Pagdating namin sa park, agad akong umupo sa isang bench at tinext si Ninong na pumunta sa park. Ilang minuto ang nagdaan na wala siyang reply. Siguro nakatulog siya dahil uminom sila ng alak. Hihintayin ko na lang siya na magising. Siguradong kapag nabasa niya ang message ko agad niya kong pupuntahan sa park. "Yana, let's ride the horse." Sabi ni Kalix na nakatingin sa mga kabayo. Nakita ko si Hanson at mga pinsan ko na sumakay sa kabayo. "Eh wala pa ko sa mood sumakay. Hinihintay ko rin si Ninong. Pupunta kasi siya." Sagot ko kay Kalix. Sumama naman ang mukha niya. "Bahala ka kapag nahuli kayo dito!" Sabi niya sabay alis sa harap ko at tinungo ang mga kabayo. Kinausap niya yung nangangasiwa doon. Maya maya ay sumakay na siya. Bigla tuloy ako nasabik na sumakay din sa kabayo. Kaso si N

