AVP-Chapter Forty Five

1435 Words

Kinaumagahan, maayos kaming kumakain na parang normal na araw para sa amin. Masaya kami at nagtatawanan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa akin si Gabriel. Hindi rin ito umuwi kagabi. Nagtataka naman ako kung bakit? Hindi ba siya nasasabik na makita at makasama ako matapos ang pagkawala ko? Si Niña ang ang aasikaso sa mga bata habang ako ay tulala at malalim ang iniisip. "Ate Nat. Kain ka lang ng kain para manumbalik ang dati mong lakas," alok sa akin ni Niña. Nginitian ko naman ito at ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain. Kagabi ng makita ko si Niña na ganoon ang hitsura ay nag isip ako ng hindi maganda ngunit sinabi naman nito sa akin na may hinahabol lang daw itong daga. Sinilip ko ang kwarto niya ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Sinisi ko pa ang sarili k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD