EPISODE 1
Nasa labas kami ng room namin at iniintay yung kaklase ko na may hawak ng susi ng room.
Hindi pa rin kami nakakapasok hanggang ngayon dahil nga sa wala pa din. Ang dami ko ng kaklase na nagrereklamo dahil nga magsi-simula na ang klase namin sa social study ang aming first subject and need namin doon ng books. Ang books na kakailanganin namin doon ay nasa loob ng room namin at hindi nga namin makuha dahil sarado ang room.
Hindi rin kami pwedeng ma-late sa aming first subject dahil istrikta yung teacher namin doon. Though mabait naman siya pero madalas kaming napapagalitan dahil sa pagiging late namin sa kanya. Importante nga naman kase ang isang oras na klase at mabilis lang din maubos iyon, naghahabol din kami ng lesson dahil nalalapit na rin ang aming exam.
Siniko ako ng kaibigan kong si Chester, agad ko siyang nilingon at kita ko agad ang ngisi niya sa labi. Sumenyas siya ng tingin sa akin at tumingin sa direksyon na tinutukoy niya na dahilan ng kanyang ngisi.
Kumunot ang noo ko at agad na nilingon ang direksyon.
Halos nabuhayan ang puso ko pero may halo paring kaba sa aking dibdib.
"Buo nanaman araw niya!" pang-aasar ni Chester.
Napalakas ang pagkaka-sabi niya non kaya siniko ko rin siya pabalik at sinimangutan.
Hindi parin siya tumitigil sa pag-tawa nang dumating na yung kaklase ko na may hawak ng susi na si Jizel.
Halos ang karamihan sa mga kaklase ko ay masama ang tingin sa kanya dahil nga sa natagalan siya.
"Late nanaman tayo nito!" pagpapa-rinig ng isa kong kaklase at kitang-kita sa mukha nito ang pagka-irita kay Jizel.
Lahat kami ay nag-madaling pumasok sa room para kuhain ang kanya-kanya naming libro. Ang ibang nauna na sa loob ay kaagad na nakuha ang libro at agad na bumaba sa pangatlong palapag ng building namin. Ang room kase namin ay dito sa pang-apat na palapag kaya bago ka pa maka-akyat at maka-pasok sa room, sobrang pagod at pawis ang a-abutin mo.
Nang nakuha na namin ang libro, sabay-sabay na kaming bumaba nila Chester at Marisse, dali-dali din kaming pumasok sa room ng aming first subject teacher na si Ms. Alegre. Katabi ko si Marisse sa subject na ito samantalang napalayo naman si Chester samin. Buti na lang at wala pa si Ms. Alegre, kaya ang lahat ay nag-basa na ng sari-sariling notes at ang sinulat na lecture kahapon, madalas kase na binibigla kami sa recitation ni Ms. Alegre. Ganon din naman ang ginagawa naming magka-kaibigan.
Napabaling ako sa lalaking papalapit sa dereksyon ko, siya si Julius. Ibang-iba siya sa mga kaklase kong lalake at siya yung tipo ng sobrang tahimik at may pagka-suplado.
Pero sa kabila ng pagiging ganoon niya, may magandang pangangatawan at itsura din siya kaya marami ding nahuhumaling sa kanya. Siguro lahat ng babae ay siya ang ideal type, kaya nga hindi na ko umaasa na magugustuhan niya ko. Ibang-iba kami ng mundo, sigurado ako na alam niyang may gusto ako sa kanya. Kaya paminsan-minsan ay iniiwasan niyang maki-halubilo sakin.
Okey lang naman sakin iyon pero may parte sakin na nai-inggit ako sa ibang mga kaklase namin na nakikipag-usap siya o kaya naman nagpapa-tulong. Noon, nung hindi niya pa alam na gusto ko siya, palagi siyang nagtatanong or nagpapa-tulong sakin sa ibang mga subject namin. Masaya ako kapag nagpapa-tulong siya, kase syempre! Dun lang kami nakakapag-usap. Pero ngayon, paminsan-minsan na lang.
Nahahalata ko din na iniiwasan niya ko, hindi ko din naman alam pero wala naman akong magagawa. Hindi ko hawak ang kanyang nararamdaman. Bali-balita sa akin ng kaibigan ko ay may gusto siya kay Arabela, kasunod lang ng section namin.
Kahit ako, nahahalata ko na din yon dahil madalas ko din naman siyang pinag-mamasdan. Ito pa ang malala! Sabi ni Chester sa akin, madalas daw binabanggit ni Julius si Arabela.
