Weekend at wala siyang masyadong hinahabol na deadline kaya naisipang umuwi ni Renza sa Tagaytay. Ginugol niya ang kaniyang oras sa pagbubungkal sa kanilang hardin. Namiss niya ang ganitong gawain dahil wala naman silang hardin sa Maynila. Nang mapagod na siya ay umupo siya sa shed at pinagmamasdan ang magandang tanawin sa baba, ang Taal volcano. Ang dami niyang naiisip ng mga sandaling iyon. Ano kaya ang naging buhay niya kung buhay pa ang ama niya, paano na lang sila ng ina niya kung tatanda na sila, at maging ang kababatang si Reynold ay iniisip niya. Napagtanto niyang talagang may nararamdaman na siya para dito, kaya lang parang kapuwa lalaki naman ang gusto ni Reynold. Nasasaktan siya ang puso niya sa ideyang iyon. Maliban diyan, nagtatalo din ang damdamin niya dahil nangako siyang 'd

