"Hija, kung ano man iyang nasa isip mo ay huwag mo na sanang ituloy, hindi maganda yan. Kasalanan iyan sa Diyos." payo sa akin ni Sister Mona. Bigla akong napatingin sa imahe ni Cristo na nakapako sa krus pero agad ko rin iniiwas ang tingin ko. "Patawarin nyo po ako Sister Mona," mahinahong sabi ko. Pero hindi ko sinabing hindi ko itutuloy ang plano ko. Lima silang madre dito na kumukupkop sa mga batang naninirahan sa lansangan. Pinapakain nila at binibigyan ng masisilungan. I admired people like them. Lalo na at may mga anak na rin ako. Kahit ako ang nasa kalagayan nila. Gagawin ko rin yun sa ibang mga bata. Isang linggo na ang nakakaraan. Ngunit wala ni isang naghahanap sa akin. Hindi pa rin bumabalik si Gabriel na hindi ko alam kung si Gabriel nga ba. Dahil kung talagang ang asawa ko

