Nabigla si Renza sa natuklasan. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mangyayari. Hindi niya malaman kung matutuwa ba siya malulungkot sa natuklasan. Dapat sana siyang matuwa dahil sa wakas, nalaman niyang mahal din pala siya ng kaniyang kababata. Pero sa kabilang banda, malaking hamon ito dahil kasasabi lang niya sa harap mismo ng pamilya niya na bibigyan ng chance si Pete. Ayaw naman niyang masira ang tingin nila sa kaniya. At ang malala pa nito, baka tuluyang magtapos ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sa kaniya. May dalawang minuto na nang makaalis si Reynold sa lugar, pero parehong natulala si Renza at Pete sa natuklasan. Nagkatinginan sila pero parehong walang imik. Tanging mga mata lang nila ang nangungusap. Mababanaag sa mga mata ni Renza na gusto niyang magpaalam kay Pete para sunda

