Hindi ba weird na kumakabog ang puso ko sa tuwing nakikita ang sariling mukha? Doesn't that sound so narcissist? GGSS?
I don't know how to put a label on what I feel—Javier is in my body but how dare my heart thump to someone that looks like me?!
Is that even possible? I wonder, is he even attracted on his own face? Malamang, Javier is a fvcking narcissist, kaya sigurado akong guwapong-guwapo iyon sa sarili niya pag nakikita ako.
Pero how about me? This is not normal anymore!
Noong sinabi niya sa'kin kagabi that I should share some burdens with him—tinulak ko siya ng sobra at pinaalis ng galit.
Kasi, he is making me confuse. Out of all people, bakit kailangan kami pang dalawa ang magkapalit ng kaluluwa? Ayokong mapalapit sakanya!
I kicked the ball hard. One week na akong nagp-practice kung bibilangin ngayong araw. Javier is still coming over, but I am pushing him away and tell to focus over my experiment. I threatened him too na kung hindi niya gagalingan ay binabalewala niya ang effort na ginagawa ko sa football ngayon.
"Hey! Your girlfriend is here again!" Si Kiko, ang ka-teammate ko.
I shook my head. Hindi din ba napapagod si Javier na pumunta-punta dito?
"Wag mo naman tiisin ang babae, brad. Si president na 'yan oh. Akala ko ba, gusto mo 'yan? Bakit mo na tinutulak palayo ngayon? Bad 'yan brad," he advised.
Well, in our situation—si Javier pa rin ang sumusuyo sakin. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Kiko at basta na lang siya iniwan doon.
When Javier saw me, he immediately waved his hands—excited. Nagtaka naman ako... Kahit ilang beses ko talaga siya paalisin dito ngayon, I still get the same reaction from him.
He is always excited. Parang wala lang talaga sakanya ang pagsusungit o taboy ko.
"What are you doing here?" I asked him. Obviously not trying to welcome him.
"Wala naman," he told me and showed a plastic on his hands. "Kumusta ang practice? I think you're getting it already."
Napahinto ako sa sinabi nito. Is he looking at me?
"I bought you food too. Iyon lang ang pinunta ko dito. Uuwi na ako para alamin pa ang data na binigay mo kagabi," he said.
Wow, that's new. Hindi niya ba ako aayain kung saan ngayon.
"Ano? How are you feeling? Are you tired?"
I nod my head. Well, I am tired. Pero nakakasabay na ang katawan ko sa laro ng teams. Katawan niya ito eh.
"I am glad you're fine already. Call me if coach will try to teach you another move. Don't forget to drink your water."
I just nod my head, and just like that, he left already.
"Javier, like this!" The coach told me. "You can do the basics already! You can pass the ball, pero bakit hindi mo ma-shoot sa ring?! Sobrang hirap ba na ma-shoot sa ring!?"
I cannot blame the coach for yelling at me. It was a very basic move. Isho-shoot lang sa ring to have a goal. Pero laging tumatama ang bola sa poste at tao. Ibig daw sabihin noon ay mahina ang sipa or mabagal ang kilos.
"Paano kita isasalang ng ganito, Javier? I think you are not mentally ready for the tournament!"
"Coach!" Alma ng mga team ko.
"I am so sorry, coach. Wala po akong energy ngayon. Pero kaya ko naman po. Nakakasabay nga po ako sakanila—"
"Hindi ko kailangan ng nakakasabay, Javier! Ang kailangan ko ay ang dati mong skills!" The coach shook his head in dismay.
Before I can even defend myself, nag-walk out na ito. I sighed. Tila sumakit ang ulo ko dahil sa pagod. Idagdag pa ang tirik ng araw. Argh. Should I give this up already?
At least, I tried for him?
Wait what?! I tried for him!?
Gusto kong batukan ang sarili. This is not for him! This is for me! Ayoko lang magkaroon ng utang na loob sa lalaking iyon!
"Pre," tawag ni Rudy. Lumapit sakin ang buong team. Nakikiramay ang mga tingin nila kaya tinanguan ko na lang ang mga ito.
