Sabado, 8:30 ng umaga. Tahimik at payapa ang loob ng bahay habang nasa sala sina Lia at ang kanyang anak na si Camille. Nakaupo si Lia sa sofa, maingat na sinusubuan ng cerelac ang kanyang baby na nasa high chair. Tuwang-tuwa si Camille. Sa bawat subo, napapangiti ito at paminsan-minsan ay sinusundan ng tingin ang mangkok na hawak ng ina—parang ayaw nitong matapos ang pagkain. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. "Lia." Napalingon siya agad. "Tay!" Agad siyang tumayo at sinalubong ang ama, hinalikan ito sa pisngi. May dala itong mga pasalubong—at isang envelope na mahigpit nitong hawak. "Namiss ko kayo ng apo ko," ani ng matanda, may bahid ng lambing ang boses. Ngumiti si Lia. "Kamusta ka na, tay?" Ngunit bago pa siya masagot, lumapit na si Lucas kay Camille. "Hello, apo… may p