Meron kase kaming performance sa school na pinagha-halo ang two section bago ito i-go-group. Sumakto naman na naging magka-grupo sila.
Dun na nagsimula na mag-kwento sakin si Chester tungkol kay Julius at kay Arabela. Boyfriend kase ni Chester ang kaibigan ni Julius na si Rico kaya minsan na ding nai-ke-kwento ni Rico si Julius sa kanya.
Hindi ko rin naman ma-sisisi si Arabela, napaka-bait niya sa totoo lang. May natural na ganda na bagay sa kanyang morenang balat. Madalas lang itong tahimik at simple lang din ito kung manamit. Hindi katulad ko na hyper lalo na kapag kasama ang mga kaibigan, hindi rin ganoon kagandahan, pwes! Di naman talaga!
Madalas kase akong inaasar ng iba kong kaklase lalo na ang mga lalake. Madalas din akong pinag-uusapan ng palihim ng mga babae.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiki-tungo nila. Siguro ganon na talaga ang kapalaran ko habang buhay. Nasanay naman na ako pero hindi parin naman mawawala yung sakit na nararamdaman ko kapag inaasar nila ako.
"Tina taba! Penge papel!" sigaw sakin ni Carlo, isa sa mga kaklase kong lalake na madalas at nangunguna sa pang-aasar sakin.
"Ayoko nga! Kapal ng mukha mo!" reklamo ko.
"Bilis na!" hinugot niya ang papel na nasa ibabaw ng aking lamesa at mabilis kumuha ng isang pirasong papel.
Umiling na lang ako at nanahimik, madalas niya iyon ginagawa sa akin. Wala akong magawa dahil mas lalo niya lang akong lalaitin at pagta-tawanan.
Humalakhak siya at napahawak sa tiyan.
"Wala ka palang palag Tina taba eh!" dagdag pa nito.
Ang iba kong kaklase ay nakisama na sa tawa niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng walang gana kumilos.
"Good Morning everyone! Pass your index card we will have a recitation now" sambit ni Ms. Alegre at umupo na sa upuan na nakalagay sa harap ng klase, may nakalagay din doon na table. Ang iilang libro na dala niya ay nilapag niya doon.
Dun na ako kinabahan dahil hindi pa pala ako nakakapag-review, mas lalo akong nawalan ng gana at nangibabaw ang pangangamba ko.
__________
Break time na namin ngayon at aaminin ko, sobra akong kinabahan sa first subject namin kanina. Buti na lang at hindi natawag ang pangalan ko, sermon kase ang aabutin ko kay Ms. Alegre kung hindi ako maka-sagot.
After ng first subject namin umakyat na uli kami sa room dahil doon kami nagle-lesson sa second subject. Naging mabilis din naman ang pagtu-turo ng teacher namin at nag-bigay lang ng short quiz tungkol sa tinuro niya.
Wala yung teacher namin sa third subject kaya nanatili lang kami sa room namin, halos lahat ay mga nag-uusap lang at lahat ay may kanya-kanyang ginagawa.
"Tina! Dun tayo oh, dali! Ang ganda don!" pag-aaya ni Chester.
"Sige tara dun tayo!" dagdag ni Marisse.
Hinila ni Chester ang kamay ko papunta sa kung saan nila gusto, hindi naman na ko tumutol sa kanila. Pero mukhang hihingalin nga lang talaga ako kung iisipin.
Medyo malayo kase iyon, pero tanaw namin na maganda ang spot doon dahil puro halaman at puno, may mga iilang mga bulaklak na nakapaligid kaya masarap din kumuha ng litrato doon.
Nang nakarating na kami doon, halos isiksik ako ni Chester sa katawan niya pati na rin si Marisse para sa litrato.
"One, two, three. Smile!" sabi ni Chester na hawak-hawak ang kanyang cellphone.
Tinignan namin iyon at maganda ang kuha.
"I-send mo sakin yan ah, ang ganda!" kitang-kita kay Marisse ang pagka-tuwa.
"Teka, anong oras na ba?" tanong ko.
Napa-tingin si Chester sa kanyang orasan.
Tinignan din ito ni Marisse.
"Hala! Malapit na pala mag bell! Akyat na tayo room dali!" sabi ni Marisse.
Halos ang dalawa at tumakbo na at ako naman ay binilisan lang ang lakad. Hindi ko sila mahahabol pero hinihingal na talaga ako. Sinubukan kong tumakbo para maabutan sila, hindi ko na rin pinansin ang mga ibang mga estudyante sa daan.
Habang tumatakbo ako, may sumigaw na kung sino sa likod ko. Kaya't medyo bumagal ang takbo ko hanggang sa natigilan ako.
"Sige takbo pa Tina taba! Nang pumayat ka naman!" asar nito sa akin.
Rinig ko ang tawa nito pati ang iba niyang mga kasama. Hindi ko parin ito nililingon, dahil natatakot ako.
Natatakot ako baka kasama siya roon, baka kasama si Julius doon.
Unti-unti akong lumingon sa likuran ko.
Kitang-kita ko ang mga mukha nilang lahat, kitang-kita ko din kung paano nila ako pinagta-tawanan. Sobrang sakit, bakit ganito palagi? Nangingilid na ang mga luha ko, dahil halos lahat ata ng mga naroon ay nakikitawa na rin
Hindi ako nagka-mali, kasama nila si Julius. Napa-titig ako sa kanya ngunit hindi siya nakikisama sa kanila na tumawa.
Seryoso ang tingin niya sa akin, hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko parin ang kahihiyan at poot sa sarili. Mas lalong bumaba ang tingin ko sa aking sarili.
"Ano?! Takbo na! HAHAHA!" dagdag pa ni Carlo.
Naka-titig parin ako kay Julius, ganoon din naman ito sa akin.
Pinagpasa-pasahan ko sila ng tingin ko ramdam kong kitang-kita na sa mga mata ko ang takot at panlulumo.
Nang may biglang humatak sa braso ko.
"Halika na Tina!" si Chester ang humatak sa kamay ko, nilingon ko siya at kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. "Hoy ikaw Carlo! Tigilan mo nga itong kaibigan ko at baka tuluyan na kitang masapak!" bulyaw nito kay Carlo.
"Gusto mo bang isumbong kita kay Tita Gen?! O kaya naman sasabihin ko na lang ang kalokohan niyo ni Stacy?!" dagdag pa ni Chester.
Biglang natahimik ang lahat sa pag-tawa pati na rin si Carlo. Nag-iba na ang mood nito, kitang-kita sa kanya ang pagka-badtrip sa sinabi ni Chester.
"Ulitin mo pa at-" si Chester.
"Teri 'yaan mo na, lika na" sabat ko sa kanya.
Ako naman ngayon ang humawak sa braso niya. Hinayaan niya na lang din naman ako na hatakin siya palayo.
Nang maka-akyat na kami sa pinaka-taas ng building namin, tumakbo ako sa cr.
Pumasok sa isang cubicle at dun na ako nagsimulang umiyak, umiyak ako nang walang tunog na naririnig. Tanging ako lamang, dahil sobrang sakit.
Alam mo yung umiyak ka sa isang sitwasyon na nangyari sayo pero habang iniiyakan mo iyon, naalala mo rin yung mga masasakit din na nangyari sayo noon kaya mas lalong tumahimik ang pag-iyak ko. Hindi ko maiwasan mapa-hawak sa aking bibig dahil ayaw kong may maka-rinig sa akin.
May marahang nag-tulak sa pinto ng aking cubicle.
"Tina...." si Marisse na kasama si Chester.
Lumapit ang dalawa sa akin. Niyakap nila akong dalawa, dun na ako mas lalong umiyak.
Pero ngayon, hindi ko na pinigilan ang tunog ng pag-iyak ko.
Hinayaan ko ang aking sarili na ibuhos lahat ng luha ko habang nananatili padin ang yakap ko sa kanila. Naramdaman ko ang unti-unting pag-tapik nila sa aking likod, hinayaan lang nila akong umiyak nang umiyak kahit na tumunog na ang bell.
Nang tumigil na ang pag-iyak ko. Biglang nag-salita si Marisse.
"Hayaan mo na sila Tina, darating ang araw na ikaw naman ang susuka sa kanila at sila naman ang magiging matakaw sa atensyon mo" payo nito sa akin upang mapagaan ang loob ko.
"Oo nga sis! Tsaka parati lang kaming nandito sa tabi mo para suportahan ka, who you talaga yan sila kapag gumanda at naging sexy ka!" dagdag naman ni Chester.
Natawa naman si Marisse kaya't nahawa kami ni Chester.
Nawala na ang sakit na naramdaman ko, napagaan na nila ang loob ko at nagkaroon na ulit ng lakas para lumaban sa tinatahak kong suliranin sa kasalukuyan.
Nag-kwentuhan at nagtawanan pa kami saglit bago pa namin napag-desisyunan na bumalik na sa klase.
