Raziel Raffia Lynwood’s Pov “We meet again,” ani Lupica nang dumating sila dito sa 35th floor. Tatlong araw na kaming nagtatagal dito dahil sinabi ni Monica noong tinawagan siya ni Lavy na pupunta sila upang makita ang sitwasyon sa mga palapag na nalinis na namin. Nagsimula na din kasi ang pakikipagtulungan sa kanila ng Archangel at ang unang ipinagkatiwala sa Archdemon ay ang paghahanap ng palapag na maaaring mapagkukunan ng supply para sa mga mamamayan dito. Tuluyan na kasing naipakilala at naluklok sa pagiging leader ng Tower Government si Azazel ngunit abala pa ito sa mga gulong nangyayari sa ground floor na pinamumunuan ni Vlad. “I am amazed that you manage to clean up ten floors in just one week,” “Well, we just managed to deal with the erian staying in those floors,” sabi ko.

