Raziel Raffi Lynwood’s Pov Sinabihan ko si Drew na agad nang nang puntahan ang mga kasama namin upang malaman nila na maayos kaming nakalabas sa building ng Archangel. Sinabihan ko din siya na ikwento kay Zuri ang mga nalaman namin doon nang sa gayon ay hindi ko na kailangan pang magpaliwanag pagbalik namin sa hideout ng Archdemons. Sa ngayon kasi ay gusto ko munang balikan ang bahay namin para kamustahin ang mga naging kasambahay doon dahil simula bukas ay lilipat na doon ang pamilya ng bagong pinuno ng human society. “Raffi,” gulat na sambit ni Manang Ester, isa sa kasambahay namin na siyang katuwang ng mayordoma namin. "Manang." Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Kamusta kayo dito?" "Maayos naman kami." Hinila niya ako papasok ng bahay. Saglit pa siyang nagpalinga-linga s

