Dahan-dahan itong lumingon sa kinaroroonan ko. Halos mahigit ko ang aking hininga sa kaba. Tama ba ang hinala ko? Pero paano? Napailing na lang ako sa laman ng aking isip. "Why? What about Anthony? Are you scared of him?" biglang sabi nito pagkaharap sa akin. Natatakot pa nga ba ako kay Anthony? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Pinakinggan ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ba akong takot kapag naririnig ko ang pangalan nito. "No. Hindi na ako natatakot sa kanya." matapang na sagot ko habang nakatitig sa mga mata ng taong kaharap ko. He clicked his tounge. "Oh really huh? Talagang matapang na ang asawa ko." Ngumisi ito. Tumitig ito sa akin habang sinusukat kung hanggang saan na nga ba ang tapang ko. "Wala ng lugar ang kaduwagan sa akin ngayon. Lalo na at may kailangan na akong

