Javier and I are just staring at each other. Naramdaman ko ang bigat sa paligid habang hinihintay ang sagot niya.
Inabot ko ang kamay nito at hinigpitan ang hawak sakanya. Umiwas siya ng tingin at hindi nagsalita.
Ano bang alam niya? What is he hiding at ganito siya?
"Javier..."
I was hoping for an answer, but he just shook his head on me.
"I... I d-don't know my... father's plan," he just said.
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya at hindi na lang nagsalita pa. Anong... hindi niya alam?
"I thought you know something?" Takang tanong ko dito. "Alam kong meron—"
Hindi pa rin tumitingin ang lalaki sakin at umiling.
"Hindi ko talaga alam ang plano niya. I just know that... my father hates me for you," he told me.
Is he telling the truth or lying?
Tinignan ko ang lalaki ng maigi. "Is that it? Hindi mo ba talaga alam ang pina-plano niya? I am not dumb pero he has plans about me, Javier. At anak ka niya—hindi manlang niya nasabi sayo?"
This is so frustrating. Pakiramdam ko ay hindi niya lang sinasabi sakin!
"I am so sorry if you feel creeped out. But one thing is for sure—walang masamang gagawin sayo si Dad. He just... adore you like... a daughter," mahinang dagdag pa niya sa sinabi.
As if that will comfort me. I wanted the truth about his plan. Ilang beses ng nabanggit sakin iyon! At alam kong may alam siya!
"Hindi ka naman nagsisinungaling, Javier?" Paninigurado ko at pilit na hinahabol ang tingin niya.
"Yes..." Tango niya, hindi nito nagawa na salubingin ang tingin ko.
"You are lying. Alam mo ang binabalak sakin ni Mr. Castell. Bakit hindi mo kayang sabihin sakin?" Inis na tanong ko dito.
Huminga siya ng malalim at hinarap ako.
"I am not lying, Celestial. Hindi ko talaga alam—"
Tumayo na ako. Wala din pala akong makukuha sakanya at obvious na ayaw niya sabihin, then I should walk out.
"Then... Mauuna na ako," paalam ko dito at tinignan siya. "You are lying, Javier. Natatandaan ko noon na alam mo... Marami lang nangyari kaya hindi siya big deal sakin noon at nakalimutan ko because of our situation. But it's starting to bother me..."
I stare at him with so much plea. Gusto ko manlang magmakaawa dito gamit ng tingin, pero hindi iyon gumana.
He just stand up and held my hand. Tinignan din ako nito na parang nahihirapan siya sa sitwasyon naming dalawa.
"Baby," he called. "Hindi ko talaga alam ang binabalak ni Dad. But one's thing for sure, it will never harm you—"
Binawi ko ang kamay sakanya. He is sure that it will never harm me. Ibig sabihin, alam niya nga ang pina-plano ng sarili niyang ama.
"Alam mo, gusto ko na lang maniwala na baka ayaw niya sating dalawa dahil nga you are just a plain jerk—pero hindi. It feels more than that!" Inis na sabi ko dito.
Nakuha pang tumawa ni Javier at ayusin ang buhok niya. He finds this funny!?
"Hindi ko masisisi si Dad. Sino ba naman ako para... patulan mo hindi ba?"
Hindi ko alam kung bakit naluha ako sa sinabi nito. Naiinis. My heart tightened in annoyance because of what he said. Hindi ako makapaniwala na nakuha niya talagang sabihin iyon...
"Ganon ba kababa ang tingin mo sa sarili?" I asked him.
"Hey..." Bigla itong nag-alala noong makita na naluha ako. He was about to reach my face pero ako ang umiwas sakanya. "Why are you crying?"
I am so upset. Ayaw na nga niya sabihin ang pina-plano ni Mr. Castell, tapos ay hindi niya ata sineseryoso ang sinasabi ko. Isa pa–kung mababa ang tingin niya sa sarili, paano kaming dalawa? Sino ang lalaban para samin? I can do that—I can go against Mr. Castell, pero kung siya mismo ay ganon ang tingin sa sarili mahihirapan kaming dalawa!
"Akala ko ba, gusto mo ako?" I asked then looked at him in annoyance.
"Yes... Gusto kita. Gustong-gusto," amin niya.
"You are acting otherwise!" Sabi ko dito at tinalikuran siya. "Hindi... hindi ganon ang nararamdaman mo."
