Raziel Raffia Lynwood’s Pov Makailang beses akong napapalunok ng sarili kong laway habang hinihintay ang paglalapit ni Monica at ng erian na siyang pasugod sa kinalalagyan namin. Hindi ko maiwasang kabahan lalo pa’t wala akong nalalaman sa kung ano ba ang kakayahan ni Monica. Pero sinasabi naman nila na ito ang pinakamalakas sa Archdemon kaya paulit-ulit kanilang sinasabi sa akin na huwag akong mag-alala dahil walang mangyayaring masama dito. Isa pa, ito lang din daw kasi ang nag-iisang kasama namin na kayang pigilan sa pagkilos ang isang erian nang hindi ito pinapatay kaya wala talaga akong magawa kundi ang maghintay na lamang. Ang plano ko talaga ay huwag alisin ang aking mata kay Monica ngunit hindi ko kinaya na panoorin ang lahat sa sobrang kaba na nararamdaman ko k

