I came home with a smile on my face. Hindi iyon mabura dahil sa kakaibang nangyari kanina. It is flashing in my mind over and over again.
Paulit-ulit kong naalala ang imahe ng laboratory sa harap ko, my experiment. The ambiance and smell of my life—it was so inspiring na pumasok akong may ngiti sa bahay.
It felt like wala ng sisira sa mood ko. Until Mr. Castell is in front of me.
"You're finally home," aniya.
Isa sa mga napansin ko kay Mr. Castell ay sinasalubong lang niya si Javier pag pagsasabihan or papagalitan. I wonder what is his agenda today?
Tinanggal ko ang sapatos at hindi na lang tinignan ang matanda. I am trying to respect him kasi—may utang na loob ako sakanya bilang Celestial. Ngunit habang nasa katawan ako ni Javier ay unti-unti itong natatanggal.
"Do you need something?" I asked Mr. Castell.
Hindi ito nagsalita. Sa halip ay umiling lang siya sakin at tinignan ako ng masama.
"Did you know what the hell did you do, Javier?"
Nagtaka ako. Wala naman akong ginawa ngayong araw. This is pissing me off.
"Wala? Ano ba 'yon?" I asked him. "Can you tell so I have an idea?"
Gusto ko na kasing magpahinga. I want to lie in my bed already because my body hurts!
Napailing si Mr. Castell sakin.
"Charissa De Castro is my Karlos' daughter! Anong nangyari? Hindi ba sabi ko sayo ay galangin mo ang mga tao sa paligid ng business natin?!" He shouted on me.
Bigla akong napatigil sa sinabi nito. Oh. That Charissa?! Nakarating agad sakanya ang ginawa ko?!
Argh, this is what Javier is talking about!
"Now, they wanted to take off some stocks dahil lang sa pesteng pambabastos mo!" Duro ni Mr. Castell sakin.
I feel sorry. Hindi ko naman sinasadya na maging bastos kanina. It wasn't intended. Pero noong nakita ko kasi na bully siya—bakit hindi ko ito gagantihan?
Tumango ako para bawasan ang galit sakin ni Mr. Castell.
"I am so sorry, dad. Pero she is a bully. Alam mo ba kung bakit ko ginawa iyon?" Tanong ko pa.
Hindi nagsalita si Mr. Castell. He just shook his head instead and glared on me.
"Wala akong pakialam kahit ano pang dahilan yan, Javier! Now I am losing money because of you! Ang daming nawawala sakin dahil sayong inutil ka! Where did I go wrong raising you?! W-Why can't you be like your brother?!" Mabilis at madiin na sabi nito sakin.
Ramdam ko ang galit ni Mr. Castell—na kahit hindi ako si Javier ay nasaktan din para sakanya.
"Pero hindi ako mali! That Charissa bullied Celestial! I thought we are going to protect Celestial?!" I back up. Nakita ko kung paano nagbago ang itsura ni Mr. Castell. "I even confronter her earlier! Sabi niya ay matagal na siyang nabu-bully—but doesn't want to pick a fight because she knows about Charissa!"
Well, that's a lie. Kung ako ang nasa katawan ko ngayon—wala akong pakialam kung sino siya. I hate when someone is stepping on me!
"Charissa did that? But why?"
"Because Celestial and I are in relationship. How immature, right?" Natatawang tanong ko kay Mr. Castell sabay iling. "Wala namang ginagawa si Celestial—"
"See what you are doing!? Pinapahamak mo si Celestial dahil sayo!" Sabi niya sakin at mariin na umiling. "Hindi ka magandang ehemplo kay Celestial, Javier. Stay away from her already!"
My mouth opened in disbelief. Bakit naging kasalanan pa ni Javier bigla?! Si Charissa ang may problema sa ugali—tapos ako ang may obligado na i-correct siya? Argh, I hate this madness. It's getting unreasonable!
"Nakakahiya dahil sayo ay napapahamak si Celestial!"
I always have a huge respect towards this man. Pero pawala na talaga dahil sa paraan ng pag-trato niya sa sariling anak.
I wonder how Javier feels sa tuwing may ganitong pangyayari? Madalas na ako ang kinakampihan ni Mr. Castell and it felt good.
Pero ngayong nandito ako sa katawan ni Javier—now I know why he is so hostile and a rebel towards his father.