"Hindi siguro maganda ang gising ni coach, pre... Hayaan mo na. Hindi sinasadya ni Coach 'yon..."
"Salamat," I told them. Kahit what the coach said really didn't bother me.
Hello, I am just a student president. Doon lang ako magaling. Ang makasabay sa matagal ng pambato ng tournament sa school ay isang malaking compliment na sakin.
Ah, I really wonder how will I do this. Sabi naman ni Javier, I can give this up anytime. Pero nasimulan ko na.
I already started it at sayang ang pinaghirapan ko kung ngayon ako hihinto.
"Pare!" A guy hurried into me bago pa ako makauwi.
Today is... strange. Uwian na, pero walang dumating or tumawag na Javier. Siguro ay busy na talaga sa experiment.
Should I check on him this time? Baka akalain noon ay wala akong pakialam sakanya!
"Bakit?" I asked Louis.
"Saan ka? Balita ko nasunog ang laboratory kanina—"
"Nasunog!?" My eyes widened. "Iyong lab kung nasaan si Jav—Celestial!?"
Napangiwi ang lalaki. "Chill, brad. It's just a small fire daw—"
Hindi ko na pinatapos ang lalaki. Basta na lang ako tumakbo palayo kahit tinatawag ako nito.
Habang tumatakbo ay tinawagan ko si Javier. Nabawasan naman ang kaba ko noong mabilis niyang sinagot iyon!
"Hi my dear girl!" Bati nito. "Napatawag ka ata?"
Napahinto ako sa tono ng boses nito, kumalma.
"Nasaan ka? May nangyari daw kanina sa lab?"
"Oo," normal na sagot niya. "Paano mo nalaman?"
"Nasaan ka?"
"Pauwi na," he answered. "Hintayin mo ako—"
Bago pa niya matuloy ang sinabi ay nagkita kami nito sa tapat ng Amor building. He waved his hands on me. Bitbit nito ang isang plastic na may pagkain.
"Hello!"
I run towards him. Nagtataka naman itong tumingin sa'kin. I know, I looked weird right now.
"Tumakbo ka ba papunta dito?" He asked.
"Bakit hindi mo sinabi na may nangyari kanina?"
Ngumuso ito. "Mali ko 'yon eh. Bakit ko sasabihin sayo?"
Napahinto ako sa sinabi nito at nagsalubong ang kilay. Does he think that I will yell at him dahil kasalanan niya? I am more worried in his well-being! Hindi naman niya alam ang ginagawa!
"Ano naman kung mali mo?" I fight myself not to shout at him. I should calm down.
Tumaas ang kilay niya. Mas lalong nagtaka.
"Bakit? Hindi mo ba ako papagalitan?"
"Hindi! Anong tingin mo sa'kin?! Masamang tao!?" I asked him in annoyance.
"Oo," natatawang asar niya.
Naiyak ako. Nagtubig ang mata ko dahil sa sinabi niya—well, hindi dahil sinabihan niya ako na masamang tao.
Come to think of it, Javier always guide me in doing football. The first weeks, he was there—guiding me. Tinuro niya sa'kin ang basic ng foottball kahit nasa kwarto lang. He even visits me on the field kahit...
"Huy! Celestial, bakit ka umiiyak?!" He started to panic. Itinaas nito ang kamay para haplusin ang mukha ko.
Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang band aids na nasa daliri niya.
Lalo akong naiyak sa nakita. "N-Nasugatan ka!?"
"Ah, shît. Sorry, napapaso lang naman. Hayaan mo, sagot ko ang derma sa daliri mo para hindi mag-peklat. Basta, wag ka lang umiyak, okay?!"
Hindi ko alam kung bobo ba talaga ang lalaking ito or tanga? Ganon ba talaga kasama ang tingin niya sa'kin!?
I glared on him. Javier is with me even he is struggling because of my life. Hindi madali ang experiment. It's science and also, something new for him.
Pero simula umpisa, hindi ako nakarinig ng pagrereklamo tungkol sa paghihirap niya dito. He didn't even try to ask me more na turuan siya lalo na pag alam niya na pagod ako. He just asked a one or two question lagi... Tapos ay okay na iyon sakanya.
