Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba, gayong hindi naman dapat ako nakakaramdam ng takot para kay Gabriel. Kadalasan ay kilig ang nararamdaman ko sa asawa ko kada kakausapin ako nito. At ang tawagin ako nito sa pangalan ko ay labis na nakakapagpakilabot sa akin dahil simula ng maging mag asawa na kami. He never called me by my name. "W-wala naman Gabriel. Siguro naninibago lang ako sayo dahil sa pagkawala ko noon," tipid akong ngumiti kahit hindi naman iyon ang dapat na sasabihin ko. Ginawa ko na lang palusot. Galit ang mga mata nito kaya hindi ko ito makayang tingnan. Pati mga mata nito nagbago ang pagtingin sa akin. Hindi na kagaya dati na punong puno ng pagmamahal. Lumapit ito sa akin. Napatingin naman ako kay Niña na hindi gumagalaw sa kinauupuan nito at nakatungo lang.

