anak ng pucha!" Sigaw ko noong may bumangga sakin.
"Sorry—oh! Ikaw pala yan!" Ngiti ni Javier sakin. Saan ba 'to pupunta at nagmamadali!? "Sinong kasama mo? Anyway, mamaya na lang, may gagawin pa ako sa principal! Bye!" Sigaw niya at basta na lang umalis.
"Woah. Who is that girl?"
"She's Celestial. A student..."
"She's pretty..." Aniya sabay tingin sakin. "I like her..."
Natulala ako sa sinabi nito. Wow. Ang ganda ko talaga.
"I hope she is single—"
Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil binangga siya ni Suzy. Dire-diretso lang din ang babae pero sumigaw ng sorry.
"Here is the dean's office of engineering. Katabi lang siya ng principal's office. Madali lang tandaan." Ngisi ko dito.
"Oh. Thank you, thank you! I hope to see you again and repay your kindness!"
Tumawa ako. "There is no need for that."
Nagpaalam na ang lalaki at pumasok na. Habang ako naman ay nagtatatalon pa kasi someone finds me attractive and hot! Omg!
"Huy."
Napatalon ako sa gulat noong kalabitin ni Javier. Nakakunot ang noo ng dalawa sakin.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka tumatalon?" He asked me.
Tumuwid ako ng tayo. "Eh ba't kayo tumatakbo?" I asked them.
"Muntik lang ma-late ng pagpasa." Simpleng saad nito. "But anyways, bakit ka tumatalon?"
Sayang. Tinignan ko si Suzy na mukhang nagtataka rin. I wanted to tell Suzy what happened, pero he will find it weird.
Hinila ko si Javier. "Pahiram saglit."
"Hoy!" Si Javier.
"That guy..."
"Sinong guy!?"
"Iyong kasama ko na pogi," tawa ko sakanya. "Sabi niya ang ganda ko daw... Sana daw single ako..." Bulong ko sa lalaki.
Kumunot ang noo nito at tinignan ako ng masama.
"What?"
"Tsk! KJ mo naman!" I rolled my eyes.
Inabot nito ang balikat ko at binulungan. "Hoy Celestial, taken na kita ah? Bakit kinikilig ka pa sa iba?"
Natulala ako sa sinabi nito. I felt my cheeks burned tapos nakita kong napangisi siya sa reaksyon ko.
Bago pa makapagsalita ay mabilis itong tumakbo patungo kay Suzy.
"Bye! Pumasok ka na and all eyes on me okay!?"
Hala...
Parang gago.
I thought this day will be peaceful again, ngunit hinabol na naman ako ng mga ka-team niya sa soccer!
"Javier! You need to practice! Your performance is worse!" Aniya.
I sighed in disbelief. May part two pa ang perwisyo ko?! Akala ko ay isang beses lang!
"Ahay... What a worse captain," sigaw noong Alexis. "You cannot even kick the ball properly!"
"Pasok naman sa goal!?" Akala ko ba ay iyon ang mahalaga?!
"Pasok nga, pero mababalian ka naman!?"
Tinignan ko si Javier na nasa bench ng field. Ito ang turo niya kagabi. Anong nangyari?! May iba pa palabg mas mahalaga bukod sa maka-goal? Hindi manlang ako na inform?!
"Do it properly," si Javier noong umakyat na ako sa bench ng field.
Inabutan ako nito ng tubig, pero hindi maganda ang dinig ko sa sinabi niya.
I look at him in disbelief. "Talaga bang inuutusan mo ako mag soccer?!"
"Oo. Inuutusan mo nga akong mag-aral! Tapos ikaw, deadma lang? You should learn how to play because I am learning how you live too. Hindi biro basahin ang lessons niyo ha!" Umiling pa ito ng mariin sakin.
"Sumbatan ba 'to?" Takang tanong ko dito.
He nod his head. "Oo. Hindi ba?"
Inihagis ko sakanya ang towel na punong-puno ng pawis ko.
"Ang hirap nito! Maybe you should learn how to do AI ZHING for my science fair project? Ano? Ano!" Aniya.
Napangiwi ito. "Baliw ka ba? Baka mapasabog ko—"
"Exactly! That's it! Kung paglalaruin mo ako ng soccer, ganon ang mangyayari satin!" Iritadong sabi ko.
"Fine then!" Tumayo ito. "Halika, tuturuan kitang mag-soccer," aniya at tumayo.
Napahinto ako at tinitigan siya ng masama. "What?!"
"Let's go..." Hinila nito ang kamay ko.
"Sabog ka ba—"
"Hindi, babe. Tumayo ka na diyan kasi we will practice how to play soccer. Kahit yung basics lang para pag humarap ka kay Alexis, at least, you know something?"
He really hit what I really wanted. I was so sure na ayokong matuto, but when I heard his offer, nagpantig ang tenga ko.
Pero hindi ba parang inuuto niya ako? Para sa sariling kapakanan?
"Inuuto mo ako!" I pointed out.
Ngumiti siya, bumungisngis sa tuwa.
"Magpadali ka na lang!"