Bumalik na kami sa kwarto matapos maghapunan. Naligo muna ako dahil naalibadbaran ako kanina sa pamamasyal namin sa park at sumakay pa kami sa kabayo. Matapos ko maligo, napatingin ako kay Grace na nakahiga sa kama habang gumagamit ng iPad. Naalala kong may usapan kami ni Ninong na pupuntahan ko siya sa room niya kapag tulog na si Grace. "Grace matulog ka ng maaga ha. Bukas na yung kasal ni Mom at Dad." "Hapon pa naman yung kasal nila kaya okay lang tanghali na magising." "Ano ka ba, matulog ka ng maaga nang makapag beauty rest ka. Baka bukas hanggang pisngi mo na ang eyebags mo sa kakagadget mo." Asik ko sa kanya. "Beauty rest? 9 years old pa lang ako Ate. Ikaw ang matulog ng maaga para sa beauty rest." Natatawa niyang sabi. "Matutulog talaga ako ng maaga kaya ikaw matulog ka na ri