"Anong ginawa kong mali?" I asked Mr. Castell.
Kumunot ang noo nito. "Wala akong pakialam kung may ginawa ka o wala, Javier! What I am trying to say is you are not a good influence to her! Hindi ka ba naaawa sakanya?!"
Ah. This conversation is just in circles, at si Javier lang ang nagiging mali. Why does his own father hates him anyway?
I grip my bag up to my shoulders and shook my head on him.
"Dad, I didn't do anything wrong. Celestial and I are in a relationship. Si Charissa ang mali dito—kaya bakit ako?" I sighed in disbelief.
"Are you blind—"
"Ikaw ang bulag dito!" I hissed. Nilagpasan ko ito at kahit ano pa ang tawag niya sakin—I go upstairs na.
Mabuti na lang at hindi sumama si Javier ngayon sakin. Mas lalo pa kaming pag-iinitan noon ni Mr. Castell. Argh.
I am getting use to his football, at medyo natututo na siya ng science. It's like exchanging a lifestyle already.
Pagkatapos ko maglinis noong gabing iyon ay tinawagan ko si Javier.
"Hey!" He greeted over the phone. "Pinagalitan ka?"
Alam niya talaga! He is expecting that this will happened!
"What is your father's problem? Bakit ikaw ang sinisisi niya at ang relasyon natin?" Inis na sabi ko. "Kaya daw nasasaktan ako eh dahil sayo!? Hindi ba pwedeng pangit lang ang ugali ng Charissa na 'yan!?"
I heard him chuckled in my rant. Kaya mas lalo akong nainis. Pagod ako, oo. Pero mas matimbang ang inis sakin ngayon!
"Dad is like that," simpleng saad niya kaya mas nainis ako.
"Are you letting your dad treat you this way? This is so wrong ha!"
"Oh? What happened? You like may dad, hindi ba?" Natatawang tanong nito sakin.
Napairap ako. "Well, I like him because he sponsored my academic... and he is supportive to me too! Pero bakit sa sariling anak niya, hindi magawa?"
Hindi ito nagsalita. Kaya nagpatuloy lang ako sa pagra-rant.
"I mean, you are not bad! Hindi ka naman masamang impluwensya o ano! Sa tingin ko, pag may nangyayaring mali—Mr. Castell is always blaming you for it! Hindi ba pwedeng kasalanan talaga ng nasa paligid mo?!"
Hindi ito nagsalita ulit. I guess I am so right then!
Pumikit ako at tumagilid habang hawak ang phone.
"Naiintindahan ko na talaga why you hate your father," I told him.
Pagmulat ko ng mata ay nakita ko ang sarili...
"Javier?!" I hold MY PHONE!
Napahawak ako sa sariling phone. Kinapa ko ang dibdib! Meron!
"Celestial!?" I heard him over the phone.
Pero saglit lang na nangyari iyon—at bumalik ulit ako sa katawan niya. I was in awe. Hindi ako makapaniwala na... Nakabalik kami!
"D-Did you... just saw yourself in your own body!?"
"Yes, Celestial! I guess, everything can come back to normal! Sooner or later! Babalik na din tayo sa dating katawan!" He laughed in joy.
Gusto kong umiyak sa tuwa. This is really coming to an end! I can feel it! Malapit na kaming bumalik sa dating katawan!
"Pero paano nangyayari iyon? Did we do something that triggers it?" Takang tanong ko sakanya. "Dalawang beses ng nangyari..."
Pero wala naman talaga kaming ginagawa. Maybe our body is gradually shifting?!
"Javier, I am so happy!" I told him.
"Ako rin, masaya..." Aniya sa kabilang linya. "Finally, a normal life!"
"A normal life!" I dance in delight. Nawala ang badtrip ko ulit dahil sa nangyari.
I promised to myself na kahit anong mangyari ay hindi ko papatulan ang kahit anong bagay paggising sa umaga. I want to keep my good vibes. I even said to Javier to have our breakfast togethere sa cafeteria ng university to celebrate what happened.
But it's early in the morning when Mr. Castell showed himself in the dining area. Bakit kasi nadadaanan ng hagdan ng dining area ang bahay nila?
Mayaman sila, it should be separated manlang!
"Where are you going?"
