"Boss! Ang dami na nila!" gilalas ng driver. Lalo akong nahintakutan. Nakarinig ako ng sunod sunod na putok. Nanlaki ang mga mata ko ng tanggalin ni Ganbriel ang dextrose na nasa kamay ko. Napaigik ako dahil sa sakit. "I need to do this! Hindi ka nila pwedeng makuha sa akin." Rinig ko pang sabi nito bago nito balutan ng masking tape kamay kong dumudugo. "s**t ka Gabriel! Anong ginawa mo? Ang sakit!" napapaluha ako dahil sa sakit ng kamay ko. "Take it easy, mawawala rin yan maya-maya." Pinilit niya akong makatayo kahit na alam niyang nanghihina pa ako. Binuksan niya ang pinto ng van. Nanlaki ang mga mata ko! Balak ba niyang tumalon kami! "Gabriel, no! Huwag mong ituloy ang binabalak mo! Baka mapahamak kami ng magiging anak mo." pigil ko sa gusto nitong gawin. "We have no choice Na

