Ngayon, kumbinsido na talaga si Renza na mahal na niya talaga ang kaniyang kababata at handa siyang isantabi ang panata niya sa nanay niya na 'di mag-aasawa. Pero bakit ganoon? Kung kailan handa na siyang isakripisyo pati ang magulang niya para sa pag-ibig, ang tao namang napili niya ay mali. Mali dahil umiibig siya sa taong hindi naman magkakagusto sa isang babae. Pero may naisip ni Renza. Hindi puwedeng maupo na lang siya at hayaang lumipas ang panahon upang makalimot. Hindi siya papayag na magsasawalang-kibo na lang at tanggapin ang katotohanan. Anuman ang kalalabasan ng naiisip niya, at least masasabi niyang sinubukan niya. Kailangang may gagawin siya. Kung napapasuot siya ni Reynold ng pambabae, gagawin niya rin itong tunay na lalaki. Tamang-tama at natanggap ang mga designs ni Reyno

