"Ano 'to?" Tanong ko kay Javier habang tinitigan ang mga isinulat niya sa answer sheet.
Akala ko ba ay nag-aral siya?
Ngumisi ito ng pagkalaki-laki. "I answered it with all my heart, Ma'am."
Napangiwi ako sa sinabi niya. "Did you forgot your brain while answering it? Limot yan?"
Napaamang ang labi nito. "Bakit? Mali lahat?"
Napakagat ako ng labi. "Umamin ka nga! Nagbasa ka ba o kinulayan mo lang yong libro ko?!"
He sighed. Tumayo ito kasama ang kanyang aso at tumabi sakin.
"Aminin na natin, girl... But there is no way I can answer your exam—"
"You're such an asshole talaga! Halika nga dito at magsisimula na ang lesson ko sayo. Let's start muna with the introduction of labor law?! Labor standards muna tayo!" Gigil na sigaw ko sakanya.
Bumagsak ang balikat nito at tinignan ang aso niya. I sighed. This is going to be a long night for sure!
"Nine, seven, nine! Ilang beses ko bang sasabihin na tandaan mo?" Piningot ko ang pisngi nito.
"Celestial, could you stop pinching your own face!? Gusto mo bang lumawlaw 'to!?" Aniya dahil kada mali nito ay pinipingot ko ang pisngi niya.
Makabawi manlang ako sa mga pinaggagagawa nito sakin!
"Hindi! Pag hindi mo talaga nakuha ng tama 'to, kaliwa't kanan na kurot ang makukuha mo!" banta ko sakanya.
Sinamaan ako ng tingin nito. "For pete sake! Hindi ko ito forte!" Gigil na aniya.
"Just do it right! Bago ka sumagot ay uso mag-isip huh?! Pwede ba? Isip muna bago salita!"
Nanahimik si Javier pagkatapos noong sigaw ko. Buti naman! I am teaching her things over and over again, at sa tuwing nagkakamali siya, I am pinching her cheeks.
"Feeling ko mas malala ang injured na 'to kesa noong natamaan ako ng bola."
Tinawanan ko ang lalaki. "Heh! Ewan ko sayo!"
Nakahawak ito sa pisngi niya at pinandilatan ako ng mata. "I am serious! Can you get me a cold compress?!"
"Fine, fine! Since you answered all naman quite correctly... Pwede na for a first day..."
Nanlaki ang mata nito. "May susunod pa ba?!"
I nod my head. Bakit? Sino ba siya para makuha ang lahat sa isang gabi? Tsk!
Tumayo ako ng kama. "Diyan ka muna. Magdadala na rin ako ng pagkain natin."
"Damn finally! After two AM naisipan mo rin kumain!"
I shook my head. Ang arte ng lalaking 'yon.
Napaisip ako sa pwesto kanina ni Javier. Ilang beses na ata kaming nagsama sa iisang kwarto, but we never find it awkward.
Wala namang nangyayari.
Napailing ako sa iniisip. Bakla ka... Gusto mo bang may mangyari?!
Namula ang mukha ko—mabilis akong umiling at gusto saksakin ang sarili. Bwisit!
"Nakakausap mo na ang anak mo?"
Narinig ko ang boses ni Mr. Castell galing sa labas ng kusina. Napahinto ako sa ginagawa.
Shet... Sana hindi ako mahuli dito. I don't like Mr. Castell these following days. Now I get why Javier hates him too.
"Buti naman at nakakausap mo na mahal... But there is one problem—gusto nila ang isa't-isa."
Tumaas ang kilay ko. Sinong may gusto?
"Oo. Paghihiwalayin ko naman. Ayokong... maunahan nila tayo sa simbahan." He chuckled. "Bye, mahal kita."
Kumunot ang noo ko at hindi ma-proseso ang sinabi ni Mr. Castell. I heard his footsteps gone upstairs, pero napaisip ako sa sinabi nito.
Cringe. Pero sino ang kausap ni Mr. Castell? Bagong asawa?
I should tell Javier this!
Mabilis kong inayos ang kailangan at umakyat na pataas.
"Javier! Javier!" Tawag ko sa lalaki nang isarado ko ang pinto.
"Oh? What's with the hurry—"
"Narinig ko ang Papa mo!" Kwento ko dito at inabot sakanya ang sandwich. "May ka-alabyuhan!" Pinaasim ko ang ekspresyon sakanya.
I thought he will laugh, or maasar. Pero nagulat ako noong tila nakakita ng multo ang reaksyon nito.
Uh-oh... Hindi ba alam ni Javier?
Oh my gosh! Why did I splurted that?!
Sumeryoso ang itsura nito. "Ano pang narinig mo?"
"W-Wala na..."
He nod his head. Halatang naging mabigat ang atmosphere sa'min.