"School. I won't take my breakfast here," I told him. "Why?"
"Come here. We will discuss something. Why are you in hurry?"
"My girlfriend is waiting for me."
Umiling si Mr. Castell. "You won't see your girlfriend not until you say sorry to Charissa, Javier."
Napairap ako. Ito na naman ba?
"Then I will apologize on her. Happy?" I told him para lang matapos na.
Napailing si Mr. Castell.
"I set a date already to restaurant," anunsyo nito.
Kumunot ang noo ko. "Sa tingin mo, pupunta ako?"
"Pag hindi ka pumunta, I will disqualify you to the team," he threatened me.
My eyes widened. Kaya niyang gawin iyon sa sariling anak!? Just because of a petty reason?!
"Subukan mong hindi pumunta, Javier. You know that I will do it."
"Just because of a petty reason?" Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya.
"It's not just that, Javier. Matagal ko na silang kasama, and what you did is the worst. Sinigiwan at pinahiya? Buti nga at hindi sila umalis sa kumpanya!" Duro nito sakin. "Now, do it or you will lose what you have!"
"Buti nga," si Jameson. Kung hindi pa siya magsasalita ay hindi ko siya mapapansin! Bwisit!
Gusto kong sigawan si Jameson at Mr. Castell dahil sa walang kwentang pinapagawa nila kay Javier. This is absolutely unfair! Kailangan may date para makapag-sorry!? I can just tell her, para tapos na!
It was suppose to be a beautiful and sunny morning for me. I was looking forward to this kasi nga ay may breakfast kami ni Javier!
Itinapon ko ang tissue sa cup at tapos ng ngumuya.
"Alam mo ba na I need to date that woman just to say sorry?" Inis na sabi ko sakanya.
"Well, it's not a surprise. Kaya nga iniiwasan ko gumawa ng mali kasi ikaw at ikaw lang ang mahihirapan," he told me then he shook his head. "See? Ikaw lang talaga ang nahirapan ngayon. Now you have to deal with Charissa."
Sinimangutan ko siya. "I don't want to go..."
"Then don't," aniya at hinawakan ang kamay ko. Pinunasan niya ang mga pagkain na naiwan sa kamay ko. "It's okay..."
"Hindi pwede! Your father threatened me that he will pull you out on the football team!"
"Then let him—"
Tinabig ko ang kamay niya. "Ewan ko sayo! Nandito na nga tayo eh! Tapos masisira lang dahil sa babae na 'yon?"
Tumawa si Javier at hinawakan ang kamay ko.
"Mainitin talaga ang ulo ng asawa ko..." He said.
Natigilan ako sa tinawag niya sakin. Asawa? Imbes bigyang punto pa iyon ay inirapan ko na lang siya.
"So how can I deal with that Charissa? Alam mo, Javier kung kami ang magkasama—baka lalo lang tayo parusahan ni Mr. Castell," I pointed out on him.
Napailing si Javier sa sinabi ko at tumango-tango.
"Tama, hindi maganda na ikaw lang. Should I come?" Tanong niya.
Napaisip ako at papayag na sana. Pero hindi ba—parang mukhang mali iyon?
Napasimangot ako. "You come? Hindi pwede! Magmumukha naman akong naghahabol at mukhang third wheel sainyo!?"
Ako ang legal na girlfriend sa public, pero makikita nila na stalker ako sa mismong boyfriend ko? That sounds so wrong ha!
"Pwede naman ako mag-get up! And I will text you lagi para paalalahanin na kumalma ka!" Sabi niya sakin.
Nanliit ang mata ko. Ayoko pa rin pumayag—but I need him there. Kahit hindi ko siya kita.
"Fine. Basta, text me what to do ha!"
"Just be a gentleman and don't do anything wrong, Celestial. Kung ayaw mo matagalan kay Charissa, don't do anything wrong."
Napairap ako. Wow, obligado na akong magpakabait sa babaeng iyon!
"Ngayon, parang kasalanan ko pa talaga ang nangyari. Kung hindi lang talaga pangit ang ugali niya—"
"Shh.. Calm down, baby. Iyan. Wag kang magpapadala sa galit mo. We both know that she is the one who is wrong. Hindi tayo. I know that. Huwag ka mag-alala. But the longer we do something wrong against them—mas madadagdagan ang araw na kailangan natin sila pakisamahan. So... I guess we should just obey?"
