Isang linggo nang hindi niya nakikita si Renza sa eskuwela. Tiyak nahirapan pa rin mag-adjust ang mag-ina sa nangyari. Maging ang adviser ni Renza ay nagtanong na kay Reynold. Nag-alala na talaga siya sa kababata niya kung ano na kaya ang kalagayan nito. Tuwing sasama kasi siya sa mommy niya sa bahay nila Renza, hindi ito humaharap sa kanila. Tanging ang Tita Annie lang niya ang humaharap sa kanila, kahit pa lugmok na lugmok pa rin ito sa nangyari. Pipinipilit nitong makabangon kahit mahirap. Nang uwian na, nagtataka si Reynold kung bakit ang tagal ng mommy niya. Ang mommy niya pa naman ang tipong nasa oras palagi, kaya bago sa kaniya na mag-hintay ng kalahating oras sa sundo. Sa wakas, nakita na niya ang mommy niya na papasok ng school parking bay, kaya dali-dali siyang pumunta sa kinar