"Okay... Good..." Kibit balikat niya sabay balik ulit ng ngiti. "Tapos na ang klase, di ba?"
Tumango ako. Oh my god! I should s***k my loud mouth! Of course, hindi alam ni Javier na may bagong babae na ang papa niya!
"I should get going," tumayo ito sa kama. "Bye chi..."
Hinawakan ko ang damit nito. "Javier..."
Nilingon niya ako saglit. Sabay dahan-dahan sinakop ng mainit nitong kamay ang akin para dahan-dahan ko siyang pakawalan.
"Don't worry... I'm fine. You should worry... for yourself."
For me?
What happened last night bothered me. Ang daldal ng bunganga ko and for the first time, may nakilala akong bagong ekspresyon sa mukha ni Javier!
My god! Nakakahiya! Ang chismosa ko! It was not my matter... tapos biglang magsasabi lang ako ng ganon?!
Isa pa, may malaking problema ngayon.
Mabilis akong tumakbo paliko sa hallway noong makasalubong ang isang grupo ng mga lalaki. Damn it. Kailan pa lumiit ang university na 'to? Ngayon ko na lang ulit sila nakita!
Nakatalikod ako at pilit isinisiksik ang sarili sa pader. I am silently wishing for them not to see me, pero wala! May humablot sa collar ko at matamis na nginisian.
Mukhang hindi talaga ako paborito ni Lord sa sunod-sunod na kamalasang nangyayari sa'kin. Tsk!
"Hindi ka ba sasali sa finals? Hindi ka pa nagp-practice mag-soccer ulit. Anong silbi mo sa pagiging captain kung hindi ka manlang um-attend or bumisita?"
Seryosong nakatingin sa'kin ang ibang miyembro. Mukhang galit din ang mga ito kasi nga, hindi ako uma-attend.
"Masakit pa rin ang katawan ko." dahilan ko sakanila.
Natawa ang mga ito. It was a laugh that full of sarcasm. Akala ko nga ay sasapakin ako ng mga ito, but they just gritted their teeth to stop themselves. I am still the captain of the team, so wala silang magagawa kung hindi galangin pa rin ako.
"Halos mag-iisang buwan ka ng nagpapagaling boss. May time ka nga makipag-date sa girlfriend mo.. Tapos ang uma-attend ay hindi mo magawa?"
Nagtanguan ang mga ito sa sinabi noong ka-miyembro nila. I didn't expect that they will reason it! Idinamay pa talaga ang 'girlfriend' kuno!
It's not that. Ayoko lang masipa ng bola!
"You are leaving us behind, cap. Nagtatago ka na sa'min 'eh.. Wag naman sanang ganon, Javier. Sa tournament lang din naman kami umaasa," ani pa ng isa. "Kung mayaman ka at may pera, kami wala..."
After that, they walk out. Napapikit ako ng mata at hindi alam ang gagawin dahil sa sitwasyon na ito. I can be smart, but never in sports!
Mabilis akong naglakad patungo sa room ko, kung nasaan si Javier.
"Hello, Javier!" Bati noong isang babae. "Hello!"
Hindi ko ito pinansin at nagdire-diretso lang. Ang dami ngang bumabati sa kalbong mukhang 'to, pero wala akong pinansin kahit isa.
Grabe, wala na silang pakialam na may girlfriend si Javier?
I mean, oo fake lang kaming dalawa? Pero paano iyong mga walang alam na nagpapanggap lang kami dahil sa kakaibang sitwasyon? Wala silang kahihiyan... Tsk. They should know how to respect a person that is in relationship.
Isa pa, wala ako sa mood. This is an urgent manner! Talagang kailangan si Javier ng mga ka-member niya! Pero paano? Wala ang kaluluwa niya sa sariling katawan!
Hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang mainit ang ulo sa'ming dalawa ni Javier. Pero kasi ang ganda ng ngiti ng mokong na 'to habang nakapaikot sakanya ang iilang babae sa room?! Nakikipag-chismisan ito! Wow naman!
Nakaakbay pa ito sa mga kaklase kong babae at inilalapit ang mukha sa tuwing nagtatawanan. Aba, nilalandi niya ba ang mga kaklase ko!? She is so close with the girls!
Manyakol!
"Oy ang boyfriend mo sis!"
"Ha?" Si Javier. Napatigil ito sa pagtawa noong makita ang mukha kong nakasimangot sakanya. Unti-unting naglaho ang mga ngiti nito sa labi at napatuwid ng upo, tinanggal ang pagkakaakbay sa mga babae.
Senenyasan ko ito na lumapit. Grabe, hindi ko na magawang magalit talaga. I just feel numb and gonna let him what he wants to do. Kasi mas malaki ang problema ko diyan!
"Sige sis! Salamat!" Aniya.
