Halos mapunit na ang kamay ni Gino sa higpit ng hawak ni Lia habang patuloy ang pag-iri nito. Nasa ospital na sila. Nasa isang executive suite si Lia habang naghihintay na tuluyang magbukas ang kanyang katawan para sa panganganak. Ilang oras na siyang nagle-labor at kitang-kita sa mukha niya ang pagod at sakit. “Lia… kaya mo pa ba?” nag-aalalang tanong ni Gino habang pinupunasan ang pawis sa noo ng asawa. Namimilipit si Lia sa sakit habang hawak ang tiyan. “Gino… ang sakit…” halos maiyak nitong sabi. Mas lalo namang kinabahan si Gino. “Gusto mo magpa-painless na lang tayo?” agad niyang suhestiyon. “Sabihin ko kay Doc.” Ngunit agad umiling si Lia kahit hirap na hirap. “Ayoko Gino…” Napapikit siya habang hinihingal. “Kakayanin ko to.” “Pero ang sakit talaga Gino…” Lalong hindi m

