8

1651 Words
"Are these all the reports?" Tanong ni Luke sa kanya. Ipinasa lang naman kasi niya ang mga reports ng past na meetings nito sa iba't ibang client at mga documents na pinaayos nito noong mga nakaraang araw. Since wala si Rance siya lahat ng nag-ayos no'n. Tumango si Rain at saka sumulyap kay Luke. Base sa mukha nito wala namamang nangyaring masama. Mukha nga itong walang pakialam. Bumuntong hininga siya. kung alam lang nito na muntik na 'tong mamatay kagabi kung wala siya sa tabi niya. Sa susunod wag mung magpakasarap, dapat tignan muna kung mapapahamak. Nang mahuli niya kagabi ang babae ay agad niyang tinawagan si Agent Ramirez para ikulong ito. Nagpalipas siya hanggang madaling araw sa condo ng binata at umalis din ng bandang five. Tinignan ulit ni Rain si Luke sa mukha. Hindi malabong maulit ang eksena kagabi. She needs to act right away. Mukhang hindi nalang basta basta ang kinakalaban nila. Whoever the leader is she'll hunt him down. Huminga siya ng malalim. Kailangan ni Luke ng babala. "Sir, magingat po kayo sa susunod." Aniya. Napatingin si Luke sa kanya. Of course mapapatingin si Luke she just said those words carelessly. Pero simula ngayon kailangan na niyang magingat. "I can always take care of myself Rain you don't need to tell me that." Nakangising saad nito. Kung alam lang nito... Napasimangot naman si Rain at palihim na umirap. Kung alam lang nito. Kung alam lang nito ang nangyari kaninang umaga tignan lang natin kung masabi pa niyang ang mga salitang binitawan nito. "Sir, pupunta naman po ba kayo sa bar mamayang gabi?" Napatingin si Luke sa kanya. Ang kilay nito ay may isang linya at tila nagtatanong. "Bakit mo alam na nasa bar ako? Are you spying on me?" Lihim siyang napangisi. "No sir, nakita lang kita kahapon doon." "And what are you doing in that kind of place?" "Nothing sir. Just drinking" Tumaas ang kilay ni Luke tila hindi ito sangayon sa kanyang rason. Umiling nalang ito. "Wag kang nakikialam sa buhay ng may buhay Rain." "Sir, Being involve in your life is one of my priority." Nakangising saad niya. "How so? You are just my Personal assistant nothing more." "Exactly sir! Kaya dapat sa bawat oras kasama mo ako!" "What are you? My body guard?" "Pwede rin!" Natawa si Luke at umiling. Nakita ni Rain ang paghakbang nito palapit sa kanya. Napahakbang naman siya palikod. "how sure are you na isasama kita mamaya?" nakangising sagot ni Luke sa kanya. Napahinto siya sa pagatras at sinalubong ang mga titig niya. Ngumiti si Rain ng matamis at kumindat pa! "Basta sir sama ako mamaya ha?" "Fine!" natatawa ng malakas si Luke at saka wala ng nagawa si Luke. Alam niyang hindi siya nito titigilan. Ano bang meron sa personal assistant niya na halos gusto araw-araw na buntot sa kanya! -- Napatingin si Luke sa babaeng nagda-drive sa tabi niya. Napabuntong hininga nalang siya at saka umiling. Balak niya sanang wag na itong sumama kaso mapilit. Talagang inunahan pa siya nito sa sariling kotse at nagprisinta na siya nalang daw ang mag-da-drive. Umiling nalang siya at saka sumulyap sa binata at pinanood ang pagpatak ng ulan. Binuksan ni Rain ang radio ng kotse and the song break even blasted on the radio. "I'm still alive but I'm barely breathing, Just prayed to God that I don't believe in. 'cause I got time while she got freedom, 'cause when a heart breaks, no, it don't break even" Nakita niya ang pagsayaw ng ulo ni Rain at sumabay ito sa kanta. Napangiti naman siya at umiling nalang. Rain is a very strange and weird girl but still totoo ito. Sa konting panahon na nakasama nito nakita niya kung gaano ito nagtimpi. Isang babaeng totoo sa nararamdaman. When she wants to say something hindi ito nagaatubiling sabihin sa kanya. Kaya pa nga siya nitong murahin. How crazy! "What am I supposed to do when the best part of me was always you? What am I supposed to say when I'm all choked up and you're okay? I'm falling to pieces, yeah" He chuckles when he remembers it. kaya nito ang sarili sa kahit ano mang sitwasyon. She knows her words and actions. Ibang iba sa mga babaeng nakilala niya. Ibang iba sa babaeng sumira sa tiwala niya. Bumuntong hininga si Luke at pinagmasdan ang basang kalsada. Hindi niya mapigilan na alalahanin si Lorraine. Ang babaeng akala niya mahal siya, akala niya pakakasalan na niya pero tangina lahat lang pala iyon akala. Ipinikit niya ang mata saka sumandal sa upuan. He doesn't want to flirt tonight pero gusto niyang magpakalasing. Idinilat niya ang kanyang mata, Hindi naman sila nasa opisina might as well invite her. "Umiinom ka ba Rain?" tanong niya sa empleyado. Napasulyap sa kanya ang dalaga sa rear view mirror. Unti-unting sumilay ang ngiti nito. "Ba't sir? Gusto niyo ng kasama?" nakita niyang ngumiti ito. "Aba! Hindi kita tatanginahn basta ba libre ayos yan." Natawa nalang siya bago nagsalita. "Fine let's drink my treat." -- "Sir ba't kayo nagaya na uminom?" tanong ni Rain sa boss niya na abala sa pagtunga ng beer. Palihim niyang inikot ang kanyang mata sa buong lugar para subaybayan at makilatis ng maigi