Pitong folders ang kailangan na tignan ni Rain sa araw na iyon. Nakakunot ang kanyang noo at binubusisi ang bawat papel para sa mahahalagang impormasyon. Wala dapat siyang makaligtaan. Huminga siya ng malalim at saka sumandal sa kanyang upuan. Kumatok si Lucas sa kanyang pinto kaya naman napanangat ng tingin si Rain. "What?" tanong niya sa kaibigan. "Those two suspects are now ready for interrogation Rain." May hawak hawak itong dalawang folder at may nakasulat na "Confidencial". Tumango siya at akmang tatayo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya si Luke na tumatawag. Nagtaka naman siya. Saturday is her rest day, at ang inatasan niyang magbantay kay Luke ngayon ay si Agent Ramirez na pasikretong pinapanood ang binata sa malayo. Sinagot niya ang tawag. "Bakit?" tanong niy

