Ilang putok ng baril ang narinig ni Lucas kaya naman dali dali niyang tinignan ang kanyang kaibigan. Nakahinga siya ng maluwag nang makita si Rain na nakaiwas at nakatago sa isang pader at nakikipagputukan kay Neil. Nakita rin niya ang ibang mga tauhan na nakikipagbarilan sa mga kauhan ni Mr. R at Neil. Agad niyang sinenyasan ang kanyang mga kasamahan na pumosisyon. Kailangan nilang maging maingat. -- "Pucha!" Rain hissed, as she looks at Neil. Tumatawa tawa pa ito na para bang walang kinakatakutan kahit na nasa gitna ito ng bakbakan. Buminrong hininga siya at saka kinasa ang dala niyang baril. "Bahala na!" Aniya sa sarili at pinaputukan si Neil. Agad niyang natamaan ito sa kaliwang braso tatamaan niya sana ulit nang makailag ito at nagtago sa isang pader. Agad na lumipat ng pwesto