ang lugar. Para na rin makasiguro siya na ligtas si Luke. So far wala siyang naramdamang kakaiba kaya naman kumuha siya ng isang beer at saka tumunga rin doon. Napahiyaw siya nang maramdaman ang alak sa sistema niya. Oh how she miss drinking! "I just want to forget, Rain." Marahas siyang napalingon kay Luke. Ah! Broken hearted pala ang boss niya. "Problemado sir? Aba! Dinadaan mo sa alak eh." Aniya at saka tumawa. Uminom siya ulit. She can't believe that nakikita niya ang side ng isang Luke Santiago na ganito. Sa pagkakakilala niya kasi sa binata babaero ito. Napatingin si Luke sa kanya at doon niya nakita ang lungkot nito sa mata. Lorraine hurts him that bad, huh? Kahit naman kasi playboy nasasaktan parin. Kahit naman kasi siya na ang pinaka walang puso sa buong mundo nasasaktan parin ito. Minsan sakit pa nga ang dahilan kung bakit tayo nagbabago. Sakit na hindi natin kaya at hinayaan nalang natin na kainin tayo ng buhay. "Minsan hiniling ko sana hindi ko nalang siya nakilala. I thought she was the thing that ever happened to me pero mali pala ako, all she did was gave me a heartache! A f*****g heartache." Napasubsob ito sa counter ng bar kaya naman napailing nalang siya. Natamaan na siguro ng alak ang boss niya kaya nagda-drama. Hindi si Luke pag nasa opisina sila. "Kaya gusto mong makalimot?" tumunga ulit siya ng alak. Malakas ang alcohol tolerance niya at sanay na siya kay hindi malalasing kahit ilan ang inomin niya. Tumango si Luke, "Gusto ko ring mamanhid. Sana wala nalang akong nararamdaman." She smiled at him at saka tumunga ng alak habang hinagod ng isang kamay ni ang likod ni Luke. "Sir, hilingin mo man o hindi makakaramdam ka parin ng sakit, because you are human. You are bound to feel pain." "So wala akong karapatang sumaya?" he sarcastically said. "Wala akong sinabi, ang sabi ko masaktan at masasaktan ka pero hindi na ito ang katapusan. Pain won't be able to destroy you until you gave it the permission. Nasa sayo kung hahayaan mo ang sarili mo namaging miserable sa huli. It's always our choice, choice if we are going to move on or not." Aniya at unti-unting inalala ang mga katagang sinabi sa kanya ni Lucas noong nasasaktan din siya. "Pero bakit ganun, sobrang sakit naman kasi." Ani pa ni Luke at tila nagsusumbong. "Ganun talaga sir, pain can give us lessons in life, valuable lessons that we can carry in the near future kaya pagnasaktan ka go! Sir iiyak mo pero wag mong hahayan na siran ka nito ng todo. H'wag mong hayaan na kanin ka nito ng buhay." She said as she tries to cheer him up. Hindi kasi siya sanay na malungkot ito. Sanay siya napalagi itong sumisigaw at kung ano-ano pa ang pinapagawa sa kanya. Napangiti si Luke at tumunga ng alak. "You are weird Rain Denise." Anito sa kanya. Ngumiti lang siya at pasimple ulit na tinignan ang buong lugar. Numbers of people are decreasing yet she doesn't feel anything. Mukhang walang aatake ngayong gabi. Sumulyap siya kay Luke na halos maubos na ang pangatlong bote nito. "Sir, Cr lang." saka siya tumayo. Tumango lang si Luke. Dumeretsyo siya sa CR at saka nilabas ang kanyang cellphone. She texted agent Ramirez para malaman kung may nakuha na bang information pero wala para. Napabuntong hininga siya at saka bumalik sa kinuupuan nila ni Luke pero nagulat siya ng wala na doon ang lalaki. Agad niya itong hinanap. Sa kanyang paghahanap may nakita siyang mga taong nagkukumupulan. Agad siyang nakihalubilo doon at laking gulat niya nang Makita si Luke na nakaupo sa gitna dumudugo ang kamay nito habang may isang lalaking dumudugo ang gilid ng labi ang akmang susuntok kay Luke. Hindi na siya nagatubili at agad niyang sinalo ang suntok na para sana ay kay Luke. Narinig niyang napasinghap ang mga nanonood ganun din si Luke. "R-Rain?" Napatingin siya sa boss. "Sir, sa susunod wag kang nakikipagaway kung kani-kanino lalo na't lasing ka!" she hissed. Walang nagawa si Luke kundi tumahimik at panoorin ang laban ni Rain sa lalaking hinamon niya kanina. Nakita ni Luke ang pagilag ni Rain sa bawat suntok na binigibay noong lalaki. Hindi niya maiwasang mamangha. She fights like a professional fighter hindi niya iyon maiitatangi. Sinuntok ni Rain ang kalaban sa tiyan at walang pagaalinlangan na sinipa ito sa mukha. Tumalsik ang laway nito at tila naduling ang mga mata bago bumulagta sa sahig. Narinig ni Luke ang pagkamangha ng mga tao at ganun din siya. Lumapit sa kanya si Rain at hinawakan ang dumudugo niyang kamay dahil sa bubog na nasagi niya kanina. "Sir, magingat ka po." Anito sa kanya at saka sinuri ng maayos ang kanyang sugat. Sa hindi malamang pagkakataon naramdaman ni Luke ang pamilyar na pagsipa ng kanyang puso. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Tinulungan siya nitong makatayo. "Uwi na tayo Luke, kailangan magamot yan bago mainfection." Napakagat siya sa kanyang labi at saka umiwas ng tingin. Hindi niya pa kasi napapakalma ang puso. Dapat pala hindi nalang siya uminom ng alak! Hinayaan niya na dalhin siya ng babae kung saan. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD