Raziel Raffia Lynwood’s Pov We are now back on the 25th floor. But we decided to use different stairs to avoid facing a horde of erian. Isang erian palang naman kasi ang kailangan namin sa unang part ng experiment kaya mas makakabuti kung magiging maingat kami. Hindi namin gugustuhin na matulad ang sitwasyong ito sa kung ano ang nangyari sa amin kahapon. “Let’s put our camp here,” sabi ni Azu matapos i-check ng Archdemon ang paligid. “This is a safe area pero mas makakabuti kung hindi nyo masyadong lalakasan ang boses niyo kapag nagsasalita. Manipis kasi ang pader ng kwebang ito kaya may posibilidad na lumabas ang boses natin dito kumpara sa unang kwebang napuntahan natin kahapon.” “Tingin mo ba ay may dumadaan na mga low rank erian sa area na ito?” tanong ko sa kan