Nagsalubong ang kilay nito at tinignan ako. "What are you talking about, Celestial? Pinagdududahan mo ba ang nararamdaman ko?"
"Oo! Pinagdududahan ko talaga! You cannot even trust me with a secret! Buti sana kung hindi tungkol iyon sakin! But the secret includes me! Isa pa, ano bang klaseng tao ka? Hindi ka naman masama or convicted! You are a great person kaya bakit sasabihin mo din sakin na hindi bagay kasi sino ka naman kumpara sakin!?"
Tumulo ang luha sa pisngi ko dahil sa inis. Grabe, kahapon lang ata siya umamin pero nag-aaway na kami kaagad ngayon. Ayoko rin naman siyang sigawan ng ganito—but I couldn't control it!
Kumalma ang itsura nito. "Celestial.. I am just joking—"
"Mukha ba akong nagbibiro ngayon?" Sarkastikong tanong ko sakanya at inalis ulit ang luha sa pisngi. "Then call me when you're serious ha?"
"Celestial..." Habol na tawag nito sakin pero hindi ko siya pinansin.
Mabuti na nga lang ay hindi na ako nito hinabol dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sakanya ngayon.
I performed bad on the practice today. Hindi ko na nga mapatama ang bola sa una—now my performance is more worst.
I feel so emotional and my mind is preoccupied for whaf happened. Bigla ko tuloy naisip if kasalanan ko ba talaga ang nangyari?
Masyado ba akong mapilit para malamab ang bagay na 'yon? Pero—wala ba akong karapatan na malaman? It's about me!
Tsaka kung gusto niya ako, bakit hindi niya kayang sabihin? Kasi baka... mababaw lang naman talaga ang nararamdaman niya sakin.
"Hey! Pre!" Tawag ni Louis at binuksan ang kurtina sa banyo.
"Ah!" Napaatras ako noong pumasok siya ng hubo't-hubad!
Ipinikit ko ang mata at tinalikuran siya. Nakakita na naman ako ng bagay na hindi ko dapat makita! Sobra na nga itong kay Javier!
"A-Ano ba Louis!? Bakit ba basta-basta ka na lang pumapasok!?" Galit na sigaw ko dito at binalot ang sarili.
Nagmamadali akong kumilos para unalis without... seeing his thing again. God.
Kung kailan ako nag-ddrama, tsaka ako biglang nakakita ng hindi dapat! Nananadya ba ang langit!?
Narinig ko ang tawa nito at nakuha pa niyang lumapit ha!
"Ano ba pre!? Para ka namang others!" He chuckled then grab my shoulder. "Sabay naman tayo lagi naliligo! Tatlo pa nga tayo–"
"Wala bang ibang cubicle!?" Inis na sigaw ko dito at lumayo sakanya. "Aalis na ako—"
"May sabon pa ang ulo mo pre! Hoy!" He called. Hindi ko na lang ito pinansin at lumabas na.
Grabe.
Akala ko maiiwasan ko ang ganong pangyayari... pero hindi pa rin pala talaga! Argh!
Napag-desisyunan ko na sa bahay na lang magba-banlaw. Punuan nga ang cubicle at yung iba, share pa!
Hindi ba sila nagkakahiyaan!? Ako na ang nahihiya para sakanila!
Pagkatapos ko magbihis ay nakita ko ang missed calls galing kay Javier. He is also saying some sorry on text, pero hindi ko na lang siya pinansin. I don't feel like it.
Ako ba talaga ang hindi maintindihin sa'ming dalawa? Masyado ba akong mapilit o hindi naniniwala sakanya?
Malay mo ay nagsasabi lang talaga siya ng totoo na hindi niya alam?
Natawa ako sa naisip. Sakanya na mismo nanggaling that the plan is harmless. Ibig sabihin ay alam niya... Pero iba talaga ang nagagawa ng nararamdaman.
Kasi pati tamang pag-iisip ko ay naapektuhan. Gusto ko na lang maniwala na hindi niya talaga alam at sadyang he knows his father will never hurt me.
Tanga.
Sumunod na araw ay hindi ko pa rin pinansin si Javier. I just let his texts and calls. Attend ng meeting tapos ay... ganon lang. It was a very boring day until the night came.
"Pre, inom daw tayo!" Sa locker room nag-aya ang isa naming kasamahan.
