Tahimik ang buong opisina nang tawagin si Gino ni Sheila sa intercom. “Sir, may bisita po kayo.” “Papasukin mo,” sagot niya. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at bumungad ang babaeng matagal na niyang kilala. “Hi Roxanne.” “Aren’t you going to give me a welcome kiss?” malambing nitong tanong. Bahagya siyang yumuko para ibeso ito ngunit mabilis siyang hinalikan ni Roxanne sa labi. Saglit lang iyon pero may laman—may alaala, may pananabik. Napailing si Gino. “Roxanne…” “So, are you ready for your work?” tanong niya habang umiiwas sa paksa. Umupo ito sa tabi niya at kumapit sa braso niya. “Yes, my dear.” Unti-unti niyang tinanggal ang kamay nito. “Marami akong ginagawa ngayon.” “Hatid mo naman ako sa office ko,” lambing nito, habang ang kamay ay umakyat sa batok niya. “Roxan