"Hey! Stop crying, Celestial! Magmumukhang iyakin si Javier niyan! Hayop—"
I didn't let him finish his sentence. Niyakap ko na lang ang lalaki ng walang sabi.
"Woah... I thought you hate PDA? Gabi na, Celestial pero may tao pa rin oh..." Asar nito sakin. Pero maya-maya ay naramdaman ko ang yakap nito pabalik.
I just cried on his shoulders. "Bakit kasi hindi mo sinabi na nahihirapan ka din..."
"Sinong nahihirapan? Ako!? Saan?!"
"If I will share my burden with you, dapat ikaw din, Javier..." I said. Inilayo ko ang sarili sakanya at tinignan. "Let's share some burden. I promise, I won't be selfish this time..."
Sa sitwasyon naming dalawa, Javier always comfort me. Kasalanan naman niya ang lahat—pero I guess, we are in a situation right now that is even. So I should consider him too.
I heard him let out a soft chuckle.
"Hindi naman ako nabibigatan, Celestial... But if that's what you want, then I guess, I can tell?" Pagkatapos sabihin iyon ay pinunasan niya ang mukha ko. "Nasunog ko lang naman yung papel sa desk kasi hindi ko namalayan... Grabe, kailangan mo pa pala mag-alala bago ka magkaroon ng pakialam sakin."
Pagkatapos ng madamdamin naming usapan sa gitna ng daan sa university ay napag-desisyunan namin na kumain sa labas.
"Oh, is this a date?" Javier giggled.
I sneered on him. "Is this even a date? We are in uniform."
"It feels like a date. Ikaw ang kasama ko 'eh."
Hindi ako sumagot sa sinabi nito at sinamaan lang siya ng tingin. But yeah, we are in a fine restaurant pero nakasuot kami ng uniform. I am wearing a jogging pants too!
Akala ko nga ay hindi kami papapasukin dahil sa dress code.
"Baby," he called.
"Hmm?"
"Anong masarap?" He told me as if he doesn't had an idea. Siya ang mayaman. Bakit siya ang nagtatanong?
"I would get a heavy meal... Gutom ako," I told him. "Let's get steak and lobsters." Then I smiled on him.
Nawala ang ngiti nito sa mukha. "May pa-share your burden ka pang nalalaman kanina. Kaya ka pala malambing, masakit sa bulsa ang kakainin mo!" He said, joking.
I just laughed on him and shook my head. Nag-asaran pa kami na ito lang ang habol ko sakanya, but well. He is so wrong about that!
"Why did you cry earlier?" Javier asked me after we get our orders.
"Wala lang," I told him. "Maybe I just had a tough day... Nasigawan ako ng coach mo..." Ngumuso ako sakanya.
"Aw. Celestial, it's really okay kung hindi mo na kaya..."
"Kaya ko. Kung kinakaya mo, bakit hindi ko kaya?" I grinned on him.
Tumawa lang siya at inilingan ako. "Matigas ang ulo mo, baby. Kung hindi mo kaya, give it up. Okay?"
"I cannot do that, Javier... Tsaka let's go out on weekend ulit sa mountain Beau. We should find a way back in our body habang pinapanindigan ang tungkulin natin..."
"Okay. Weekend?" He is hesitating. "May pinapagawa iyong prof mo sakin tungkol sa data..."
"Kaya mo ba?" I asked.
Umiling siya. "Medyo pero..."
"Okay, tuturuan kita... show me the problem. Let's go to your house mamaya..."
Tumaas ang kilay niya. Halatang nagulat. Pero in the end, he smiled in satisfaction while nodding his head.
"Yes boss," he grinned.
Javier and I had the most peaceful dinner for the first time. We just talk about how our day went and some problems. I honestly felt good after a talk with him.
Natapos ang dinner at dating gawi—sa kwarto niya kami nakatambay. I am so glad na wala si Jameson ngayon kasi malaki siyang epal!
"Buti naman at ikaw ang lumapit sakin. Para sa'ting dalawa, ikaw pa ang babae eh!"
