Bakit? Yun ang tanong ni Rain habang binabagtas niya ang highway papuntang manila. Bakit, bakit ako kinakabahan? Bakit ako natatakot? Paulit-ulit niyang tanong sa kanyang sarili. Inihinto niya ang kotse sandali at ipinilit ang kanyang mga mata. "Promise me Rain please." He pleaded. "Promise me you'll come back." Naramdaman ni Rain ang pagsipa ng kanyang puso. Nagkanda buhol buhol ang kanyang mga iniisip. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Gusto kong mangako. Aniya sa sarili. Gusto kong mangako nababalik ako dito, dito mismo sa lugar na 'to pero, hindi ko magawa. Ayaw niyang magbigay ng mga salitang magpapaasa lang kay Luke kasi alam niya malaki ang posibiledad na hindi na s'ya makabalik. Kinalas ni Rain ang pagkakayakap ni Luke sa kanya. Pilit niyang nilakasan ang loob. "I can

