Halos kakaladakarin ni Jenna si Reynold palabas ng bahay nila Renza. Hindi niya kasi naintindihan kung ano ang nangyayari. Silang dalawa, dating? Medyo naduduwal si Jenna habang dinidili-dili ang katagang 'dating'. Hindi niya masikmurang sila ay nasa ganoong eksena. Oo, matalik silang magkaibigan, kulang na lamang ay maghiraman sila ng damit-panloob, pero 'dating'? Imposible! Dahil pareho nilang alam na wala silang gusto sa isa't-isa. At alam din niyang may kaniya-kaniya silang gusto. "Pakiexplain nga! Ano'ng nagdidate tayo?" asik ni Jenna nang makapasok na sila sa loob ng kotse. Hindi makapagsalita si Reynold at nanatiling nakatingin sa dashboard ng kotse niya. "Ano? Anong ginagawa mo? Mapapatay ako ni papa sa ginagawa mo eh," muli ay wika ni Jenna. "I don't have a choice at all, okay