Oo, napapaligiran ako ng mga topless na lalaki pag ganitong oras. Pero ang ginagawa ko para makaiwas sa ganitong sitwasyon—ang harapin ang locker room at magmukhang busy doon.
Noong una talaga ay hirap na hirap ako kung paano sila pakikisamahan... At paano sila iiwasan na hindi iyon mahahalata sakin.
But well, I got used to it. Minsan ay nauuna ako sa locker room, minsan ay huli din para walang kasabay.
I never considered going out with them. Simula ata ng mapunta ako at makasama sakanila—lagi na lang inuman every week ang ginagawa nila.
But I never go because I don't drink as Celestial. Javier is the alcoholic one.
"Tara na, Javier. Isang linggo na lang bago ang tournament oh!"
Tinawanan ko lang sila. "Pass," I declined.
I heard them 'boo' in chorus.
"Javier, nagbago ka na talaga simula noong aksidente! Hindi ka na namin kilala, pare!" Sabi ng isa.
"Oo nga! Tapos alam ko ba, hindi na rin ako pinapasabay nito maligo sakanya!" Sabi noong isa. "Dati siya pa ang nakikisiksik satin sa shower room!"
"Tapos naging mainitin ang ulo ano!?" Tawa niya. "Pre, nahawa ka ata sa girlfriend mo..."
Napasimangot ako. Masungit lang ba ang tingin nila sakin?
"Oo nga. Baliktad kayo! Kahapon binati ako ng girlfriend mo brad!" Kalabit sakin ng isang ka-member. "Akala ko sisigawan ako noong nakita niya ako na nag-cigarette break sa likod ng gym—pero hinanap ka lang sabay alis!"
"Oo nga! Pansin niyo ba? Bumait na si President?"
Napaamang ang labi ko sakanila. Pag ugali ni Javier mabait—tapos sakin ay masungit lang ang tawag nila?
"Mamaya tol ikaw pala si president!" Nagtawanan pa sila.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nila at natawa din. Yeah right, I am really Celestial kung hindi nila naitatanong.
"Nakakahawa ba ang ugali brad pag nasa relasyon kayo? Pansin ko din kasi tumalino itong si Javier aba'y nangunguna daw sa lahat ng gawain!" Punto nito. "Tataas ng score niyan sa exam! Na-guidance pa nga kasi akala nila, nandugas!"
Natawa ako sa sinabi nila. Oh, that moment!
"Magaling naman kasi talaga ako pag sinipag," pakikisakay ko sa trip nila.
They cheered for me dahil sa yabang na ipinakita ko. Well, hindi lang naman pagyayabang iyon.
Javier had really the potential kung sinipagan niya. Kaya niya ngang makipagsabayan sa experiment na ginagawa ko ngayon. If Javier is just motivated a little, siguro nga ay may kaagaw na ako sa spot ko sa valedictorian!
"Pre tara na kasi, inom na!" Kulit pa ng isa. "Pinagbabawalan ka ba ni komander mo?"
Mabilis akong umiling. "Hindi... Wala lang talaga ako sa mood para uminom."
Huminga ako ng malalim at isinukbit ang bag sa balikat. Pagkalingon ko sakanila ay nakatingin silang lahat. Tila hinihintay ang pabor kong sagot sa pag-aya nila.
They even show their pretty smile, pero umiling ako.
"Wala talaga ako sa mood—"
"Magkakaroon ka ng mood boss kung pupunta ka nga!" Reklamo pa ng isa. "Sige na, captain!"
"Captain, captain," they started to chant the word captain as if that will change my mind.
Ngayon lang sila naging ganito ka-pursigido... kaya nagdalawang isip na din ako.
Isa pa, wala naman akong gagawin ngayon. Dapat ay may date kami ni Javier bukas pabalik sa Beau... Pero ngayon?
Malabo muna na dikitan ko siya. I hate him for now.
"Okay, fine."
"Yown!" The crowd shouted in glee. Napailing na lang ako sa inakto nila.
Guys and their drinking as a way of celebration.
Ang usapan ng members ay eleven pumunta sa bar. Medyo nagulat nga ako kasi anong oras na iyon! But what can I do? I already agree to them.
I read his text message.
Him:
Baby, Celestial I am so sorry. Let's talk about this okay? Hinintay kita kanina pero nakaalis ka na pala.
Hindi ako sumagot. I am still figuring things out kung sino ang may kasalanan. Ako ba o siya?