"Ganito ba talaga ang buhay niyong mayayaman?"
I thought living beyond your means or being rich to be precise is already everything.
Natawa siya. "Well, mostly, this is the case Celestial. It's all about money and power. It's about pleasing others to have a connection. You need to be a social butterfly kahit ayaw mo..."
My face wrinkled in annoyance. "Your life sounds like a tragedy."
"Tragic na sayo 'to babe? There is more!" He laughed at me.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nagkibit-balikat ako.
Sa usapan na iyon natapos ang aming breakfast. My routine was the usual—football practice and talking to Javier to learn more about his sport. Ganon din naman siya sakin.
"Javier! Ito ba ang pinangako mo saking improvement?! It's been two weeks, Javier! At mayroon ka na lang two weeks to improve kagaya ng pinapangako mo!" The coach shouted on me. "You act like a beginner! What happened!?"
Hinihingal akong hinarap ang coach.
"I am so sorry," hingi ko na lang ng tawad kasi iyon lang ang magagawa ko.
"Sorry?! Maipapanalo ba tayo ng sorry mo!?" Galit na tanong nito.
Napayuko ako. God, ayokong matanggal si Javier sa team—but I am acting poorly.
"Answer, Castell!" Sigaw pa nito.
"No sir."
"Ayon! Hindi tayo maipapanalo ng sorry at awa ko sayo!" Aniya. "Sorry to say this, Javier. Pero kung hindi kita makikitaan ng improvements, you can seat on your bench."
Bangko.
Tulala akong nakaupo sa bench habang hinihintay si Javier na lumabas sa laboratory.
Ako na ang sumundo sakanya.
The coach dismissed me earlier. Wala itong pasensya sakin at pinaalis ako.
"Celestia— Javier!" Tawag sakin ni Javier noong lumabas siya. He smiled on me when he is closed enough. "Ayos ha, sinusundo ako ng boyfriend ko for the first time."
"We have a problem!" Bungad ko sakanya.
"Problem?" Nawala ang ngiti nito. "What is it?"
"Javier, bangko ka." Sinabi ko na lang basta sakanya.
"Huh?" Hindi nito naintindihan ang sinabi ko!
I bit my lip. "Javier, bangko ka! Hindi pa naman sure 'to ha? Pero baka lang. B-Baka lang naman?" Alanganing sabi ko sakanya.
Naghihintay ako ng violent reaction sakanya. But he just nod his head instead.
"Akala ko naman kung anong bangko ang sinasabi mo..." Tawa niya at lumapit sakin para yakapin ako sa leeg.
Ang landi naman ng lalaking 'to!
He caress my face and smiled on me. "Okay lang yan... Hindi ka pa naman tanggal. Okay nga lang sakin na matanggal ka. Pag nasa bangko—it means that I still have the chance to play..."
Ngumuso ako. Pero hindi iyon ang goal ko. I want to play—pero sabagay... Kung nakikita ng coach na hindi ko kaya, bakit niya nga ba ako isasalang?
It will also tarnish Javier's reputation on football. He have a style and he is the hawk of the group. Baka magtaka ang tao dahil parang nag-iba nga ang galaw nito.
"Baby, okay lang. Stop overthinking about it, okay?"
Tinignan ko ng masama si Javier. Pinapanindigan na talaga niya ang pagiging jowa sakin.
Tumayo ako sa bench at hinawakan ang kamay nito.
"Kailan tayo babalik sa Beau?" I asked him.
Feeling ko, pwede talaga kami makabalik bago ang tournament!
Hindi ito nagsalita. Napapansin ko na tahimik ang lalaking ito these days. Laging malumanay.
"Huy," kinalabit ko siya.
"Ewan," aniya at nagkibit balikat. Ngumiti ito sakin. "Let's eat dinner? I'm quite hungry," he told me.
Tumaas ang kilay ko at tumango na lang sakanya.
The tournament and science fair is near. Meron na lang kaming two weeks. And I hope... we can get back already.
"Hey... Nandito pala ang magiging ka-date ko," sabi ng isang boses at walang habas na pumulupot sa braso ko habang hawak ang kamay ni Javier sa kabila.
Si Charissa!