Una nilang pinuntahan ang People's Park In The Sky. Giliw na giliw ang mag-asawang Carina at Arnold sa pagkuha ng mga larawan. Sinikap ni Reynold na kausapin si Renza pero hindi siya nabibigyan ng pagkakataon. Pagkatapos, tinungo nila ang Picnic Grove. Sibukan ng dalawang bagets na maghorseback riding at pagkatapos ay nilibot sandali ang paligid. Hindi na sila sumakay ng zipline dahil sasakay naman sila ng mga rides sa Sky Ranch. Doon balak ni Carina at Arnold na magtagal ng mga dalawang oras para makapag-enjoy ang dalawang bagets sa mga rides. Sa kabilang banda, pinilipit naman ni Annie na hindi mainggit sa dalawang mag-asawa kapag nagpapapicture ito sa kaniya. Ayaw niyang maging killjoy pa, gusto lang naman ng mga ito na maglibang. At hindi naman nila sinasadya na maalala ni Carina an