I asked manong to drive me in late night. Nahihiya nga ako kaya sinabi ko na umuwi na rin siya after ako ihatid kasi magpapahatid na lang ako sa kasama.
I am wearing a hoodie and maong jeans. Mabilis namang ayusan si Javier dahil guwapo siya at kahit anong isuot—ay mukhang agaw pansin at pormal.
Napasimangot ako sa salamin sa kotse at itinaas iyon. Kainis... Guwapo? Really, Celestial?
"Wala ata kayong usapan ni Celestial ngayon, anak?"
"Wala po... Busy siya eh," I lied.
"Ay naku, sabagay. Kolehiyala pala ang girlfriend mo," Manong chuckled. "Pero bakit nga pala may kasama kang iba noong nakaraan? Aba, hindi ko gusto ang babaeng 'yon!"
Natawa ako sa sinabi nito. "Don't worry, manong. Ayoko rin sa babaeng 'yon! Nautusan lang po kaya pinatulan ko," kwento ko pa.
"Aba'y hindi nagalit ang girlfriend mo?"
Natawa ako. Hindi naman ako nagalit kasi ako ang nakipagkita. Pero kung siguro normal lang ang lahat?
Baka.
"Hindi naman po. Naiintindihan naman ni Celestial na nautusan lang ako," I answered politely.
"Aba'y maganda yan at nagkakaintindihan kayo! Mag-usap lang ng mag-usap ha para nagkakaintindihan!" Aniya.
Tumango-tango ako sa sinabi nito.
Mag-usap... para magkaintindihan.
The bar is silent than expected. Wala pang nagwawala at mukhang nagsisimula pa lang ang gabi ng lahat.
I sighed and saw my team. Pumunta ako doon at binati sila. Wala namang kakaiba, they just talk about tournament and such.
"Sana nga hindi ako sigawan ni coach. Mas lalo akong natatakot eh!" Si Ronald.
Napangisi ako. "Baka hindi lang maganda ang gising ni coach noong araw na 'yon, Ronald."
"Buti ka pa nga Cap, natitiis mo ang ganong sigaw ni Coach! Aba, kung ako yon, tunaw agad!"
Natawa kaming lahat sa sinabi nito. They were anxious about the tournament and pressure.
Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko sumama sa mga ganito nila is akala ko, babae at kalandian ang gagawin dito. But I guess, they just wanted to relief their stress while drinking?
"Idol yan si cap!" Si Martin. "Oo nga pala Cap, simula ba talaga nong magising ka sa coma— nag-iba na lahat sayo?"
Sobrang nag-iba talaga. Even my soul is different!
"Well... Sa tingin niyo? Nag-iba ba?" Balik na tanong ko sakanila.
They just said 'boo' as a sign of annoyance. Tinawanan ko lang ang mga lalaki sabay tango.
"Sobrang nag-iba."
"Oo mga pre! Sobrang nag-iba talaga yan! Isipin niyo ha," pasok ng isa. "Umamin na sa wakas kay Celestial at naging jowa pa! O diba?! Ang tagal nating pinapa-amin pero nong na-aksidente silang dalawa, doon pa nagkaintindihan!"
My smile started to fade when a realization hit me.
"Oo nga pre. Medyo bad yung nililigawan mo si Candy pero kay Celestial umiikot ang araw mo. Pero ayos at sa wakas—kayo na din," sabat pa ng isa.
"Bakit... gusto ko ba talaga si Celestial?" Takang tanong ko.
Ang alam ko kasi ay childhood crush niya lang ako?! But coming from his friends!?
"Oo pre gago! Alam na naming lahat, pero ikaw in denial pa rin!"
Humalakhak sila habang ako ag kinakabahan pa rin.
My heart thump. Well... Dumaan sa tenga ko na... baka gusto niya ako kaya laging inaaway but I never take it seriously kasi hindi ganon ang depinisyon ko ng pagpapakita ng 'gusto'!
"Kailangan pa talaga nila ma-aksidente para maintindihan ang sarili! Jusko!"
They all laugh in chorus. Habang ako naman ay napailing sa narinig.
"Gago, pre. Baka nangyari sakanila 'yon para maintindihan nila ang isat-isa. Sobra na sakitan eh, ayan!"
Naintindihan. That word.
"Grabe naman!? Kailangan ma-aksidente para magka-aminan? Parang sumpa ah!"
Oh god... Magkaintindihan at sumpa?