Isang taon ang nakalipas. Naging abala si Renza sa kanyiang bagong photography shop sa Cebu. Mula nang nagbakasyon siya sa resort na inirekomenda ng Lolo niya, nagpasiya siyang mag-freelance photographer muna doon para maging abala at makalimot habang nasa malayo. Kailangan niyang lumayo muna para maibsan ang sakit na dulot ng nangyari sa kanilang tatlo. Kahit papaano ay malaking tulong ang ginawa niya dahil nakakayanan niya ang lungkot at pait. Unti-unti niya na ring tinanggap na sadyang isa siya sa mga taong habambuhay na single. Nakakaradam pa rin siya ng sakit tuwing maalala ang pangit na karanasan niya ng pag-ibig pero mas pinili niyang mag-move on at sulitin na lamang ang buhay habang nasa kabataan pa. Dahil bago pa lang ang shop niya, hindi pa ganoon kadami ang kaniyang kliyente.

