Hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Malakas siya at kulang pa ang naiipon kong lakas para tanggalin ang kamay niya sa leeg ko. "Marco! Anong ginagawa mo kay Natalia!" rinig kong sigaw ni Sister Mona. Natigilan naman si Marco. Binitawan agad ang leeg ko. Nakatingin siya sa akin ng masama habang panay ang ubo ko. "Hindi siya dapat naririto Sister Mona." sambit nito. Ang kaninang maamong mukha ay naging kakaiba ang tingin sa akin. "Marco, huwag kang magsalita ng ganyan. Tungkulin natin ang tumulong sa mga nangangailangan." malumanay na sambit ni Sister Mona. Pilit na pinapakalma ang galit na si Marco. "Sister Mona, hindi ko hahayaan na sirain ng babaeng ito ang tahimik nating kumbento. Hindi po ba kayo natatakot na baka maulit ang nangyari noon? At bakit mo po ipinapasuot sa kanya ang

