Nagising na lang si Renza na nasa loob na pala siya ng kuwarto niya. Ginala niya ang mga mata sa paligid, at nagulat siyang may nakamatiyag sa kaniya. Dalawang tao! Walang iba kundi si Pete at ang babaeng bumungad sa kaniya bago siya hinimatay, si Jenna! Dahan-daham siyang bumangon. ''Thank God, you're safe!'' wika ni Jenna at yumakap sa kaniya. Hindi pa rin makuhang magsalita ni Renza, 'di dahil sa ayaw niyang kausapin ito, kundi 'di niya alam kung saan magsimula. Blangko pa kasi utak niya dahil sa natuklasan. ''Bakit umalis kang 'di man lang nagpapaalam? Nag-alala kami sa iyo ah. Sinabi na sa akin ni Pete ang nangyari sa inyo noon. So sorry about it,'' wika ni Jenna at bumitiw sa pagkakayakap sa kaniya. 'It's okay. It's my decision. Anyway, let's forget everything in the past.'' Sinik