Sinuot ko ang aking salamin sa mata upang matakpan ang namumugto kong mga mata.
Hindi namin naramdaman ang kaba sa pag-pasok namin sa room. Dahil nga napagaan din namin ang loob ng isa't-isa.
Pag-dungaw namin sa room, wala ang aming forth subject. Dahilan na mas lalong natanggal ang kaba na naramdaman.
Pumasok na kami agad sa loob at sumalubong samin si Kael at ang sabi nito ay walang klase sa forth subject.
_____________
Dalawang oras ang lumipas at ngayon ay nasa ika-huling subject na kami. Buti na lang at walang group activity na pinagawa samin ngayon kaya makaka-uwi ako ng maaga sa bahay namin.
Sa huling subject namin na ito, hindi ko katabi ang kahit na sino man sa dalawa kong kaibigan kaya mas lalo lang akong naka-focus sa tinuturo ng aming teacher.
Lahat naman siguro ay nakatutok sa tinuturo dahil malakas ang katahimikan sa room at wala kang maririnig na kahit anong kaluskos.
Sa kalagitnaan ng pakikinig ko, nakaramdaman ako ng pangangalabit galing sa likod ko.
Agad ko itong nilingon, tumambad sa akin ang mukha ni Julius. Siya ang nangangalabit sa akin at para akong nilamig nang malaman na siya iyon. Unti-unti akong nakaramdam ng tuwa.
Naka-ngiti ito sa akin at alam kong may kailangan ito kaya ako nito kinakalabit.
Nilapit niya ng kaunti ang mukha niya at inaamin ko, lumakas ang kabog ng dibdib ko nung ginawa niya iyon
"May tubig ka pa? Penge" bulong niya sa akin at nananatili padin siyang malapit sa akin at itinuon niya ang kamay niya sa likod ng aking upuan.
"A-ah, O-Oo!" sagot ko.
Dali-dali ko namang kinuha ang tubigan ko sa bag at mabilis na inabot sa kanya.
Humarap na uli ako sa nagtuturo naming teacher, hindi ko na kase mapigilan ang pag-ngiti ko dahil sa sobrang kilig. Ewan ko ba! Pero kahit humingi lang siya ng favor sa akin, sobrang saya ko na at buo na ang araw ko kase kinausap at nakausap ko siya.
Hindi ko na tuloy nasundan ang mga itinuturo dahil sa kakaintay kong isauli niya ang tumbler ko. Hindi na kase ako lumilingon sa likuran, baka ano pa ang maisip niya.
Maya-maya ay nag-ring na ang bell. Agad naman nang nagpa-alam ang teacher namin na sa susunod na araw na lang ituloy ang discussion.
Masaya kaming nagsi-tayuan at kunin ang bag para maka-uwi na. Sino nga ba namang hindi excited umuwi lalo na't pagod na sa school.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko, tinanaw ko si Marisse at Chester dahil sabay-sabay kase kami umuwi, madalas naming ginagawa iyon. Pero kapag may mga kanya-kanyang group practise sa school, hindi na kami sabay-sabay umuwi.
Natanaw ko naman na sila agad at akmang lalapitan na ang dalawa nang may humila sa braso ko.
Nakaramdam ako ng takot, may mali ba akong nagawa? Nilingon ko ito, natakot parin ako pero sa ibang dahilan at mas lalong nawala na sa sarili.
"Yung tubigan mo pala" iniabot niya sa akin ng mabilis at akmang tatalikuran ako. "Salamat" dagdag nito at umalis na nang tuluyan.
Naiwan naman akong nakatulala sa kinatatayuan, crush ko yon syempre kaya mabilis akong mataranta kapag malapit siya sa akin o natatanaw ko kaya mas lalo akong nagpanic lalo at bigla na lang natulala sa nangyari.
Hindi ko na naiwasan na mapa-ngiti dahil sa sobrang saya at kilig na nararamdaman. Sino ba naman ang hindi kikiligin doon, ang gwapo kayo ni Julius!
Nakalimutan kong hawak niya nga pala ang tubigan ko dahil sa nakinig uli ako sa dini-discuss.
Ang iba kong mga kaklase ay nagkukumpulan na sa pinto ng aming room dahil gustong-gusto nang makalabas at maka-uwi.
Hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa aking labi. May biglang umakbay sa akin kaya naman para akong mapapa-luhod sa ginawa nito.
"Hoy! Ba't ka nakangiti ha?!" pang-aasar ni Chester.
"Ano ba Chester!"