Tumaas ang kilay ko. When did I get so friendly like this?
No. Never!
Noong makalapit siya ay tinignan niya ako. Nagtataka.
"Bakit ka nandito? Wala naman akong sinusuntok," aniya.
Nag-alala pa ako sakanya kagabi. He looks very fine to me now. Mukhang masaya siyang nakikipalampungan sa ibang mga babae.
God, I worried and feel sorry for nothing!
Pagak akong natawa sa sinabi nito. "Ano lang? Mina-manyak lang ganon?"
"Grabe ka makapang-akusa! Anong manyak!?" He pouted. Halatang defensive. "Ano? May nangyari ba? Akala ko mamaya pa tayo magkikita!"
Inilingan ko ang lalaki. "Hindi. May kailangan tayo gawin. May klase ka pa ba?"
He shook his head. "Wala. Walang prof hanggang uwian..."
"Halika."
"Teka!"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at hinila ang kamay niya para bumaba ng building. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta para mag-usap, but this is urgent.
"Wala ka bang klase?" Tanong nito.
"Meron." Sagot ko. But that didn't matter to me. Medyo madali lang naman ang mga lesson ni Javier kaya wala akong problema kung mahuhuli sa klase.
"Ayos ha! Pag klase mo hindi pwede umabsent tapos pag akin, aalis ka lang basta?" Aniya, hindi makapaniwala.
"Hindi mahalaga 'yan ngayon. Meron tayong problema!" Iritadong sabi ko dito.
Nagsalubong ang kilay niya. "Lagi ka na lang may problema ha! Ako na lang ba sasalo lagi?" Takang tanong nito sa'kin.
I glared on him. "You idiot. This is your problem!"
Pumunta kami sa isang gazebo na walang tao. Inilapag ko ang bag at tinignan siya.
"I am not attending your football practice," simula ko dito.
Namilog ang mata niya, "What!?" He said, very frustrated.
Iritado akong napairap sa reaksyon niya. Oh no. Sana ay hindi siya magalit? Well, ano nga bang ikakatakot ko kung magagalit siya? Noong magkahiwalay kami ng katawan, mortal enemies na talaga kami.
"Hindi ako uma-attend ng practice sabi ko!" I hissed.
"Anong football? Soccer ang sports ko! Pinagsasasabi mo?" Natatawang asar niya, para bang iyon lang ang ikinagulat niya. "But seriously? Why are you not attending? Kung importante sayo ang pagpasok, importante din sakin ang sports na 'yan." iling pa nito sakin.
"Eh kung sapakin ulit ako noong Alexis? Isa pa, this is not just mental challenge, this is also about physical! Hindi ako physical na tao!"
"Then do something!"
Wow! Parang one plus one lang ang sinasabi niya ha!
"Hindi madali mag-play ng soccer, Javier!" Matinis na sabi ko dito.
He sighed. "May tournament kami around January. Even you, may science fair ka din around that month. Mabuti nga ay na-atras."
Parang sumakit din ang ulo ni Javier sa nangyayari sa'min.
"Can we try to find that woman now? Nag-guguilty na ako sa mga ka-members mo. They are pleading you to attend."
Napangisi ito. "Marunong ka ma-guilty?" Takang tanong niya sa'kin.
"Can you please stop messing around? Delikado tayo huy! Kailangan na natin ayusin ang mga bagay! We are moving slow siguro. Balik tayo doon?"
"Akala ko ba after finals mo pa gusto kasi conscious ka sa grade?"
"Ewan ko sa'yo! Ngayon na tayo bumalik!"
"But you should attend the soccer first, Celestial." Seryosong aniya. "Baka matanggal ako bilang captain talaga, tapos sayang scholar din..."
"What!? No!" Mariing tanggi ko dito. "Ayokong mapahiya ulit doon at magmukhang tanga!" Dahilan ko pa.
The horror. Kahit hindi naman nila ako nakikita bilang Celestial, I just... don't like the idea of being humiliated. Ayaw na ayaw ko noon!
"Alam mo, kung mahalaga sayo ang pag-aaral, ganon din ang sports ko! Mas higit pa nga! Kaya dapat ay pumunta ka!" Iling nito. "Pareho tayong nahihirapan sa buhay na hindi atin, so go in that field and kick some balls!"
"At talagang kinumpara mo pa silang dalawa? FYI, mas importante ang pag-aaral ko kesa—"
"Hoy, ito ang mahalaga sakin ha. Kaya tantanan mo ako."
Sumimangot ako. Fine. Tutal naman ay may kasalanan ako sakanya kagabi, I should give him what he wanted!
"Sinasabi ko sayo, wala kang mapapala sakin... I hate this."
"Stop hating it then," nag-angat ito ng tingin sakin. "Start to love it. Para mas madali."