Inilapag ko ang bag sa sahig at kinuha ang mga bitbit nitang materials.
"Babae naman talaga ako!" I hissed on him. "Hindi ba ako babae sayo? Sapakin kaya kita..."
I looked on his assignments and datas. Ah. Ito ang nakaka-miss gawin. I wish I can go back to my body na!
"Seat down here. Wag mo na laruin ang aso na 'yan!" Sita ko dito. "Tell me kung ano ang instruction sayo ni Ma'am para alam ko ang gagawin."
Javier and I sounded like a nerd while talking. Science and acceleration. Formulas and such! Tinuruan ko din siya kung ano ang gagawin when he encountered some problems again!
"You can call me if you are having a hard time. Wala namang kasi ito sa'kin..."
He laughed. "Ang sungit mo nga lapitan noong nakaraan! Tapos walang kaso? Tsk..." he shook his head.
Napasimangot ako. "Okay fine. I am so sorry then! Nakakainis ka kasi!"
Napabangon ang lalaki sa pagkakahiga niya sa carpet floor.
"Bakit ako nakakainis?"
"You are acting weird. I hate it," iyon na lang ang sinabi ko.
I will never tell him that he makes my heart thump because of his flirtatious actions.
Lumapit si Javier sa gilid ng kama.
"What weird? Since when I am weird?"
"Basta! Doon ka nga!" Tinulak ko ang pisngi niya palayo sa mukha ko. "Why are you so clingy!?"
"Kasi boyfriend kita!" Pabebeng sagot nito.
"Yuck, wag mo nga uulitin ang ganong tono!?" Gigil na sita ko sakanya. Naghahanap talaga ng away ang lalaking ito!
"Bakit totoo naman ha?! Nasa relasyon tayo—"
"Tsk! Gusto mo ba ako?!" Inis na sigaw ko dito. I didn't even intend to ask that. Pero iyong kamay niya kasi ay hindi matigil kakasundot sa pisngi ko!
"Oo sobra!"
I stilled. Ito na naman. Tinignan ko ang sariling mukha. I tried so hard to look at my face, makaramdam manlang ng turn off kasi sariling mukha ko ang may sabi noon...
Pero wala. My heart still beats like crazy.
Ah. I am not dumb to not know this feeling. But I like to deny it!
"Ako rin... gusto kita," amin ko dito at tumayo sa kama.
Napaamang ang labi nito, mukhang nagulat sa sinabi ko.
"Gusto kita sampigain," dugtong ko at akmang aabutin ang leeg niya pero nakaiwas! Ah, what a reflex!
Whatever is this feeling, I will let it. Hindi pa naman ako sigurado kasi... kaming dalawa lang lagi ang magkasama.
Pag bumalik ako sa katawan, I will flirt all the guys with my almighty! Ngayon, naiintindihan ko na si Javier. Maybe the two of us were just lonely and we ended up flirting each other na!
My body feels good in the morning. Hindi kami natuloy sa mount Beau dahil busy kami pareho, and the schedule conflicts.
So we decided to go back in there pagtapos na ang science fair at tournament.
Simula matapos ang usapan namin ni Javier kagabi ay tuloy-tuloy na ang ganong set-up. I often teach him in school sometimes, lalo na pag-break.
"Ang tamis niyo namang mag-jowa!" Si Suzy noong makita kami sa coucil's office. "Mga walang respeto sa vice president!"
We were the famous couple in the university. Matunog ang paglalandian naming dalawa dahil palagi kaming nagkikita na magkasama.
"Baby!" Tawag ni Javier sakin sa canteen.
Nakakahiya nga lang minsan. Kasi ang dating Celestial na parang galit sa lahat—ay ngayon mukhang baliw na kay Javier.
Hindi ko nga alam kung sinasadya niya ito!
Bago pa makalapit si Javier sakin ay natalisod siya! My mouth opened in disbelief. Tinignan ko ang babae na halatang dahilan ng pagtalisod ni Javier.
What the hell!? Nag-init ang ulo ko at lumapit doon.
Makakatikim sakin ang babaeng ito!