"Aba ikaw ah! Para ka namang nanalo sa lotto niyan sa ngiting yan!" sabi nito sabay halakhak
Totoo nga naman siya, para nga akong nanalo sa lotto.
"Pinagsa-sabi mo!?" sagot ko
"Asus! Kunwari pa, tara na nga!" Sagot ni Chester.
Nakalabas na kami sa gate ng school namin, tawanan lang kami ng tawanan. Ang sarap talaga nilang kasama. Naging kaibigan ko sila simula Grade 7 kaya't kilalang kilala ko na sila. Ngayon ay Grade 9 na kami at nasa kalagitnaan kami ng 3rd Quarter.
"Walang iwanan ah, daoat magkakasama parin tayo hanggang Grade 10" sabi ko.
Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, biglang natahimik si Marisse at nawala ang tawa nito.
"Mga sis, hindi ko maipapangako sa inyo yon" bigla itong nalungkot at ayaw na ituloy ang sinasabi.
"Bakit naman? Hindi pwede yon" reklamo ni Chester.
"Lilipat na kase kami ng bahay sa Rizal, nagawa na yung bahay namin doon. Alam niyo naman na nangungupahan lang kami dito" sagot nito sa amin.
Bigla kaming nalungkot pareho ni Chester at nagkatinginan kaming dalawa.
Hindi na kami umimik at nagpaalam na kami sa bawat isa. May kanya-kanya parin kaming destinasyon pauwi sa mga bahay namin.
Nandito na ko sa tapat ng bahay namin, dito pa lang sa labas ng pinto ay rinig ko na ang pagtatalo nila Mama at Papa, ngayon ko lang sila narinig ng ganito. Binuksan ko ang pinto, tumambad sila sa akin, natahimik silang dalawa.
"Ano nangyayari Ma?" tanong ko sa kanila.
"Wala, ito kaseng Papa mo, naprapraning lang sa pinapanood niya sa tv" katwiran nito.
Tumawa si Mama, pero alam kong peke iyon. Si Papa naman ay seryoso ang tingin sa tv. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinasabi nila pero alam kong hindi.
Ang narinig ko lang kase nung nasa labas pa ko ay "hindi nila pwedeng agawin sa akin ang anak ko" yun ang sabi ni Mama.
Hindi ko alam kung ako tinutukoy ni Mama o si Kuya. Pero feeling ko ako.
Pero ang weird.
Hindi ko na lang inisip ulit iyon, umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi na ko kumain kase wala akong gana.
Natulog na lang din ako agad.
Ang buhay namin ay napaka-simple lang.
Mahirap lang kami, si Papa ang ang nagtatrabaho sa aming pamilya. Si Mama naman ang nag-aasikaso sa amin sa araw-araw. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit mahirap lang kami, nabibigay parin nila ang mga pangangailangan ko at higit sa lahat, masarap magluto si Mama.
Masaya na ako sa ganitonv buhay, pero syempre gusto ko parin naman na maranasan nila ang gaan ng buhay kaya nga nagsisikap ako mag-aral.
Umaga na at tulad ng nakagawain ko araw-araw, lagi akong pumapasok ng maaga.
Nakain ako ngayon sa klase, wala pa namang teacher kaya go lang ako sa kain ko.
Wala pa si Marisse at Chester, lagi naman silang sakto lang sa oras kung pumasok.
May tumabi sa akin na lalaki, nakatingin ito sa akin habang kumakain ako.
Nilingon ko ito at tumambad sa akin ang mukha ng Carlo.
"Kain ka nang kain Tina taba ah!" pang-aasar nito.
"Wala kang pake" sagot ko.
"Para hindi na kita asarin, bigyan mo na lang ako" sabi nito sabay ngisi.
Akmang dadampot na siya pero nilayo ko ang pagkain ko. Hinabol ng kamay niya yung pagkain ko kaya medyo napalapit pa ito sa akin. "Akin na!" dagdag pa nito habang inaabot ang pagkain ko.
"Tumigil ka nga" sagot ko, nakakaramdam na ko ng takoy kase alam kong galit na siya sa akin. Parang gusto ko na ibigay pero hindi pwede dahil hindi pa ako kumakain. Kailangan ko kase talaga kainin ito dahil iinom ako ng gamot.
"Isa!" Inaabot niya parin ito. Ang iba naming kaklase ay nakatingin na sa amin.
"Hoy Carlo, lagi mo na lang ginugulo si Tina, siguro crush mo na si Tina" sabi ng isa naming kaklase.
