"Aray! Dahan-dahan naman." Nakabusangot na saad ni Luke kay Rain habang ginagamot nito ang sugat ni Luke sa kamay.
Masama namamang tinignan ni Rain si Luke at saka umirap. This guy is really reckless! "Sir sa susunod kasi maingat ka wag kang basta basta naghahamon ng away!"
Luke pouted, "Hindi ako ang naghamon, nauna siya pumatol lang ako malaki ang pinagkaiba no'n." Pagdadahilan nito. Sumimangot si Rain.
Ngumiwi si Luke nang diniinan ni Rain ang pagpahid nito sa kanyang sugat.
"Aray naman!" reklamo niya
Hindi ito pinansin ni Rain at nag-focus sa paggamot sa sugat nito. Nararamdaman niya ang titig ni Luke pero hindi niya iyon pinansin kahit na medyo naasiwa na siya. makatitig kasi kala mo isa akong super hero!
"How come na kaya mong makipaglaban ng ganun Rain." Luke asked her. Bigla siyang napatigil at nagisip kung anong idadahilan niyang rason.
"My dad trained me to be strong." Yun lang ang sinabi niya at nagpatuloy sa paggamot sa sugat nito.
"Wala ka bang kapatid na lalaki? Ba't ikaw?"
"I have two brothers, Luke pero wala silang interes kaya ako nalang ang umako." Binitawan ni Rain ang kamay ni Luke at saka tinignan ang binata sa kanyang mata.
"What?" Aniya saka kumunot ang noo dahil sa sobrang lalim ng tinigin nito sa kanya.
"Nothing, just that noong mga nakaraang araw sinisigawan kita but now? You are taking care of me." Bumuntong hininga siya. "How odd."
Natawa siya at saka ginulo ang buhok ng buhok ni Luke. "ba't sa tingin mo gaganti ako?" she said, kahit na sa totoo lang ay gumanti talaga siya. she remembers the time she slapped him in the face hard. "There are people who won't ask you in return. May mga taong gusto lang makatulog at hindi humihingi ng kapalit."
Tumayo si Rain at saka inayos ang sarili. "Paano ba yan sir, aalis na 'ko."
Akamang maglalakad na siya palayo pero hinigit siya ni Luke sa kanyang kaliwang kamay. Matapang na sinalubong ng binata ang kanyang mga mata kaya naman napalunok siya.
"Maraming salamat." He said.
A warm feeling invades her heart. Ngumiti si Rain at saka nagsalita, "Walang anuman."
--
"Sir may meeting kayo mamayang ten o'clock am for some investors. By twelve naman po may lunch meeting kayo sa Rozen hotels at bandang three naman ng hapon sir eh, may mga documents kayong kailangan pirmahan."
Tumango tango si Luke, akamang aalis na si Rain nang biglang may maalala siya. "Sir?"
Napaangat ng tingin si Luke sa kanya. "Sir, kanina tumawag yung kapatid niyo na bunso sabi ni Rance. The little girl said she misses her kuya."
Unti-unting lumambot ang mukha ni Luke at ngumiti. May isa pang tumawag kanina at si Lorrain iyon pero hindi na niya binangit pa. alam niyang ayaw na pinaguusapan ni Luke ang dalaga.
At, ayaw niya nanaman na magalit ito baka madamay pa siya ulit.
Tumango si Luke kaya naman dumeretsyo si Rain pantry, kailangan niyang magtimpla ng kape para sa boss. Habang nagtitimpla naramdaman niya ang pagvibrate ng kanyang cellphone.
From: Agent Ramirez
Ma'am the chief wants to see you this Saturday, May mga reports din po na ibibigay si Sir Lucas sayo sa sabado. Ma'am
Agad siyang nagreplay ng oo at saka pumasok ulit sa opisina saka nilagay ang kape sa lamesa ni Luke. She was about to leave when Luke opened his mouth and said, "Ms. Fontanel cancel all my afternoon schedule gusto kong umuwi sa bahay namin."
Napatingin siya kay Luke. Uuwi ito? "Ho?"
"I want to go home, to visit my family this afternoon so please tell Rance since kababalik lang niya naman sa cebu to cancel all my afternoon appointments." Tumango siya. "and you are coming with me."
--
Isang malaking mansion ang sumalubong kay Rain. Napalunok siya sa sobrang laki ng bahay, napakalawak pa nito. May garden at fountain sa harapan ng bahay at may isang malaking gate na may tatlong guard na nagbabantay.
Hindi siya makapaniwala na sobrang yaman pala ng mga Santiago. Kaya siguro ito ang puntirya ng syndicate.
Pumasok sila sa loob at hindi siya makapaniwala dahil puro marmol ang sahig. Napakakintab pa nito at pwede ka ng manalamin. Agad na sumalubong sa kanila ang sampung maids at sabay sabay na yumuko.
"Welcome Home, Sir." Anila at sabay sabay pa.
Napatingin siya kay Luke na walang reaksyon sa mukha. Palibhasa sanay na samantalang siya para siyang nasa wonderland sa laki ng bahay. Nagpatuloy siya sa pagtingin sa bahay.
"Prepare some snacks." Nagalakad si Luke kaya sinunadan ko siya. "By the way where is mom and dad?" tanong niya sa isang katulong.
