Fancy POV Hindi ako mapakali dito sa kwarto ko. Kagagaling ko lang sa school. Hapon na at mamaya, ki-kidnappin na ako ni Blake. Wala siyang ka-ide-ideya na alam ko ang plano niya. Sabi ni Reid, pupunta dito si Blake tapos kakausapin ako tapos biglang tatakpan 'yung ilong ko ng panyo na may pampatulog. Napaisip nga ako, sana humingi nalang siya ng blue bottle sa'ken tapos ipainom niya sa'ken. Psh. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil ki-kidnapin ako ni Blake kundi dahil 'di ko alam kung paano ako aakto sa harap niya gayong alam ko ang tungkol sa sakit niya. I'm sure mahihirapan ako. Tulad ngayon, tuwid na naman ang salita ko. It's because I am hurt. Apektado ang buong sistema ko sa nalaman kong kalagayan ni Blake. Kinakaya ko na nga lang maging malakas eh. Pero deep inside, hinang