Nakaramdam ako lalo ng takot kase baka umusok lalo ang tainga ni Carlo.
Tinignan ko ang mukha ni Carlo.
"H-hindi ah!" Katwiran nito, umiwas siya ng tingin at itinigil na ang pag-abot sa pagkain ko.
May biglang dumungaw sa pinto namin, mga tropa ni Carlo sa ibang section.
"Carlo, tara na!" Aya ng mga ito kay Carlo.
Tumakbo si Carlo sa mga ito at sumama.
Naiwan naman akong nakatingin doon at pinagpatuloy ang pagkain ko. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil wala na siya.
____________
Natapos na ang klase namin, uuwi nanaman ako sa bahay.
Wala ng away akong nadatnan, tawa na uli nang tawa si Mama at Papa sa pinapanood nila. Ewan ko ba, pero nakagawain na nila yon na nanonood ng tv. Si Mama naman nakayakap pa kay Papa, sana all. Charot!
Umakyat na ko sa taas, medyo maaga pa ngayon kaya tamang soundtrip lang habang pinagmamasdan ko ang langit. Sa gilid kase ng kama ko may malaking bintana kaya kita ko ang kalangitan.
Naka-bukas ang aking data nang may biglang may nagchat. Tinignan ko iyon at nakita kong nagmessage sa akin ang aking pinsan. Ang pangalan nito ay Ema, maganda ito at may maputing balat kumpara sa akin kaya nga favorite ito ng aming Lola. Maraming lalaking nahuhumaling sa kanya at nakukuha niya ang lahat ng gusto niya.
Kaya minsan, nakakaramdam ako ng inggit dito. Iniisip ko, ano kayang feeling ng nakukuha mo lahat ng walang pag-aalinlangan, yung hindi ka mapapa-isip kung nag-aksaya ka kase may mas dapat pagtuunan.
Pero ayon, wala naman akong magagawa, thankful parin naman ako kahit ganito lang kami.
Lumabas ka, andito ako kila Lola- Ema
Hindi na ko nagreply, lumabas na ako at kinita siya.
"Hi sissy! I miss you so much" bati ni Ema sakin. Kausap niya si Lola, natigil lang ito nung dumating na ako.
Habang nakatayo ako, tinignan ako ni Lola taas-baba. "Tina magbawas ka nga ng kinakain, hindi maganda tignan katawan mo" sagot ni Lola.
Nakaramdam nanaman ako ng pagkamuhi sa sarili, feeling ko may mali nanaman sa akin. Alam mo yung feeling na okey ka na sa nangyari lang kahapon tas ngayon makakaramdam ka nanaman ng down.
"Masarap kumain 'La eh" tinawanan ko na lang at umiwas na lang ng tingin.
Nakita ko sa table ang isang bistida na kulay pula, galing nanaman siguro iyon kay Lola. Meron pang heels na kulay ginto.
"Dito muna ko sa loob ah, may aasikasuhin lang ako" sabi ni Lola sa amin.
Tumango lang kami ni Ema
"Tara bili tayo sa labas, libre ko" aya ni Ema. Kinuha niya ang paperbag na hawak niya at inilagay doon ang bistida at heels na binigay sa kanya.
Hindi ako umimik sa aya niya
"Kay Lola galing yan noh?" ayoko na sanang itanong pero bigla na lang lumabas sa aking bibig.
Tanggap ko naman na hindi kakasya sa akin ang mga bistida na ibinibigay niya kay Ema, pero nakakaramdam ako ng inggit. Parati na lang kaseng ganito, kapag tuwing pupunta si Ema, laging may bigay na bistida si Lola dito.
Isang beses naman ay nabigyan ako ng aking lola, kwintas na may kalumaan na. Pero maganda naman ito, isang beses ko nga lang nagamit dahil naputol agad.
Pero iba magbigay si Lola kay Ema, laging bago at kakabili lang. Tuwing ito'y aalis at mamasyal. Minsan nga ay isinasama niya si Ema sa pamamasyal, samantalang ako, sinasama niya lang ako kapag tumanggi si Ema.
Sakit diba? Hindi naman sa pagiging OA...
Pero yun yung nafefeel ko eh, paborito niya si Ema. Iyon ang sumasampal sa pagkatao ko, parang wala siyang ibang nakikitang apo. Parang si Ema lang talaga.
Dalawa lang ang naging anak ni Lola, ang aking papa at ang tita kong si tita Eizel. Nag-iisang anak lang ni tita Eizel si Ema. Kay Papa naman, dalawa. Ako at si kuya Jiroh.
