"Gabriel!" gulat na sigaw ko mula sa isang panaginip. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko habang nakaub-ob. Ngayon ko lang napansin na nasa isang silid ako ng hospital. Nakakapagtaka kung bakit ako nakadextrose. "T-teka?" nakapahawak ako sa aking tiyan. Ang baby ko? Hindi pa man kumpirmado na buntis nga ako pero ramdam ko yun sa sarili ko. Alam kong buntis ako. Nais ko ng maiyak hindi pa man ako kumpirmado sa aking iniisip. Is my baby gone? Gumalaw si Gabriel. Agad na umayos ng pagkakaupo ng makita ako. "Thank God, You're awake!" natutuwang sabi nito. Niyakap kaagad ako pero hindi ko siya niyakap. Hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Nakahiga lang ako na parang walang buhay? "Where is my baby?" matigas na tanong ko habang nakatingin sa gilid. Humiwalay ito ng yakap sa akin. "Don't