"Wala po sila Sir, May inasikaso po ang tatay niyo sa Cebu at mamayang gabi pa ang uwi ang nanay niyo naman po ay siya muna ang namahala sa mga naiwan na trabaho ng tatay mo kaya wala po sila ngayon. Baka po mamayang hapon ang uwi ni Ma'am."
"Where is Mica?"
"Nasa kwarto po sir, nagkukulong nagpupumulit kanina na lumabas pero hindi po pinayagan ni Ma'am."
Umalis na ang katulong at saka humarap si Luke kay Rain. "Let's go." Nagsimulang maglakad si Luke paakyat ng hagdanaan.
"Ha?" agad na sumunod si Rain kay Luke. "Saan tayo pupunta?"
Hindi ito umimik at patuloy lang sa paglalakad. Sumunod lang si Rain. Maya-maya ay huminto sila sa tapat ng kulay pink na pintuan. Kumatok ng dalawang beses si Luke bago ito nagsalita. "Mica, baby open the door." Malumanay at malambing na sabi nito.
Napatingin naman si Rain sa kanya at hindi makapaniwala sa lambing ng boses nito.
Nakarinig ng yabag si Rain papalapit sa upuan. Unti-unti itong bumukas, isang batang babae na nasa sampu ang edad ang lumabas sa pinto. Nakasuot ito ng damit at shorts. Tinignan ito ni Rain mula ulo hanggang paa. Namamaga ang mga mata nito ibigsabihin ay umiyak ito.
Nang Makita niya si Luke ay agad na yumakap si Mica sa binata. "Kuya...." Anito.
Niyakapa naman ng mahigpit ni Luke ang kapatid at pinatahan. "Shhh.. what happened?"
"Ayaw ni Mama na makipaglaro ako kila Dennis, hindi naman kasi ako maglilikot eh!" pamimilit nito.
Napangiti naman si Rain, "Mom wants you to be safe Mica kaya wag ka ng magreklamo."
Mas lalong sumimangot ito at umirap sa kapatid. Naramdaman ni Rain na tumitig sa kanya si Mica kaya naman ngumiti siya.
Unti-unting ngumiti si Mica at agad na lumapit sa kanya. "Is she your girl kuya?" excited na tanong nito.
Natawa si Luke at umiling. "No she's my personal assistant."
Mica pouted. "Eh?" tumingin si Mica sa kanya kaya naman kahit naiilang si Rain ay ngumiti siya. "She's pretty and I bet she's nice too, how come she's not your girl?" tanong ulit nito.
"Things are not always easy as that Mica."
Hinawakan ni Mica ang kamay ni Rain at tumingin ang bata sa kanya. "Can I call you ate?" she asked.
Unti-unting hinaplos ng puso ni Rain. "Sure, I'm Rain and what's your name?"
"Emica Michaella Santiago po. Mica for short."
Rain smiled. "I'll call you Mica then."
Lumapit sa kanya si Luke at saka nagsalita. "Tara labas tayo."
"Ha?" ani Rain.
"Let's enjoy the day together since kanina pa bored si Mica bahay labas tayo."
Napatingin ang dalawang babae sa kanya. Nakita naman ni Rain ang unti-unting pagbabago ng expresyon ni Mica. Ngumiti ito ng malapad saka yumakap sa tuhod ng nakakatandang kapatid. "Thank you!"
--
"Hey! Dahan dahan sa pagtakbo!" sigaw ni Luke sa dalawang babae pero hindi nagpaawat ang dalawa. Agad silang tumakbo kung saan nandoon ang roller coaster at agad na sumakay.
Nang makasakay na sila ay tumingin ang dalawa kay Luke. "Bilis Luke! Wag kang KJ!"
"oo nga naman kuya bilis."
Natawa nalang si Luke at tumakbo para makasakay. "Wooo!" sigaw ni Mica at Rain habang si Luke naman ay nakatitig lang sa kanila.
Malaki ang ngiti ng dalawa habang pataas ng pataas ang roller coaster na sakay nila.
And in one swift bumilis ang andar ng roller coaster. "Wooooo!" sigaw nilang tatlo at tumatawa pa.
Nararamdaman nila ang excitement at saya sa kanilang rides.
As the roller coaster goes up and down mas lalong lumalakas ang sigaw at tawa ng tatlo hanngang sa matapos ito. Bumaba agad sila at naghanap ng maari pang pwedeng sakyan.
They spent their whole afternoon riding those rides and enjoying hanggang sa magsawa sila. Nagenjoy din si Rain. She treasured simple moments like this. Hindi na niya kasi ito nagagawa simula noong naging agent siya and she kinda like it.
Minsan gusto niyang magrelax pero hindi niya magawa.
Hawak-hawak ni Rain ang isang kamay ni Mica at ganun din si Luke. Habang naglalakd ay napatigil sila at tumingin sa ulap. Different colors of fireworks started painting the dark sky.
Napahinto silang tatlo at napatingin doon. "Thank you Rain." Biglang sabi ni Luke at napatingin si Rain sa lalaki. Tumingin si Luke sa kanya at ngumiti rin. Agad niyang binuhat si Mica para Makita nang maayos ang fireworks.
Tinignan ni Rain ang dalawang magkapatid. Silently she promised herself to protect them, even if it cost her life.
--