Raziel Raffia Lynwood’s Pov “Raffi,” dinig kong tawag sa akin ni Adzel. Bumaling ako sa kinaroroonan niya at nakita ko siyang sinesenyasan akong lumapit sa kanya na agad ko namang ginawa. Nasa isang gilid kasi siya na malayo sa mga kasama namin. “Bakit?” “Why didn’t you tell them what Makaro said earlier?” tanong niya nang tuluyan akong makalapit sa kanya. “Hindi ba’t importante iyon?” Makaro was one of the lower rank erian na kusang sumama sa amin. Pinangalanan siya ni Adzel upang hindi malito sa bawat isa sa kanila. “Importante iyon,” sabi ko. “Pero sa ngayon ay hindi pa tayo sigurado kung totoo nga ang sinabi ng erian na iyon.” “Lying is not part of their system, Raffi,” aniya. “They are genuine creatures who only tell you the truth. Napatunayan mo na naman iyon, hindi ba? Kaya

