Raziel Raffia Lynwood’s Pov “Oh s**t!” Bahagya akong napaatras nang makilala kung sino ngayon ang lalaking nasa harap ko at siyang pinuno ng mga taong nakapaligid sa akin na may hawak na sandata na nakatutok sa akin. “Mag-ingat ka, Raffi,” bulong sa akin ni Manang Ester. “Ang lalaking iyan ang dahilan kung bakit nagsimulang magkagulo sa buong ground floor mula nang mamatay ang iyong ama.” “I already figure it out right now, Manang,” sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa lalaking iyon. “Ngayon ko higit na naiintindihan kung bakit nagkakagulo ang buong tower gayong siniguro ko na hindi magiging malaking isyu sa lahat ang pagtakas namin dito.” “So, it was nice to see you again, Raffi.” Nakangiting lumapit sa akin ang lalaking iyon at inilahad ang kanyang kamay sa harap ko. “I was actuall