Back to reality...
"Ah, oo! Si Lola lang naman nagbibigay ng ganito sakin, di ka na nasanay" sagot nito habang inilalagay ang mga damit sa loob.
"Saan nga pala tayo pupunta?" pag-iiba ko.
"Dun sa bagong cafe"
Naglakad na siya palabas ng gate. Itong bahay ni Lola ay malaki, sa totoo lang, mayaman ang Lola namin. May mga negosyo kase siyang pinapatakbo. Pero kahit kailan, hindi ako nito nabilhan, hindi tulad ng kay Ema na naguumapay ang laging dalang paper bag kapag bumibisita siya kay Lola.
Lagi akong pumupunta kay Lola dito sa bahay niya para magmano tuwing umaga, yun kase ang bilin ni Papa at Mama sa akin. Pero kahit minsan, wala siyang iniabot sa akin.
Wala naman akong problema doon, pero kapag nakikita mong nagaabot siya sa iba niyang apo, dun ako nasasaktan. Tinuruan ako ni Papa na kahit walang ibigay sa akin, ituring ko parin siyang aking Lola. Iyon naman ang ginagawa ko, hindi ko nga pinaparamdam sa kanya yung nararamdaman ko ngayon.
Sumunod ako kay Ema.
-------
Nandito na kami sa cafe, pumasok kami sa loob. Isa lang itong maliit na cafe, nakakapagtaka.
Tanging cashier lang at iilang upuan. Siguro limang tao ang kapasidad.
"Ano ang sayo?" tanong sakin ni Ema.
Tumingin ako sa menu.
"Basta kahit anong iced coffee"
Nilibot ko uli ang paligid.
Nang matapos na siyang umorder, hinila niya ang aking kamay.
"Tara na! I'm really excited Tina!" hiyaw nito.
Nilapitan namin ang isang staff na nakatayo sa gilid ng pader. Tinulak niya ang pader na ito. Namangha ako kase parang isang secret door siya.
Ang ganda sa loob nito, may mga customer din sa loob nito at may mga kanya-kanyang ginagawa at pinagkekwentuhan.
Umupo kaming dalawa sa isang table, magkaharap kami ni Ema.
Nakatingin lang ako sa kanya, pero abot langit ang ngiti niya sa akin.
"Saan galing ang pera mo?" tanong ko.
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala lang, sino nga?" pangungulit ko.
"Sino pa ba? Edi kay Lola" natahimik ako lalo. Di ko alam ang aking sasabihin. "Bakit? Naiinggit ka nanaman" dagdag nito.
"Bat ako maiinggit?"
Wala akong emosyon, di ko na alam ang aking sasabihin.
"Pasalamat ka nga at nilibre pa kita dito"
"Ikaw naman ang nagsabi na ililibre mo ko, bat parang isinusumbat mo sa akin?" parang gusto ko na magalit.
"Hoy, masyado kang seryoso sis!" sagot nito.
Kinalma ko ang sarili ko, alam ko namang wala siyang kasalanan o kahit isa sa kanila ni Lola. Ako lang itong napraning na lang bigla dahil sa nararamdaman ko.
"Sorry, may period kase ako! Kaya medyo wala ako sa mood" pangangatwiran ko.
"Here's your order mga Ma'am" singit ng isang staff na lalaki. Nakangiti ito sa aming dalawa habang inilalagay ang order namin sa lamesa. Umalis din ito agad.
"Salamat nga pala sa libre mo" ininom ko na ang iced coffee na libre sakin ni Ema.
"Tina, na-miss talaga kita sis" nakatingin sa akin si Ema.
"Ako din naman" umiwas ako ng tingin.
Maya-maya pa ay tumayo si Ema at pumunta sa kinalalagyan ng mga staff. Parang counter din iyon.
May iniabot ang staff sa kanya.
Dali-daling lumapit sa akin si Ema.
"Tara laro tayo!" aya ni Ema sa akin. Umupo na siya sa kanyang table. Gusto niyang maglaro kami ng chess.
"Wait magc-cr lang ako, saan ang cr dito?" tanong ko sa kanya.
"Doon!" Inginuso niya ang kanya labi sa bandang kanan malapit sa counter.
Tumayo ako at dali-daling pumunta roon, naiihi na talaga ako kanina pa.
Pagpasok ko sa comfort room, may nasanggi ako. Nalaglag ang ilang mga papeles na hawak niya.
"Ay naku! Sorry po! Sorry po talaga" paliwanag ko, hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil yumuko ako agad at tinulungan siyang pulutin ang mga ito.
Sa isang papeles, may nakita akong nakadikit na litrato ng isang batang babae. Hindi ko sinasadyang makita iyon. Kinuha niya iyon agad sa akin.
"P-pasensya na po talaga" sambit ko.
Nilingon ko na ang mukha niyo.
Isang parang nasa thirty years old na babae ang tumambad sa akin. Maganda ito at mukhang mayaman.
"Okey lang iha" ngumiti ito sa akin at umalis sa harapan ko.
Pumasok na ko sa loob at umihi.
Binalikan ko agad si Ema.
Naglaro kami ng chess. Sobrang nag-enjoy kaming dalawa. Tawanan at tsismisan din ang ginawa namin.
Kahit ganoon siya at nakakaramdam ako ng inggit. Mahal ko parin ang aking pinsan na si Ema. Siya na ang kasama at kalaro ko simula nung mga bata pa kami.
_______________
Tatlong linggo na ang nakararaan, nakaupo ako sa aking upuan dito sa school. Nasa kalagitnaan na kami ng exam sa third quarter.
Nasagutan ko naman ang lahat nang maayos, breaktime na ulit namin.
Katabi ko ngayon si Julius, may sinusulat siya sa kanyang papel.
Hindi ko siya tinitignan baka kung ano pang isipin niya.
Hindi ako nagpapahalata na gusto ko siya pero alam niya naman HAHA!
Tumango ako sa aking lamesa, maya-maya pa ay may kumalabit sa akin.
Nilingon ko iyon at inayos ang upo.
"Tignan mo nga kung maganda ito" ipinakita sa akin ni Julius ang kanyang drawing.
Hindi siya magaling mag drawing pero naiintindihan naman kahit papaano kung ano ang drawing niya.
Hindi pala siya nagsusulat kanina.
"Maganda naman" tipid kong sambit.
"Talaga?" paninigurado nito.
"Naiintindihan naman ang drawing mo" sagot ko.
"Ang galing mo talaga" sagot nito.
Nabuhayan ako bigla! Hindi ako makapaniwala din.
Ngayon na lang niya ulit ako kinausap , nakakapagtaka. Ang saya ko, ang sarap sa pakiramdam.
Lumapit siya ng bahagya sa aking tainga.
"Alam mo ba, nakita ko si Chase. Natingin siya sa notebook niya" kwento nito.
"Weh? Ba't niya ginawa yon?"
"Desperada na"
Si Chase ay kasama sa top 10 ng klase namin.
Hindi ko inakala na ginawa niya iyon, hindi kase halata sa maamo niyang mukha. Hindi rin halata sa kanya dahil may angking talino talaga siya.
Ang dami pang kwento ni Julius sa akin. Hindi parin talaga ako makapaniwala.
"May tubig ka pa ba? Pahingi nga ako"
"Meron pa naman" sagot ko kay Julius. Kinuha ko ang tubigan sa aking bag. Siya ang dahilan kung bakit sinisipag ako maghugas ng tubigan ko palagi eh, binababad ko pa ito minsan sa mainit na tubig para lang matanggal yung mikrobyo. Para kapag uminom siya, safe na safe.
Nakakabaliw talaga siya.
Grabe naman kase talaga! Sinong hindi magkakagusto kay Julius, may mapupulang labi, singkit na mata at hugis na hugis ang kanyang panga. Matangkad din ito at may maputing balat, maganda ang buhok. Ang ganda ng kanyang mga kamay at napaka-bango niya.
Habang umiinom siya, kitang kita ko ang kanyang paglagok. Ang hot niya tignan.
Iniwas ko ang tingin sa kanya, hindi ako nagsalita.
Ang katabi ko sa kaliwa ay umalis sa kanyang kinauupuan. Bumili ata sa kung saan...
Maya-maya pa ay umupo na lang bigla doon si Carlo.
Napatingin ako sa kanya, siya naman ay nakatingin din sa akin, ngumiti ito sa akin. Yung ngiting pang asar. Alam kong may sasabihin nanaman siyang hindi kaaya-aya.
Pumihit ako ng kaunti sa direksyon ni Julius. Napatingin ito at natigilan ng saglit.
"HOY TINA! Bakit ayaw mo ko pansinin?" pangungulit ni Carlo.
Hinawakan niya ang aking balikat at akmang ipipihit sa direksyon niya.
"Ano ba Car—" magrereklamo na sana ako.
"Tumingin ka sakin!!!"—